Sa panahon ngayon, maraming mga uri ng tubig na mabibili ng mga mamimili. Ngunit ang bagong uso ngayon ay ang pag-inom ng tubig na alkaline water, na nag-ulat ng maraming mga benepisyo sa kalusugan. Ngunit, ano ang alkaline water at paano ito nakabubuti para sa iyo?
Paano nakabubuti ang alkaline water?
Una sa lahat, kailangan natin pag-usapan ang tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng alkaline water at regular water. Ano ang alkaline water? May mga tiyak na subtance ang isang likido tulad ng tubig, na maaaring acidic o basic.
Kung ang tubig ay acidic, ibig sabihin nito na mayroon itong mababang lebel ng pH. Kung ito naman ay basic, mayroon itong mataas ng lebel ng pH. Ang isang puring tubig ay may pH na nasa 7. Kaya’t ang kahit na anong mataas sa 7 ay basic o alkaline, at ang mas mababa rito ay acidic.
Ano ang alkaline water? Ang alkaline water ay may lebel ng pH na 8.5 o mas mataas. Sinasabi ng mga kumpanya na nagtitinda ng uri ng tubig na ito na mayroon itong iba’t ibang benepisyo sa kalusugan tulad ng pagpapababa ng lebel ng blood sugar, pagpapabuti ng kalamnan, at pagpapabuti ng hydration.
Dahil sa mga nabanggit, maraming mga tao na inaalala ang kanilang kalusugan ay nagpalit sa pag-inom ng ganitong uri ng tubig sa halip na mineral o distilled water. Ngunit ano ba ang sinasabi ng medikal na siyensya tungkol sa pag-inom ng ganitong uri ng tubig?
Nakatutulong ito sa hyperacidity
Ang pag-aaral na isinagawa sa mga tao na may GERD o gastroesophageal reflux disorder ay napag-alaman na ang pag-inom ng alkaline water ay maaaring makatulong sa paggamot ng GERD at hyperacidity. Napag-alaman nila ang mataas na lebel ng pH ng tubig ay kayang patigilin ang substance na pepsin, ito ay isang uri ng enzyme na responsable para sa digestion.
Gayunpaman, sa mga taong may GERD, ang pepsin ay maaaring makapinsala sa lining ng tiyan at esophagus matapos ito maging activated dahil sa stomach acids.
Dahil ang tubig na may mataas na lebel ng pH ay maaaring ma-deactivate ang pepsin. Kung kaya’t ang pag-inom nito ay makatutulong mag-mitigate at mag-manage ng side-effects ng GERD. Kaya’t para sa mga taong nakararanas ng hyperacidity o GERD, ang pag-inom ng ganitong uri ng tubig ay mas may pakinabang kumpara sa pag-inom ng regular na tubig.
Mas mainam ito kaysa sa pag-inom ng acidic water
Sa usaping pangkalahatan, ang pag-inom ng tubig na may mataas na lebel ng pH ay mas mainam kaysa sa pag-inom ng acidic na tubig. Isa sa mga rason sa likod nito ay ang acidic na tubig ay mas naglalaman ng kemikal at metals mula sa pipes at balon. Ibig sabihin nito ay kung ang iniinom mong tubig ay acidic, maaari itong maglaman ng mga nakasasamang metals at chemicals.
Maaari ding mapinsala ang iyong mga ngipin ng acidic na tubig. Pati na rin ang pag-iwas na mag-absorb ang calcium sa iyong buto ay nagagawa nito. Kung ikaw ay nakararanas ng hyperacidity o GERD, ang pag-inom ng acidic na tubig ay mas nagpapalala ng sintomas.
Kaya’t ang pag-inom ng alkaline water ay mas mainam kaysa sa pag-inom ng acidic na tubig.
Ang pag-inom ng tubig sa pangkalahatan ay mainam para sa iyo
Sa huli, ang pag-inom ng tubig sa pangkalahatan ay mainam para sa iyo. Sa katunayan, ang tubig ay naglalaman na ng lahat ng kailangan natin para sa hydration. Hindi na natin kailangan na uminom ng kahit na anong sports drinks o ibang mga inumin na nag-ulat ng benepisyo sa kalusugan.
Ano ang alkaline water? Walang kasalukuyang ebidensya tungkol sa benepisyo nito sa kalusugan. Ang ilang mga pag-aaral ay tinignan kung may koneksyon ito. Ngunit ang resulta ng pag-aaral ay hindi pa tiyak.
Nagsabi ang ilang mga tao na ang tubig na may mataas na pH ay “nagbabalanse” sa katawan. Idinagdag nila na ito rin ay nakapagpapababa ng “acidity” sa dugo. Ngunit ang mga nabanggit na ito ay hindi base sa facts.
Ang katotohanan ay ang ating katawan ay napaka efficient at patuloy na nagpapanatili ng lebel ng pH na 7.35 -7.45 na ligtas. Ang pag-inom ng alkaline o acidic na tubig ay hindi agad magpapabago ng lebel ng pH ng katawan. Mula rito, ang mga binanggit tungkol sa alkaline water ay hindi totoo.
Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na ang pag-inom nito ay masama para sa iyo.
Sa katunayan, kung ang uri ng tubig na ito ay nagsusulong sa mga tao na manatiling hydrated, ito ay magandang bagay. Ito ay mas mainam na piliin kumpara sa soft drinks o ibang matatamis na inumin.
Sa kabuuan, ang alkaline water ay ligtas na inumin at hindi nagiging sanhi ng mga problema sa kalusugan. Ibig sabihin, kung nais mong subukan ang pag-inom ng alkaline water sa halip na regular water, maaari mo itong gawin!
Tandaan lamang na hindi ito “nakagagamot” na sinasabi ng ibang mga tao.
[embed-health-tool-bmi]