Ano ang sanhi ng sleepwalking? Ito ba ay senyales ng pinsala sa utak? Maaari mo bang pigilan o pamahalaan ang sleepwalking sa mga bata at matatanda?
Kapag natutulog ang isang tao, ang katawan ay nagpapahinga, nakapikit ang mga mata, at ang nervous system ay hindi gaanong kaaktibo. Gayunpaman, ang ilang mga indibidwal ay nakararanas ng “sleepwalking,” na kilala rin bilang somnambulism. Ito ay kinikilala bilang isang arousal parasomnia na binubuo ng isang serye ng mga kumplikadong pag-uugali na karaniwang sinisimulan sa panahon ng partial arousals mula sa slow-wave sleep, na nagreresulta sa malalaking paggalaw tulad ng paglalakad habang natutulog at iba pa.
Ang isang natutulog na indibidwal ay maaaring magsalita ng mga walang kwentang bagay, hindi tumutugon sa mga tanong o kahilingan, at maaaring blangko ang ekspresyon ng mukha, at walang maalala kapag siya ay nagising.
Ang Siyensya ng Sleepwalking
Ang sleepwalking ay isang uri ng sleep disorder, na kilala bilang parasomnia. Nangyayari ang parasomnia kapag ang isang tao ay nasa transitional state sa pagitan ng pagtulog at pagpupuyat, na nagiging sanhi ng mga error sa timing at balanse sa utak, na kalaunan ay humahantong sa abnormal na pag-uugali habang natutulog.
Ang pagtulog ay nahahati sa dalawang yugto. Ito ay:
Rapid eye movement (REM sleep)
Ito ang pinakamagaan na yugto ng pagtulog kung saan nangyayari ang panaginip at ang muscle atonia ay pumipigil sa isa na maisagawa ang kanyang panaginip, at kung saan ang isang tao ay madaling magising.
Non-rapid eye movement (NREM) sleep
Ang isa ay karaniwang pumapasok sa NREM sleep muna habang ang isa ay natutulog, na may ilang mga yugto. Ang unang yugto ay nagsisimula habang ang kakayahan ng isang tao na tumugon sa external stimuli ay bumababa, ang mga pag-iisip ay nagsisimulang umanod, at ang muscle activity ay nagsisimulang bumagal. Pagkatapos, ang isa ay gumagalaw sa mga yugto ng NREM sleep hanggang sa umabot sa Stage 3 at 4, na siyang pinakamalalim na yugto ng NREM sleep at kung saan karaniwang nangyayari ang sleepwalking.
Ini-uuri ng 2016 guideline ng American Academy of Sleep Medicine ay ang pagtulog sa mga sumusunod na yugto:
- Wakefulness (Stage W)
- NonREM 1 (Stage N1)
- NonREM 2 (Stage N2)
- NonREM 3 (Stage N3, pinagsasama ang nakaraang Stage 3 at 4)
- Rapid Eye Movement (Stage R)
Ang mga yugtong ito ay nagaganap sa mas maagang bahagi ng gabi, at ang mga stages ng sleepwalking ay karaniwang tumatagal ng ilang segundo hanggang isang oras. Ang ganitong mga aktibidad sa sleepwalking ay mula sa paglalakad hanggang sa pagmamaneho. Gayunpaman, ang ilang mga kaso ay maaaring humantong sa marahas o hindi naaangkop na mga aksyon.
Ano-ano ang Sanhi ng Sleepwalking?
Karamihan sa mga nakararanas ng sleepwalking ay mga bata sa pagitan ng edad na 7 at 15 dahil ang mga bahagi ng kanilang utak ay hindi pa umuunlad nang singbilis o ang neurotransmitter na tinatawag na gamma-aminobutyric acid (GABA), na siyang pumipigil sa motor system ng utak ay hindi pa ganap na nabuo upang maunawaan ang mga sleep cycles. Bagaman ang kondisyon ay maaaring magsimula rin sa pagtanda. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang iba’t ibang mga salik na nagsisilbing trigger o sanhi ng sleepwalking at ito ay kinabibilangan ng:
Stress
Ang iba’t ibang uri ng stress, pisikal man o emosyonal, ay maaaring makaapekto sa pagtulog, na maaaring magpapataas ng posibilidad ng sleepwalking.
Sleep deprivation
Pagkatapos ng period ng sleep deprivation, ang isa ay maaaring magkaroon ng mas maraming oras na ginugol sa malalim na pagtulog (deep sleep), na nagdaragdag ng panganib ng sleepwalking.
Alak
Ano ang sanhi ng sleepwalking? Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-inom ng alak ay maaaring isang sanhi ng sleepwalking. Ito ay marahil pinapataas nito ang NREM deep sleep, na nagbibigay ng mas maraming oras at pagkakataon para mangyari ang isang episode, at maaaring magpapataas ng panganib ng isang marahas na episode.
Lagnat
Ang lagnat ay isa sa mga salik na nagpapahirap sa katawan sa ilang paraan, dahilan na maaaring magresulta sa pagtaas ng bilang ng mga illness-driven arousal sa gabi, lalo na para sa mga bata.
Droga
Ang pagkakaroon ng sleepwalking episode ay maaaring ma-trigger ng mga gamot na may sedative effect dahil ito ay nag-uudyok sa pagtulog, dahilan para mas maudyok ang tao na humantong sa mas malalim na pagtulog (deep sleep).
Sleep disorders
Ang mga sleep disorders tulad ng obstructive sleep apnea (OSA) at Restless Leg Syndrome (RLS) ay maaari ring maging mga sanhi ng sleepwalking para sa isang tao. Ang OSA ay nagdudulot ng mga maikling lapses sa paghinga habang natutulog na maaaring mangyari nang maraming beses bawat gabi, dahilan para maantala sa pagtulog, habang ang RLS ay nagdudulot ng night-time arousals dahil sa malakas na pag-udyok ng isang tao na igalaw ang mga paa, lalo na ang mga binti, kapag nakahiga.
Genetics at family history
Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang sleepwalking ay karaniwang nauugnay sa malakas na family history. Ito ay 10 beses na mas malamang na mangyari kung ang isang first-degree na kamag-anak ay may history na ng sleepwalking. Humigit-kumulang 61% ng mga bata na nakararanas mag-sleepwalk kung ang parehong mga magulang ay may kasaysayan nito, 47% ng mga bata naman kung ang isang magulang ay mayroon, at humigit-kumulang 22% ng mga bata na nakararanas ng sleepwalking ay may mga magulang na walang kasaysayan ng kondisyong ito.
Paano Maiiwasan o Mapapamahalaan ang Sleepwalking?
Matapos maunawaan kung ano ang sanhi ng sleepwalking, maaari ka na ngayong lumipat sa susunod na hakbang at ito ay alamin kung paano gamutin at pangasiwaan ang naturang kondisyon.
Karamihan sa mga kaso ng sleepwalking ay maliit o walang panganib sa taong natutulog at sa mga nakapaligid sa kanila, kaya walang aktibong paggamot ang kinakailangan. Ngunit sa mas malubhang mga kaso, ang paggamot ay nakadepende sa ilang mga salik kabilang ang:
- Edad ng pasyente
- Kung gaano kadalas nagaganap ang mga episode ng sleepwalking
- Kung gaano mapanganib ang mga episode na ito
Gayunpaman, may mga bagay na maaaring gawin upang maiwasan o mapangasiwaan ang mga sleepwalking episodes. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Tanggalin ang mga panganib sa kaligtasan
Gawing ligtas ang bahay at silid hangga’t maaari upang maiwasan ang mga sleepwalking injuries. Ang ilang mga paraan upang gawin ang mga ito ay kinabibilangan ng:
- Siguraduhin na ang mga matutulis na bagay o armas ay nakakandado at hindi maabot.
- Huwag payagan ang isang sleepwalker na matulog sa bunk bed.
- Mag-install ng mga ilaw na may mga motion sensor.
- I-lock ng mga pinto at bintana.
- Alisin ang mga tripping hazards sa sahig.
- Gumamit ng house alarm upang maiwasan ang natutulog na lumabas ng bahay, lalo na sa mga may mas malalang kaso.
Pagbutihin ang sleep hygiene
Ang mga tao ay mas malamang na makaranas ng mga sleepwalking episodes kapag sila ay sumasailalim sa sobrang stress, pagod, o pagkabalisa. Upang maiwasang mangyari ang mga episode na ito, dapat iwasan din ng isang tao ang kawalan ng tulog hangga’t maaari at magsanay na magkaroon ng regular na iskedyul ng pagtulog. Nakatutulong din ang pagkakaroon ng tahimik at nakakarelaks na kapaligiran sa pagtulog.
Gamutin ang mga pinagbabatayan na sanhi
Kung ang isang tao ay may sleep disorder gaya ng OSA o RLS, ang sleepwalking ay maaaring malutas kung ang mga naturang kondisyon ay ginagamot. Gayunpaman, ang mga gamot na may sedative effect ay maaari ring mag-trigger ng sleepwalking, kaya dapat itong iwasan.
Anticipated awakening
Ang anticipatory awakening ay isang pamamaraan na ginagamit upang maiwasan ang isang potensyal na sleepwalking episode na mangyari. Karaniwang nangyayari ang sleepwalking sa parehong oras. Ito ay konektado sa isang partikular na yugto ng pagtulog, kaya ang pagre-record o pag-obserba sa sleepwalker ay makatutulong na matukoy kung kailan at gaano katagal nangyayari ang mga episode na ito. Kapag nakumpirma na, maaari mong gisingin ang sleepwalker 15 minuto bago ang karaniwang oras ng episode. Pagkatapos, panatilihing gising sila nang hindi bababa sa 5 minuto. Ito ay napatunayang mabisa sa pagtulong sa maraming bata na huminto sa sleepwalking. Gayunpaman, hindi pa ito maingat na napag-aaralan sa mga pasyenteng may sapat na gulang.
Key Takeaways
Ano ang sanhi ng sleepwalking? Bagaman hindi pa ganap na pinag-aralan. Ang sleepwalking, kinumpirma na ng mga siyentipiko na mas karaniwan ito sa mga bata kaysa sa mga matatanda. Hindi naman kinakailangan ng gamot para sa karamihan ng mga kaso. Ngunit mahalagang malaman ang mga sanhi nito at kung paano ito mapipigilan o i-moderate man lang. Kung ang mga episode ay mas madalas at may nakakagambala, bisitahin ang doktor para sa maayos at tamang diagnosis, maging ang angkop na treatment plan para rito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Sleep Disorders dito.