Alam mo ba kung ano ang negative-calorie na pagkain? Kung nag-diet ka na, malamang na-encounter mo na ang terminong ito. Ang negative calorie foods ba ang sikreto sa pagkain ng hangga’t gusto mo kasabay ng pagpayat? Magpatuloy sa pagbabasa para malaman pa.
Ano ang negative-calorie na pagkain?
Para sa panimula, talakayin natin kung ano ang ibig sabihin ng mga negatibong calorie. Ang konsepto ng negative calories ay may ilang mga pagkain na may napakakaunting calories na talagang kailangan ng mas maraming enerhiya para ma-digest ang mga ito. Dahil dito, nagreresulta ito sa negatibong balanse ng enerhiya.
Ang isa sa mga napatunayan sa pagbaba ng timbang ay ang pagkonsumo ng mas kaunting mga calorie kaysa sa kailangan. Bilang kahalili, maaari mong sunugin ang anumang labis na calorie sa iyong pang-araw-araw na calorie allowance sa pamamagitan ng pisikal na ehersisyo.
Ang ilang partikular na pagkain tulad ng celery at lettuce ay kilala na may “negatibong calorie.” Ito ay isang dahilan kung bakit ang mga salad ay isang popular na staple sa maraming mga diet. Gayunpaman, ang pitfall ng mga gulay na ito ay bukod sa halos walang calories, halos wala silang anumang nutritional value.
Totoo ba ang mga negative-calorie na pagkain?
Kung titingnan mo ang anumang label ng nutrisyon sa tindahan o sa iyong sariling kusina, mapapansin mo ang bilang ng calorie sa tuktok ng label. Ang ilang mga produkto tulad ng de-boteng tubig ay nagpapakita ng zero calories. Gayunpaman, mahihirapan kang maghanap ng anumang label na nagpapakita ng mga negatibong calorie.
Ito ay dahil walang negative calorie. Ang konsepto kung ano ang negative-calorie na pagkain ay dahil sa katotohanan na ang ating katawan ay nagsusunog ng mga calorie. Ito ay kahit na gumagawa ng mga bagay tulad ng paghinga o pagkain. Totoo na ang ating katawan ay nangangailangan ng enerhiya para ngumunguya at mag-digest ng pagkain, dahil ang temperatura ng ating katawan ay karaniwang tumataas habang tayo ay kumakain.
Gayunpaman, ang paglalagay sa isang bagay bilang “negative calorie” ay misleading. Maaari itong magmungkahi na agad kang mawawalan ng calories pagkatapos mong kainin ito. Sa teorya, kung ang isang partikular na pagkain ay may -100 calories bawat serving at kumain ka ng 5 servings, iyon ay katumbas ng -1000 calories.
Sa kasamaang palad, hindi nangangailangan ng maraming calories para umupo at kumain. Kahit ang pagtakbo sa treadmill sa loob ng kalahating oras ay hindi magsusunog ng 1000 calories. Ito ang dahilan kung bakit hindi maaaring mamarkahan ang pagkain na may mga negatibong calorie.
Mga mababang calorie na pagkain
Habang ang mga negative-calorie na pagkain ay isang myth, mayroong iba’t ibang mga produktong pagkain na available na mababa ang calorie (o kahit na zero-calorie). Ang mga pagkain at inumin na mababa sa calorie ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Low-calorie food (wala pang 50 calories bawat serving)
- Lettuce
- Repolyo
- Spinach
- Cucumber
- Malunggay
- Celery
- Infusion water
- Sabaw ng gulay
- Mushrooms
- Carrots
- Papaya
- Watermelon
- Citrus fruit
- Pineapple
Zero-calorie food
- Water
- Black coffee (walang asukal o cream)
- Brewed tea (walang asukal o gatas)
- Diet sodas
- Shirataki (konjac) noodles at rice products
Disadvantage ng low-calorie food
Panghuli, mahalagang linawin na habang dapat nating bantayan ang ating pagkonsumo ng calorie, hindi natin basta-basta makakain ang mga pagkaing ito na napakababa ng calorie. Una, kailangan nating magkaroon ng pinakamababang halaga ng mga calorie bawat araw upang mapasigla ang lahat ng ating bodily functions. Ang pinakamababang halaga na ito ay tinatawag na basal metabolic rate.
Pangalawa, ang mababang-calorie na pagkain ay hindi siksik sa sustansya. Ang pagkain ng isang buong ulo ng lettuce ay maaari lamang magbigay ng 60 calories, gayunpaman, walang taba at kaunting mga carbs at protina lamang. Ito ay hindi sapat para mapanatili ang malusog na mga kalamnan at tisyu, lalo na kung ikaw ay nag-eehersisyo din.
Sa halip, piliin ang mababang-calorie na pagkain at inumin bilang mga pandagdag sa iyong mga pagkain. Palitan ng mabibigat na carbs gaya ng kanin o tinapay na may simpleng side salad na may inihaw na manok o steamed fish. Sa ganitong paraan, maaari mong bawasan ang mga calorie habang nakakakuha pa rin ng kinakailangang nutrisyon.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]