backup og meta

Paano Mawala ang Antok nang Agad-agad? Subukan na ang mga Tips na ito!

Paano Mawala ang Antok nang Agad-agad? Subukan na ang mga Tips na ito!

Ang pagkaantok sa umaga ay ang pakiramdam ng katamaran sa buong araw. Bagaman ito ay mahirap unawain, iba ito sa fatigue na maaaring sintomas ng sakit sa isip tulad ng depresyon. Paano mawala ang antok nang agad-agad?

Pagkaantok o Fatigue? 

Masasabi ang pagkakaiba ng dalawang ito kung bibigyang-tuon ang hinihingi ng katawan. Kung ang iyong katawan ay humihingi sa kakulangan ng tulog, ito ay ang pagkaantok. Gayunpaman kung ang iyong katawan ay nais huminto sa kung ano man ang ginagawa nito o nagnanais ng pahinga, ito ay fatigue. 

Kung ikaw ay nagtataka kung paano mawala ang antok nang mabilis o kung ikaw ay umiidlip nang marami, ito ay pagkaantok. Ang antok sa araw ay bagay na humahadlang sa iyong pagiging produktibo. Pumipigil sa iyo ito na gumugol ng oras sa paggawa imbis na matulog.

Sanhi ng Pagkaantok sa Araw 

Marami ang mga posibleng dahilan sa pagdurusa sa antok sa araw ngunit ito ay bumababa lamang sa isang rason, ang hindi pagkakaroon ng sapat na pahinga. Bagaman ang labis na pagkaantok ay hindi isang sakit, ito ay maaaring sintomas sa mas malalang kondisyon sa pagtulog. 

Ito ang ilan sa mga sanhi ng pagkaantok sa araw: 

  • Kulang sa tulog
  • Masamang gawi sa pagtulog
  • Hindi regular na oras ng pagtulog
  • Silid na hindi nakatutulong sa pagtulog
  • Sakit sa pagtulog tulad ng insomnia o obstructive sleep apnea na nakaaapekto sa kalidad ng tulog

Mababang kalidad ng Tulog 

Bagaman ikaw ay may sapat na oras ng tulog bawat gabi, ang lalim ng iyong tulog o komportable sa iyong paggalaw sa pagtulog ay maaari pa ring maabala ng ilang bagay katulad ng liwanag, ingay, at iba pang posibleng abala. Ito ay nangangahulugan na kahit na ikaw ay may sapat na oras matulog, ang katawan ay hindi nakakabawi ng maayos na tulog at pahinga. 

Sa artikulo na ito, pag-uusapan ang kung paano mawala ang antok nang agad-agad. Mahalagang tandaan, gayunpaman, ang pag-manage sa labis na pagkaantok sa araw ay depende sa sanhi nito.

Paano Mawala ang Antok Nang Mabilis? 

Nangangailangan ka man ng mabilis na pagsasaayos o nasa punto ng tamang direksyon upang makamit ang mas mabuting kalidad ng tulog at mas produktibong oras sa araw, narito ang ilang tips na maaaring subukan.

Mabilis na Pag-aayos 

Kung ikaw ay nahuli sa akto na nakararamdam ng antok, maaari mong gawin ang mga ito upang mabilis na ayusin ang iyong pagiging groge.

Narito ang ilang tips kung paano mabilis na mawala ang antok.

Pagtulog bago antukin

Bagaman ito ay tunog taliwas sa inaasahan, ang pagtulog bago maramdaman na kinakailangan ng tulog ay pandaraya sa katawan upang maisip na ikaw ay mayroon ng sapat na pahinga. Ito ay magpapanatili sa iyong gising sa mas mahabang oras. Pareho sa pagpapahinga ng iyong mata at pagtutok sa anumang luntian upang makapagpahinga ang mata dahil ang pagod ng mata ay nangangahulugan din ng pagkaantok.

paano mawala ang antok

Banayad na stretching at ehersisyo 

Isa pang bagay na maaaring isaalang-alang ay ang paggalaw o pagsasagawa ng magaan na ehersisyo upang gisingin ang iyong katawan. Ito ay makatutulong sa pagdaloy ng dugo at pagpapalabas din ng adrenaline. Ang pag-engganyo sa isip sa ibang bagay tulad ng pakikipag-usap o anumang nangangailangan ng iyong pagtugon ay gumagana rin.

Energy boost na inumin at pagkain 

Maaari mo ring piliin ang pag-inom o pagkain ng anumang makapagpapalakas ng enerhiya at makatutulong sa iyo ma-hydrate.  Dapat katamtaman ang pagkonsumo ng caffeine at asukal dahil ang dalawang ito ay nagdudulot ng fatigue matapos ang ilang oras ng pag-inom nito.

