backup og meta

Benepisyo Ng Kalabasa: Alamin Dito Kung Anu-ano Ang Mga Ito

Benepisyo Ng Kalabasa: Alamin Dito Kung Anu-ano Ang Mga Ito

Ang benepisyo ng kalabasa ay hindi lamang dapat limitahan sa kasikatan nito tuwing sasapit ang halloween. Bagama’t pinalalaki ang ibang kalabasa bilang palamuti gaya ng jack o’lanterns, paborito rin itong sangkap sa tinapay, desserts, at sopas. Ang gulay na ito ay masarap gawing ulam na maaaring lutuin sa pamamagitan ng pag steam, guisado o sinabawan.

Anu-ano ang benepisyo ng kalabasa?

Isa ang kalabasa sa pinakamasarap at masaganang pagkain ng kalikasan. Kung matagumpay kang nakapagtanim ng kalabasa sa iyong hardin, malamang na alam mo kung gaano ito kabilis dumami. Ngunit kahit na ikaw ay mahilig sa kalabasa, malamang na may dose-dosenang mga uri na hindi mo pa nasusubukan. 

Kadalasan, dinadala ng mundo ang kalabasa sa ating atensyon. Kung nakatira ka sa Amerika, mahirap iwasan ang mga pumpkin patch lalo na tuwing sasapit ang winter holiday season. Ang paglalakad sa isang merkado ng mga magsasaka sa taglagas ay magdadala sa iyo ng iba’t-ibang hugis, sukat, kulay, at texture ng kalabasa. At para sa isang hardinero sa likod-bahay, malamang desperado kang naghahanap ng mga recipe para sa kalabasa sa mga huling bahagi ng tag-araw.

Uri, pinagmulan at benepisyo ng kalabasa 

Mayroong higit sa 100 uri ng kalabasa, na binubuo ng dalawang pangunahing kategorya: tag-araw at taglamig. Ang kalabasa ng taglamig ay higit pang nahahati sa nakakain at hindi nakakain, tulad ng mga kalabasang ginagamit na pang dekorasyon. Siyempre, kung hindi ka pamilyar sa iba’t ibang uri ng winter squash, maaaring mawalan ka ng ilan sa mga pinakamasarap at masustansyang pagkain dahil lang napagkamalan mong mga palamuti sa mesa. 

Ang salitang “kalabasa” ay nagmula sa salitang Narragansett Native American na askutasquash, na nangangahulugang “kinakain ng hilaw.” Ito ay dahil maraming uri ng kalabasa, tulad ng zucchini, na maaaring ligtas na kainin nang hindi niluluto. 

Benepisyo ng kalabasa sa kalusugan

Ang mga kalabasa ay hindi lamang makukulay na palamuti, o sangkap ng mga panghimagas. Ito rin ay may mga benepisyo sa kalusugan gaya ng sumusunod:

Panlaban sa oxidative stress

Ang mga antioxidant sa squash ay maaaring gumanap ng isang mahalagang papel sa pagbabawas ng oxidative stress. Ito rin ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa kanser. Ang Vitamin C at beta-carotene na matatagpuan sa squash ay maaaring makatulong na mapabagal ang pag-unlad ng macular degeneration. Maaari din nitong mabawasan ang mga panganib na kaugnay ng pagkawala ng paningin

Ang dilaw na kalabasa ay naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng beta carotene at lutein. Ang beta carotene ay isang antioxidant na tumutulong na protektahan ang iyong katawan laban sa pinsala mula sa mga pollutant at mga kemikal na tinatawag na free radicals.

Maganda para sa puso

Hindi matatawaran ang benepisyo ng kalabasa sa malusog na pagtibok ng iyong puso sa pamamagitan ng taglay nitong masaganang supply ng carotenoids. Ang mga carotenoid ay isang klase ng natural, at fat-soluble pigments na pangunahing matatagpuan sa mga halaman. Mayroon silang potensyal na antioxidant biological properties dahil sa kanilang kemikal na istraktura at pakikipag-ugnayan sa mga biological membranes. 

Sinuportahan ng mga epidemiologic studies ang hypothesis na ang mga antioxidant ay maaaring gamitin bilang isang murang paraan ng pag-iwas sa pangunahin at pangalawang cardiovascular disease (CVD). Maaari din itong makatulong sa:

  • Pagbabawas sa mga partikular genes na nauugnay sa sakit sa puso
  • Pagpapababa ng presyon ng dugo
  • Pagbabawas ng pamamaga, 

Pambalanse ng blood sugar

Ang banana squash ay tradisyonal na ginagamit bilang hypoglycemic treatment sa hilagang-kanluran ng Iran, China at Mexico. Ito ay napatunayan ng mga mananaliksik sa Iran na pinag-aralan ang benepisyo ng kalabasa partikular na ang banana squash sa pag-kontrol ng blood glucose ng mga pasyenteng may malubhang sakit na diabetes. 

Ang pag-aaral, na inilathala noong 2018, ay nagpasya na ang powdered banana squash ay isang mabilis at epektibong paggamot para sa mga pasyenteng may malubhang sakit na diabetes.

Panlaban sa cancer

Napakarami ang benepisyo ng kalabasa sa kalusugan lalo na ang mga varieties tulad ng zucchini. Naglalaman ito ng maraming bioactive compounds na lumalaban sa kanser. Ginagawa nila ito sa maraming paraan gaya ng:

  • Paglaban sa mga genotoxin o mga nakakalason na ahente na pumipinsala sa mga DNA molecules at nagdudulot ng mutasyon at mga tumor 
  • Lumalaban sa mga cytotoxin o mga compounds na pumipinsala sa lahat ng mga cells
  • Pag-trigger ng programmed cell death sa mga nasirang cells na maaari sanang maging cancerous 

Sa kabila ng napakaraming benepisyo sa kalusugan ng kalabasa, ang ilan sa zucchini at yellow squash na lumago sa America ay genetically modified. Ang GMO squash ay umabot sa humigit-kumulang 12% ng summer squash na binebenta sa US noong 2005. Karamihan sa mga GMO varieties ay kinabibilangan ng green zucchini, yellow straight-neck, at yellow crookneck squash. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://foodrevolution.org/blog/health-benefits-of-squash/, Accessed August 9, 2022

https://www.webmd.com/food-recipes/butternut-squash-health-benefits, Accessed August 9, 2022

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4325009/, Accessed August 9, 2022

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7221643/, Accessed August 9, 2022

https://www.medicalnewstoday.com/articles/284479, Accessed August 9, 2022

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement