Ang pinya ay isang tropikal na prutas na mayaman sa mga bitamina, enzyme at antioxidant. Ang benepisyo ng pinya ay maaaring palakasin ang immune system at makatulong sa indigestion at sa pagbuo ng malakas na buto. Kilala rin ang pinya sa kanilang matamis o maasim na lasa, pero nagtataglay ng mababang calories.
Kabilang sa miyembro ng pamilyang bromeliad ang pinya, kung saan ito ang tanging bromeliad na gumagawa ng nakakain na prutas.
Basahin ang artikulong ito upang alamin kung paano maaaring makatulong sa’yo ang mga benepisyo ng pinya sa pagpapanatili ng iyong kalusugan.
Mga Benepisyo Sa Pagkain Ng Prutas Na Ito
Ang pinya ay kilala rin sa pagtataglay ng minerals, manganese, at fiber na mahusay para sa ating kalusugan. Kung saan ang pagkonsumo nito ay makakatulong para maging malakas ang iyong pangangatawan, at bukod rito, heto pa ang mga benepisyo ng prutas na ito sa’ting kalusugan:
Benepisyo Ng Pinya #1: Nakakatulong Sa Pagpapagaling Ng Tissue
Ang pinya ay naglalaman rin ng “bromelain,” isang enzyme na tumutulong para mapagaling ang ating balat at tissue. Ang bromelain ay may kakayahan na maglabas ng substances na lumalaban sa pamamaga at pananakit.
Benepisyo Ng Pinya #2: Nagagamit Bilang Arthritis Pain Relief
Dahil nagtataglay ang pinya ng anti-inflammatory power ng bromelain, maaari itong makapagbigay ng pain relief o kaginhawaan sa mga tao na may osteoarthritis.
Benepisyo Ng Pinya #3: Pinipigilan Ang Pag-Unlad Ng Partikular Na Mga Tumor
Ang anti-inflammatory power sa bromelain ay pwedeng makatulong sa paglaban sa pamamaga at maaaring sugpuin ang paglaki ng ilang mga tumor. Ngunit, ang pagkain ng pinya ay hindi isang garantiyang hindi ka magkakaroon ng kanser. Pero magandang mapaparaan ang pagkain ng pinya para maiwasang kanser at iba pang health conditions.
Benepisyo Ng Pinya #4: Tumutulong Sa Pagpapaganda Ng Digestion o Panunaw
Naglalaman ang pinya ng malaking amount ng fiber, na nauugnay sa mas mahusay na panunaw. Naglalaman din ito ng bromelain, na inaakalang nakakatulong sa panunaw, kahit na walang sapat na siyentipikong katibayan para masabi ito nang tiyak.
Benepisyo Ng Pinya #5: Pagsisilbi Bilang Weight Loss Booster
Karamihan sa mga weight loss expert ay nagrerekomenda ng diyeta na mayaman sa mga prutas at gulay, lalo na kung sinusubukan mong magbawas ng pounds. Ang pinya ay nagtataglay ng mga enzyme na pwedeng makatulong sa pagsunog ng taba.
Benepisyo Ng Pinya #6: Post-Workout Recovery
Kapag gumagana nang husto ang iyong mga kalamnan, nagdudulot ito ng pamamaga — na humahantong sa hindi maiiwasang pananakit. Ang paglalagay ng pinya sa iyong post-workout smoothie ay pwedeng makatulong sa’yo na makabalik sa iyong training rehimen nang mas maaga.
Benepisyo Ng Pinya #7: Napapalakas Ang Immune System Sa Paglaban Sa Mga Sakit
Ang mga pinya ay pinagmumulan ng bitamina C na isa ring pangunahing antioxidant na nalulusaw sa tubig na lumalaban sa pagkapinsala ng cells. Napakahalaga nito para sa ating katawan para labanan at maiwasan ang pananakit ng kasukasuan at mga sakit sa puso.
Benepisyo Ng Pinya #8: Nababawasan Ang Stress
Ang mga pinya ay naglalaman ng isang mahusay na lebel ng ilang B bitamina na nagtutulak sa iyong utak na gumana nang mas mahusay at mapalakas ang iyong kakayahang harapin ang stress ng mas mahusay.
Benepisyo Ng Pinya #9: Napapanatiling Malusog Ang Iyong Mga Mata
Dahil sa mataas na antas ng antioxidant at bitamina C, binabawasan ng pinya ang panganib ng macular degeneration – isang sakit sa mata, na nagiging sanhi ng pagkawala ng paningin. Ang mga matatanda ay partikular na nagkakaroon nito.
Naglalaman din ang pinya ng maraming beta carotene – isang mahalagang elemento na kailangan para sa malusog na paningin na dapat regular na kainin.
Key Takeaways
Maraming benepisyo sa kalusugan ang pinya na dapat mong malaman, dahil makakatulong ito para manatili kang malusog at physical fit. Kung nais mo rin na makakuha ng mga ideya sa diyeta na angkop sa iyong pangangailangan, maaari kang magpakonsulta sa doktor para mabigyan ka ng medikal na payo at diagnosis.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]