Buksan ang mga ilaw 

Baguhin ang paligid sa pamamagitan ng maayos at sapat na liwanag. Ang pagbubukas ng ilaw o paglipat sa maayos at maliwanag na lugar ay makatutulong upang manatiling gising.

Paglilipat ng pokus 

Kung nararamdaman na nag-aalinlangan o nalilipat ang atensyon, maaring oras na upang magpalit ng gawain pansamantala upang makatulong sa iyo maging pokus muli at manatiling produktibo.

Pagbabago sa pamumuhay 

Kung napapansin sa sarili ang madalas na pagiging antukin sa araw, mayroong ilang paraan na maaaring maging parte ng iyong routine para ikaw ay magising. Kung ikaw ay estudyante at may tendency na makaidlip sa klase, o kung ikaw ay manggagawa na nakararamdam ng antok sa gitna ng pagtatrabaho, importanteng malaman kung paano maiiwasan ang antok habang nag-aaral o nagtatrabaho.

Matulog 

Unang bagay na dapat isaalang-alang ay ang magkaroon ng sapat na tulog. Ang pagkakaroon ng nakatakdang oras ng tulog ay nakakatulong na masiguro na ikaw ay may tamang oras ng tulog. Ito ay para sa iyong katawan na magkaroon ng enerhiya sa sumunod na araw. Kung ikaw ay galing sa magulong oras o pattern sa pagtulog, subukan ang mas maagang oras ng pagtulog sa pamamagitan ng paunti-unting pagbalik nito. Ang pagkakaroon ng routine sa pagtulog ay makatutulong. 

Routine sa paggising 

Ngayon na ikaw ay mayroong oras ng pagtulog, isaalang-alang din ang pagkakaroon ng routine sa paggising at pagkain sa konsistent na oras. Ang pagkakaroon ng tiyak na plano sa pagtulog at ang pag-alam sa iyong nutrisyon ay magpapadali na panatilihin ang iyong schedule. Ang scheduling sa kabuuan ay nakatutulong sa katawan kung kailan dapat maging gising at kung kailan dapat magpahinga.

Kwarto para sa pagtulog 

Kung ikaw ay nahihirapan sa pagtulog, subukang hindi pumunta sa kama kung hindi pa oras ng pagtulog. Subukang huwag umidlip sa alanganing oras at iwasan ang pag-inom ng alak o gamot pampatulog na magpapababa sa kalidad ng iyong pahinga. Tanggalin ang mga sagabal sa iyong kwarto, at subukang limitahan ang mga gawain sa kwarto bukod sa pagtulog. Ito ay makatutulong na sanayin ang isip at katawan na tumugon kung nasa kama at mapadadali para sa iyo na makatulog. 

Upang gawing kaaya-aya ang kwarto para sa pagtulog, maglagay ng blackout na kurtina at sumubok ng mga diffuser na may aromang amoy tulad ng lavender. 

Mahalagang Tandaan 

Kung ikaw ay nakararanas ng labis na antok sa araw, maaari mong subukan ang mga tips na ito upang malaman kung ano ang magpapabuti sa kalidad ng iyong tulog. Ito ay makatutulong na mas maging produktibo sa araw. Magbasa, matuto, at magsiyasat ng maraming paraan kung paano mabilis na mawala ang antok.

Kung napagtanto sa sarili na nahihirapan matapos sumubok ng ilang beses, maaaring lumapit sa espesyalista. Ang doktor o eksperto sa tulog ay makatutulong matukoy ang partikular na alalahanin na nagiging sagabal sa cycle ng iyong tulog. Sa huli, ang maiging pahinga na mayroon ka ay mainam sa mas malusog at produktibo na araw.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Pagtulog dito

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Excessive Sleepiness, https://www.sleepfoundation.org/sleep-disorders/excessive-sleepiness, Accessed June 23, 2020

Excessive Daytime Sleepiness, https://www.aafp.org/afp/2009/0301/p391.html, Accessed June 23, 2020

Fatigue or Daytime Sleepiness?, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2919674/, Accessed June 23, 2020

Tips for Staying Awake on the Job, https://www.sleepfoundation.org/articles/tips-staying-awake-job, Accessed June 23, 2020

Brain Basics: Understanding Sleep, https://www.ninds.nih.gov/Disorders/patient-caregiver-education/understanding-sleep, Accessed June 23, 2020

 

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makabawi Ng Tulog, Ayon Sa Mga Doktor at Eksperto?

Graveyard Shift Problem: Paano Nga Ba Labanan Ang Antok At Puyat?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement