Ano ang sleep apnea na kadalasang nagiging dahilan ng problema sa pagtulog? Ito ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan humihinto ang iyong paghinga at ngunit bumabalik nang maraming beses habang natutulog ka. Maaari nitong pigilan ang iyong katawan sa pagkuha na sapat na oxygen habang natutulog.
Mapanganib ang sleep apnea dahil kapag hindi ginagamot, ito ay humahantong sa mataas na presyon ng dugo. Nauugnay din ito sa sumusunod na problema sa puso:
- Mas mataas na panganib ng atake sa puso
- Abnormal na ritmo ng puso
- Pagpalya ng puso
Ipinakita ng mga pag-aaral na dahil sa sleep apnea, maaaring mabawasan ng ilang taon ang iyong buhay. Bilang karagdagan sa kung ano ang sleep apnea, ang mga taong may hindi ginagamot na sleep apnea ay maaaring magkaproblema sa kabawasan sa pagtuon, konsentrasyon, at mga kasanayan sa organisasyon. Dagdag pa, ang sleep apnea ay nauugnay sa mas mataas na insidente ng mga aksidente sa sasakyan dahil sa pagbaba ng kalidad ng atensyon.
Karamihan sa mga nagdurusa sa sleep apnea ay nakakaranas ng sumusunod na problema pagkagising gaano man sila katagal natulog:
- Pananakit ng ulo sa umaga
- Pagkatuyo ng bibig
- Pagkapagod
- Pakiramdam ng pagkaantok
Ano ang sleep apnea at mga uri nito
Obstructive sleep apnea
Ang obstructive sleep apnea ang pinakakaraniwang uri ng kondisyong ito. Nangyayari ito kapag ang daanan ng hangin sa bandang itaas ay naharangan nang maraming beses habang ikaw ay natutulog. Dahil dito, maaaring mabawasan o ganap na huminto ang daloy ng hangin. Anumang bagay na maaaring magpaliit sa daanan ng hangin ay maaaring magpataas ng iyong panganib para sa obstructive sleep apnea. Kabilang dito ang:
- Labis na katabaan
- Malalaking tonsil
- Mga pagbabago sa antas ng iyong hormones
Ang obstructive sleep apnea ay nangyayari kapag ang mga kalamnan na sumusuporta sa malambot na mga tisyu sa iyong lalamunan, tulad ng iyong dila at malambot na palad, ay nakarelaks. Nagdudulot ito ng pagkipot o pagsara ng daanan ng hangin, na pansamantalang pumuputol sa iyong paghinga. Sa lahat ng oras, kasama na sa pagtulog, ang hangin ay dapat na dumaloy nang maayos mula sa bibig at ilong papunta sa baga.
Ano ang tinatawag na sleep apnea o apneic episodes? Ito ang mga panahon kung kailan ganap na humihinto ang paghinga. Sa obstructive sleep apnea, ang normal na daloy ng hangin ay paulit-ulit na humihinto sa buong gabi. Pinakakaraniwan ito sa mga matatandang lalaki at nauugnay sa paghilik. Ngunit maaari itong makaapekto sa sinuman, kabilang ang mga bata. Ang insidente ay tumataas pagkatapos ng menopause, kung kaya’t ang mga kaso ay pareho sa mga lalaki at postmenopausal na kababaihan.
Central sleep apnea
Ano ang sleep apnea na hindi bara sa daanan ng hangin ang dahilan? Ito ang central sleep apnea na nangyayari kapag ang iyong utak ay hindi nagpapadala ng mga senyas na kailangan upang huminga. Maaari din magdulot nito ang mga kondisyong pangkalusugan na nakakaapekto sa kung paano kinokontrol ng iyong utak ang iyong daanan ng hangin at mga kalamnan.
Pinipigilan din ng central sleep apnea ang paghinga sa gabi. Ngunit sa halip na ng sagabal sa itaas na daanan ng hangin ang dahilan, ang sanhi nito ay neurological. Hindi tulad ng obstructive sleep apnea, hindi sinusubukan ng katawan na huminga kaya walang paghilik. Sa halip, humihinto sa paghinga dahil hindi palaging nagpapadala ng senyales ng paghinga ang utak at nervous system.
Sintomas ng central sleep apnea:
- Hindi pagkakatulog
- Paggising na kinakapos sa paghinga
- Nakakaramdam ng panic paggising
- Pagkaantok sa araw o problema sa pag-concentrate
Complex sleep apnea syndrome
Ano ang sleep apnea syndrome na komplikado? Ito ay ang complex sleep apnea syndrome na pinagsamang obstructive sleep apnea at central sleep apnea. Minsan ay nasusuri ito sa isang paunang pag-aaral sa pagtulog. Sa ibang pagkakataon, lumilitaw ito pagkatapos na hindi malutas ang apnea sa isang tipikal na continuous positive air pressure (CPAP) machine o iba pang tradisyonal na paggamot sa obstructive sleep apnea.
Ang mga sintomas nito ay:
- Maikling paggising mula sa pagtulog
- Pagkapagod sa araw
- Pagkalito sa pagbangon
- Pananakit ng ulo
- Pagkatuyo ng bibig
- Insomnia o mahinang kalidad ng pagtulog