backup og meta

Anu-Ano Nga Ba Ang Benepisyo Ng Black Rice? Alamin Dito!

Kilala ang mga Pilipino na mahilig sa pagkain ng kanin dahil malaki ang naitutulong nito para makaramdam ng kabusugan ang isang tao. Ang ilan sa mga uri ng kanin natin ay white rice, brown rice, at black rice. Dahil mas marami ang populasyon ng tao sa Pilipinas ang kumakain ng white rice, hindi lahat ay pamilyar sa benepisyo ng black rice. Basahin ang artikulong ito para magkaroon ng kaalaman tungkol sa black rice.

Anu-Ano Nga Ba Ang Benepisyo Ng Black Rice? Alamin Dito!

Ano Ang Black Rice?

Tinatawag ang black rice dati na “forbidden rice.” Ito’y nagtataglay ng mas mataas na konsentrasyon ng mga sustansya kung ikukumpara sa puting bigas. Dagdag pa rito, kilala rin ang black rice sa pagiging mayaman nito sa protina at dietary fiber na mahusay at maganda para sa kalusugan ng bawat indibidwal.

benepisyo ng black rice

5 Benepisyo Ng Black Rice

1. Mayaman Sa Antioxidant

Ang black rice ay may pinakamataas na dami ng antioxidant sa lahat ng uri ng bigas na mayroon tayo. Ang itim o ang lila-asul na kulay sa black rice ang indikasyon ng antioxidant properties nito. At ang pinakalabas na layer ng black rice grain ay naglalaman ng malaking halaga ng antioxidant na tinatawag na “anthocyanin” na nakakatulong sa mga sumusunod:

  • Para maiwasan ang cardiovascular diseases
  • Upang mapabuti ang paggana ng utak at mabawasan ang pamamaga

2. Napapabuti Ang Kalusugan Ng Puso

Dahil sa pagtataglay ng black rice ng maraming good fiber at kakaunting fat, malaki ang naitutulong nito para sa pagiging mabuti para sa kalusugan ng puso. 

Ang fiber kasi ay nakakatulong na tanggalin ang sobrang kolesterol ng katawan at mapababa ang presyon ng dugo ng isang tao. Malaki ang naitutulong nito para maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit sa puso.

3. Magandang Pinagkukunan o Source Ng Fiber

Ang black rice ay kilala na mayaman sa fiber content na tumutulong sa pagpapabuti at pag-regulate ng mga sumusunod:

  • Bowel movements
  • Constipation
  • Diarrhea
  • Bloating

Tumutulong din ang fiber sa pagbubuklod ng mga toxin at dumi sa ating digestive tract para i-flush ito pagkatapos makumpleto ang cycle ng digestion.

Dagdag pa rito, ang fiber ay mainam upang matulungan kang huminto sa pagkain ng matataba na pagkain. Ito’y nagbibigay ng pakiramdam ng pagiging busog sa isang tao pagkatapos niyang kumain.

4. Gumagana Bilang Natural Detoxifier

Sa panahon natin ngayon mas marami na tayong mga pagkain na hindi masustansya gaya ng junk food. Ang natural detoxification ay napakahalaga para maiwasan ang ilang mga partikular na sakit. At ang black rice ay mayaman sa phytonutrients na may natural detoxifier at nagtatanggal ng mga free radical mula sa katawan.

5. Nakakatulong Sa Pag-Iwas Sa Obesity

Kapag ang isang tao ay nakikipaglaban sa obesity, ang black rice ang makakabuti para sa’yo dahil ang uri ng bigas/kanin na ito ay mayaman sa fibre. Ang fiber ay makakatulong upang maramdaman ng isang tao na busog sila pagkatapos kumain at malaki ang ambag nito para maiwasan ang sobrang pagkain.

[embed-health-tool-bmi]

Key Takeaways

Kasama sa kultura ng mga Pilipino ang pagkain ng kanin upang mas maramdaman nila ang kabusugan. At ang pagkain ng black rice ay makakatulong para sa pagpapabuti ng ating kalusugan. 
Kilala ang black rice sa pagtataglay ng protina, dietary fiber, at pagkakaroon ng mas mataas na konsentrasyon ng mga sustansya kung ikukumpara sa puting bigas. Ang pagkain ng black rice ay maaaring magbigay ng mga benepisyo sa kalusugan gaya ng pagbawas ng panganib sa obesity at sobrang pagkain. 
Huwag mo ring kakalimutan na magpakonsulta sa iyong doktor kung nais mong magkaroon ng balanseng diyeta na angkop sa pangangailangan ng iyong katawan.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Health Benefits Of Forbidden Rice, https://health.clevelandclinic.org/forbidden-rice-benefits/, Accessed September 8, 2022

Health benefits of black rice (Zizania aqatica), https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2214785321051166, Accessed September 8, 2022

8 Surprising Health Benefits of Black Rice, https://healthiersteps.com/8-surprising-health-benefits-of-black-rice/, Accessed September 8, 2022

The Health Benefits of Black Rice, https://www.eatingwell.com/article/7664348/the-health-benefits-of-black-rice/, Accessed 8, 2022

Top 10 Health Benefits of Black Rice/ Forbidden Rice, https://www.medindia.net/dietandnutrition/top-10-health-benefits-of-black-rice.htm, Accessed 8, 2022

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kanin at Diabetes: Ano Ba Ang Koneksyon Ng Mga Ito?

Ano Ang Quinoa, At Mas Masustansya Ba Ito Sa Kanin?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas