backup og meta

Microsleep: Bakit Mapanganib Ito Para Sa Isang Tao? Alamin Dito

Microsleep: Bakit Mapanganib Ito Para Sa Isang Tao? Alamin Dito

Naranasan mo na bang mauntog sa’yong arm chair dahil nakatulog kang nakadilat ang iyong mga mata sa klase? Kung oo, maaaring sumailalim ka sa microsleep ng panahong iyon, at ayon sa mga doktor ang mga taong nakakaranas ng episode ng microsleep ay pwedeng makatulog nang hindi nila namamalayan. Sinasabi na pwede itong maganap sa gitna ng kanilang isinasagawang gawain o sa anumang sitwasyong ginagalawan.

Kadalasan nawawalan ng ulirat ang mga indibidwal na nasa ilalim ng ganitong uri ng pagtulog. Ito ang dahilan kung bakit hindi maayos na nakapagproproseso ang utak ng external information katulad nang dati kapag nasa microsleep state ang isang tao. Dagdag pa rito, sinasabi na pwedeng maganap ang mga episode ng microsleep sa anumang oras, pagkakataon, at lugar na pwedeng maging sanhi ng aksidente.

Basahin mo ang mga artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon.

Ano Ang Microsleep?

Ang microsleep ay isang episode ng napakaikling period ng pagtulog kung saan pwedeng mong maramdaman ang unti-unting pagbaba ng iyong eyelids at paglabo ng iyong pag-iisip habang inaantok at nawawalan ng ulirat sa kapaligiran. Maaaring makaidlip ka ng dilat at akalain ng mga taong makakakita sa’yo na ikaw ay gising. Ngunit, sa oras na talagang magising ka mula sa episode na ito, kadalasan ay wala kang maalala o alaala sa mga huling segundo ng iyong buhay. Pwedeng magtagal ang ganitong episode sa pagtulog ng ilang mga segundo at hindi ito lumalagpas sa isang minuto.

Mapanganib para sa’yo kung dadatnan ka ng episode ng microsleep sa gitna ng mga gawaing isinasagawa sapagkat pwede itong magresulta ng mga disgrasya. Maraming naitatala na road accident sa buong mundo dahil sa mga taong dinatnan ng microsleep sa gitna ng pagmamaneho. Kadalasan nawawalan sila ng kontrol sa manibela dahil habang nasa microsleep episode ang isang tao pwede silang mawalan ng kontrol sa sariling performance o pagkilos. 

Sa microsleep episode, lagi ring tatandaan na madalas hindi mo naman intensyon na gawin ang ganitong klase ng pagtulog. Ngunit dahil sa iba’t ibang factors, gaya ng sobrang pagkapagod ay nagaganap ang ganitong uri ng episode sa’yo.

Ano Ang Dahilan Nito?

Lumabas sa ilang mga pag-aaral na ang ang sleep deprivation at sobrang pagkapagod ang pinakakaraniwang sanhi ng microsleep, dahil kapag kulang ka sa tulog sa ilang mga partikular na rason gaya ng labis na pagtratrabaho, o pakikipaghalubilo sa kaibigan, nagiging sanhi ito upang manatiling pagod ang iyong utak. Kaugnay nito, asahan mong makakaranas ka ng pagkaantok dahil senyales ito na naghahangad ng pahinga ang iyong katawan upang makabawi ng lakas.

Narito ang ilan pang mga dahilan ng microsleep na dapat mong malaman:

  • Pag-inom ng alak
  • Pag-take o inom ng sedative, antihistamines o sleeping pills
  • Pagtatrabaho ng sobra at pagkakaroon ng night shift schedule

Dagdag pa rito pwede rin maging sanhi ng iba’t ibang medikal na kondisyon ang microsleep tulad ng mga sumusunod:

Ano Ang Mga Sintomas Ng Microsleep?

Narito ang mga sintomas na pwedeng mong maranasan sa pagkakaroon ng microsleep:

  • Hirap ka na umunawa ng mga impormasyon
  • Paulit-ulit na paghikab
  • Pagtango ng paulit-ulit nang hindi mo nalalaman at namamalayan
  • Pag-blink ng iyong mga mata sa mabagal na paraan ngunit paulit-ulit
  • Nagigising ka dahil sa biglang paggalaw ng iyong katawan 
  • Kawalan ng kontrol sa katawan

Huwag mo lamang ding kakalimutan na ang pagkakaroon ng mga sintomas ng microsleep ay nakadepende sa’yong sitwasyon at kasalukuyang ginagawa.

Paano Maiiwasan Ito?

Narito ang ilang tips na pwede mong subukan para maiwasan ang microsleep:

  • Magkaroon ng power nap. Matulog o umidlip kapag nakakuha ka ng oportunidad dahil makakatulong ito para mabawi ang lakas na nawala sa’yo sa maghapon. Ang pagtulog ng atleast 20 minutes ay malaking bagay para maiwasan ang microsleep.
  • Pagkausap sa ibang tao. Tandaan na ang pagkakaroon ng conversation o pag-uusap mula sa ibang tao ay nakakatulong para gawing gising at aktibo ang brain cells mo. 
  • Siguraduhing makapagpahinga. Para maiwasan na ma-trigger ang pagkakaroon ng episodes ng microsleep ugaliin na maglaan ng oras sa sarili para makapaghinga dahil makakatulong ito upang makapagpahinga ang utak.
  • Iwasan ang paggawa ng mga bagay na paulit-ulit. Ang pagkakaroon ng paulit-ulit na routine ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabagot ang isang tao. Maganda na sumubok ng mga bagong bagay na wala sa’yong routine upang mas maging aktibo ang pag-iisip at utak. Siguraduhin lamang na gagawin pa rin nito na balanse ang iyong buhay at magkakaroon ka pa rin ng oras para makapagpahinga.
  • Paunlarin ang sleeping habits. Magplano ka ng 7-8 oras na pagtulog para maging mas malakas ang katawan at malusog. Pwede kang mag-set ng alarm clock upang mamonitor mo ang oras ng iyong pagtulog at paggising.

Mayroon Bang Treatment Ang Microsleep?

Pwedeng magbigay ang iyong doktor ng pagsusuri sa’yo sa pamamagitan ng pagrebyu sa mga gamot na iyong iniinom upang makita kung nagdudulot ba ang mga medication na ito ng microsleep.

Titingnan at itsetsek din ng doktor kung mayroon kang mga sintomas o palatandaan ng iba pang mga medikal na kondisyon na nagiging dahilan ng iyong microsleep episode.

Sa oras na makuha ng doktor ang iyong mga resulta saka pa lamang siya magbibigay ng angkop na diagnosis at treatment. Maaaring maging iba ang paggamot sa bawat tao dahil sa pagkakaroon ng bawat indibidwal ng iba’t ibang sitwasyon sa kalusugan at medikal na kondisyon. Kaya naman ipinapayo sa’yo na maging maingat at sundin ang anumang instructions na ibibigay ng doktor sa paggamot.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng hindi sapat na pahinga at pagtulog ay nakakasama sa’yong kalusugan. Pwede itong makahadlang sa paggana mo sa pinakamahusay na paraan bilang isang tao. Laging tandaan na ang pagpapahinga at pagtulog ang isa sa pinakamagandang paraan para maiwasan ang microsleep episode at mga aksidente na pwedeng idulot ng ganitong uri ng pagtulog.
Huwag ding kakalimutan na pwede rin na maging dahilan ang iba’t ibang medikal na kondisyon sa pagkakaroon ng microsleep kaya ugaliin na magpatingin sa doktor para sa medikal na diagnosis at treatment.

Matuto pa tungkol sa Sleep Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What You Should Know About Microsleep, https://health.clevelandclinic.org/what-you-should-know-about-microsleep/, Accessed June 30, 2022

Microsleep and the Mind: What’s Happening and Why, https://amerisleep.com/blog/microsleep/, Accessed June 30, 2022

Microsleep: What Is It, What Causes It, and Is It Safe? https://www.sleepfoundation.org/how-sleep-works/microsleep#:~:text=The%20term%20microsleep%20refers%20to,witnessed%20someone%20else%20experience%20it, Accessed June 30, 2022

Drowsy Driving, https://www.sleepfoundation.org/drowsy-driving, Accessed June 30, 2022

How many hours of sleep are enough for good health? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/how-many-hours-of-sleep-are-enough/faq-20057898, Accessed June 30, 2022

Sleep Deprivation, https://aasm.org/resources/factsheets/sleepdeprivation.pdf, Accessed June 30, 2022

Shift Work Disorder Symptoms, https://www.sleepfoundation.org/shift-work-disorder/symptoms, Accessed June 30, 2022

Local sleep in awake rats, https://www.nature.com/articles/nature10009, Accessed June 30, 2022

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahalaga ang Pagtulog? Alamin dito ang mga Dahilan

Hirap makatulog? Baka insomnia ang iyong nararanasan


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement