Nagtataka ka ba bakit ang dalawang tao na sinusunod ang parehong exercise routine at may parehong diet ay magkaiba pa rin pagdating sa pagbawas ng timbang? Ayon sa mga eksperto, ito ay dahil mayroong kakaibang bagay na nakaaapekto sa pagsunog ng calories. Ano ang mga bagay na ito? Paano magsunog ng calories? Alamin dito.
Mga Bagay na Nakaiimpluwensya sa Pagsunog ng Calories
Kung nais mo gawin lahat ng iyong makakaya sa pagbawas ng timbang, tandaan ang mga sumusunod na bagay:
1. Timbang ng Katawan at Muscle Mass
Dalawa sa mga bagay na nakaaapekto sa pagsunog ng calorie ay ang timbang ng katawan at muscle mass.
Sa pangkalahatan, mas mataas ang iyong timbang mas maraming calories ang nasusunog. Ito ay sa kadahilanan na kailangan ng mas maraming calories upang igalaw ang katawan. Karagdagan, ang mga taong may mas malaking hulma ng katawan ay karaniwang may mas malalaking internal organs, na nakaiimpluwensya rin sa pagsunog ng calorie.
Pamilyar ka ba sa weight loss plateau o ang pagkakataon na hindi ka na nababawasan ng timbang kahit na walang binabago sa iyong routine? Sinasabi ng mga eksperto na minsan ang plateau ay nangyayari matapos makabawas ng malaking timbang.
Sa parehong pagkakataon, gayunpaman, kailangan mong ikonsidera ang muscle mass. Sinasabi ng mga pag-uulat na mas marami ang muscle mass na mayroon, mas maraming calories ang nasusunog. Ang dahilan ay mas maraming sinusunog na calories ang muscles kaysa sa fats.
2. Edad
Alam niyo ba na ang edad ay nakakaapekto din sa pagbawas ng timbang at pagsunog ng calorie?
Sinasabi ng mga pag-uulat na sa iyong pagtanda, nababawasan din ang iyong muscle mass. Ang koneksyon dito ay masyado pang malabo, ngunit ang iba ay hinihinala na ito ay dahil sa lumalagong “immunity” sa protina para sa maintenance ng muscle.
Ibig sabihin nito na maaaring mas kaunting calories na ang iyong sinusunog sa iyong pagtanda.
3. Kasarian
Sinasabi ng mga eksperto na ang mga lalaki ay mas may abilidad na maraming sunuging calories kaysa sa mga babae. Ito ay sa kadahilanan na sila ay karaniwang mas malaki. Gayundin, mas maraming muscle mass ang mga lalaki.
4. Pisikal na gawain
Sa pangkalahatan, mas maraming beses kang kumikilos — at mas intense na ehersisyo — mas maraming beses na nagsusunog ng calories. Ngunit may isang bagay na dapat mong alalahanin: adaptation.
Siguro’y naobserbahan mo na kung mas ginagawa mo ang isang bagay, mas madali na lamang itong gawin. Gayundin, kung lagi kang tumatakbo, kinalaunan, mapagtatanto mo na maaari kang tumakbo nang mas matagal o mas mabilis kaysa noon.
Ngunit narito ang punto. Kung mas nasanay ka sa isang partikular na gawain, mas kaunting calories na lamang ang nasusunog.
5. Thermogenesis
Tumutukoy ang thermogenesis sa enerhiya na kailangan mo upang magtunaw, absorb, at mag-dispose ng nakonsumong nutrisyon. Sinasabi ng mga eksperto na ang thermogenesis ay nasa 5% hanggang 10% na ginamit ng enerhiya.
Syempre, ang thermogenesis ay iba sa bawat tao.
Paano I-maximize ang Iyong Pagsusunog ng Calorie
Kung napansin mo, ilan sa mga bagay paano magsunog ng calories ay non-modifiable: wala kang magagawa tungkol sa iyong edad, kasarian, at thermogenesis. Ngunit, makagagawa ka ng ibang mga bagay para sa ibang mga salik. Narito ang ilang tips:
1. Ikonsidera ang pagbu-build ng muscle habang nagbabawas ng timbang
Maaaring hindi ito ang pinakamadaling gawin, ngunit posible sa iyo ang pagbawas ng timbang habang nagbu-build ng muscle. Ang susi, ayon sa ilang eksperto, ay isama ang pagpapalakas na training (weight training) sa iyong cardio workouts.
2. Huwag ma-frustrate sa weight loss plateau
Kung nakaranas ng weight loss plateau, huwag malungkot at huwag huminto ng iyong diet at workout. Makatutulong ang pakikipag-usap sa iyong dietitian o fitness expert. Maaaring kailangan mong baguhin ang ilan sa iyong routine.
3. Magkaroon ng baryasyon sa iyong pisikal na gawain
Kung nasasanay ka na sa iyong kasalukuyang pisikal na workout, ikonsidera ang pagtindi ng mga ito o pumili ng ibang gawain.
Gayunpaman, pakiusap na huwag gawin ito nang walang gabay ng iyong doktor, lalo na kung ang iyong routine sa ehersisyo ay base sa iyong kasalukuyang estado ng kalusugan.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Diet at Pagbawas ng Timbang dito.
[embed-health-tool-bmr]