Sa mundo ngayon, ang layunin ay magkaroon ng anumang bagay sa isang iglap. Mula sa pagpapadala ng mensahe hanggang sa paghahatid ng pagkain, kung mas mabilis ay palaging mas mahusay. Sa kasamaang palad, ang pagbibigay-diin sa bilis at kaginhawahan ay nagiging sanhi ng hindi pagiging aktibo ng maraming tao. Ang obesity, sakit sa puso, at diabetes ay mas laganap ngayon kumpara sa isang dekadang nakalipas. Ang masama pa nito, patuloy na pinipilit ng social media at mga patalastas sa mga tao na maging payat at fit. Kaya’t sumisikat ang pag-inom ng slimming pills.
Ano ang mga slimming pills?
Ang slimming pills at mga supplement ay karaniwang makukuha bilang mga kapsula. Kasama sa iba pang mga pantulong sa pagkain ang mga drink mix powders at bottled liquids. Dapat itong inumin sa pamamagitan ng bibig, alinman habang wala o may pagkain. Dahil ito ay isang food supplement, ang pag-inom ng slimming pills ay hindi palaging inaaprubahan ng FDA.
Mga sikat na sangkap sa mga hindi iniresetang slimming pills:
Ligtas ba ang pag-inom ng slimming pills ?
Sa pangkalahatan, ang mga food supplement ay ligtas kung ito ay gagamitin ng katamtaman lamang. Depende sa pormulasyon, makatutulong ang isang slimming pills na palakasin ang iyong metabolism at mas mabilis na mabawasan ng timbang. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang slimming pills ay sinadya upang maging isang add-on sa isang malusog na diet at programa ng ehersisyo.
Una, maraming slimming pills ang may proprietary formula. Ito ay mga pinaghalong sangkap na walang katumbas na halaga. Maaaring naka-highlight sa mga label ang mga sangkap na nakasusunog ng taba tulad ng green tea extract, ngunit ito ay kakaunti lamang.
Pangalawa, ang bigat na nababawas ay karaniwang water weight lamang. Sa una, ang pagkawala ng ilang bigat sa unang ilang linggo ay maaaring maging pangganyak. Gayunpaman, ito ay pansamantala lamang. Ang pagkawala ng fat at muscle tone ay maaaring magmula lamang sa diet at ehersisyo. Bilang resulta, ang mga tao ay hindi nasisiyahan sa slimming pillls dahil ang mga ito ay hindi epektibo, at hindi ligtas.
Bukod sa maraming slimming pills na walang pag-apruba ng FDA, may mga potensyal na mapanganib na sangkap na makikita sa ilang mga produkto ng diet at pampababa ng timbang. Kasama sa ilang kilalang halimbawa ang
- Sibutramine at desmethylsibutramine
- Ephedra at ephedrine (ma huang)
- Phenolphthalein
- Methylhexanamine o DMAA
- Paynantheine at mitragynine
Sa kasamaang palad, malamang sa higit na hindi isinasama sa label ng gamot ang mga sangkap na ito. Samakatuwid, ginagawa nitong potensyal na mapanganib at ilegal ang mga hindi rehistradong produkto. Pinakamainam na magtiwala lamang sa mga produktong rehistrado sa FDA mula sa mga kilalang tatak.
Paano ang mga iniresetang slimming pills?
Mayroong mga iniresetang tabletas sa pagbaba ng timbang. Kapag hindi sapat ang diet at ehersisyo, makatutulong ang pag-inom ng slimming pills. Ang mga gamot na ito sa pagbaba ng timbang ay hindi naglalaman ng parehong mga sangkap tulad ng karaniwang slimming pills. Ang pangunahing paraan na gumagana ang mga gamot na ito ay sa pamamagitan ng pagharang at pagsipsip ng fat sa digestive tract.
Samakatuwid, tanging isang lisensyadong doktor lamang ang makatutukoy kung ikaw ay angkop para sa mga resetang slimming pills. Tulad ng lahat ng gamot, mayroon pa ring mga potensyal na epekto ang mga ito.
Key Takeaways
Bilang konklusyon, ang pag-inom ng slimming pills ay ligtas lamang kapag ininom ayon sa direksyon. Huwag maniwala sa mga maling patalastas na nagsasabing maaari ka lamang magbawas ng timbang gamit ang isang partikular na produkto nang walang diet o ehersisyo. Bilang karagdagan, mahalagang uminom ng maraming tubig habang gumagamit ng mga supplement at mag-ehersisyo. Kung nais ang pagbabawas ng timbang, makipag-usap sa isang doktor at lisensyadong dietician upang lumikha ng tamang plano para sa iyo.
Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora
[embed-health-tool-bmr]