backup og meta

Ano Ang Tamang Oras Ng Pagtulog? Narito Ang Sagot Ni Dr. Willie Ong!

Ano Ang Tamang Oras Ng Pagtulog? Narito Ang Sagot Ni Dr. Willie Ong!

Are you getting enough sleep? O isa ka sa mga tao na sira ang sleep pattern? Kaya super conscious ka ngayon sa possible effects nang wala sa tamang oras na pagtulog. Huwag kang mag-aalala, hindi ka nag-iisa dahil tulad mo marami rin ang gustong malaman kung ano ang tamang oras ng pagtulog, para maiwasan ang pagkakaroon ng anumang medical condition.

Sa katunayan, ilang beses napatunayan ng iba’t ibang pag-aral ang kahalagahan ng pagtulog sa tamang oras, dahil tumutulong ito upang mapanatili ang isang regular na iskedyul ng pagtulog.

Ang pagtulog sa parehong oras tuwing gabi at paggising sa parehong oras tuwing umaga ay nakakatulong para makontrol ang body’s internal clock, na kilala rin bilang circadian rhythm. Malaking factor ito para magkaroon ng isang magandang kalidad ng pagtulog na nangangahulugan ng mas magandang mood, mas maraming enerhiya, at mas mahusay na konsentrasyon sa araw.

Dagdag pa rito, ang tamang oras ng pagtulog ay nakakatulong din para mapataas ang ating productivity. Dahil kapag natutulog tayo sa tamang oras, ang ating katawan ay may pagkakataon na magpahinga na humahantong sa pagtaas ng productivity ng isang tao. 

Bukod pa sa mga nabanggit na benepisyo ng tamang oras na pagtulog, nagbigay rin ng pahayag si Dr. Willie Ong sa kanyang vlog tungkol sa topic na ito. 

Para malaman ito, patuloy na basahin ang article na ito.

Tamang Oras Ng Pagtulog, Ayon Kay Dr. Willie Ong

Ayon sa vlog ni Dr. Willie Ong na pinamagatang “Tamang Oras Ng Pagtulog. 10 PM? 1 AM?” ang pinakamagandang oras para matulog ang isang tao ay sa pagitan ng 9 PM at 11 PM. 

Ipinaliwanag niya na sa panahong ito, ang body’s natural circadian rhythm ay nagbibigay-daan para sa mas malalim at mas nakapagpapanumbalik na pagtulog, dahil kasabay ito ng paglabas ng hormone melatonin, na tumutulong sa pag-regulate ng pagtulog. 

Bukod pa rito, ang pagtulog nang mas maaga ay nagbibigay-daan din para sa mas mahusay na pangkalahatang kalusugan. Sapagkat binibigyan nito ang katawan ng sapat na oras upang mag-repair at mag-regenerate sa panahon ng pagtulog. Kung saan, nakakatulong ito na mapabuti ang mood, mabawasan ang stress, at mapalakas ang pagiging produktibo. 

Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang mga pangangailangan ng indibidwal na pagtulog ay maaaring mag-iba, at pinakamahusay na makinig sa pangangailangan ng sariling katawan.

5 Bagay Na Dapat Tandaan Sa Pagtulog, Ayon Kay Dr. Willie Ong

Sa vlog ni Dr. Willie Ong na pinamagatang “Tamang Oras ng Pagtulog. 10 PM? 1 AM?” tinalakay rin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na tulog at ang pinakamainam na oras ng pagtulog.

Narito ang ilan sa mga pangunahing punto na kanyang binanggit sa vlog:

  1. Tandaan na ang mga nasa hustong gulang ay dapat magkaroon ng 7-8 oras na tulog bawat gabi, habang ang mga bata at kabataan ay maaaring mangailangan ng higit pa. 
  2. Ang pinakamainam na oras para magsimulang matulog ay sa pagitan ng 9 PM at 11 PM, at ang 10 PM ang pinakamainam na oras o optimal time. Dahil ang ating katawan ay gumagana sa isang circadian rhythm, na naiimpluwensyahan ng pagsikat at pagbagsak ng araw. Ang pagtulog sa mga natural na oras ng kadiliman (sa pagitan ng 10 PM at 6 AM) ay makakatulong sa pag-regulate ng natural processes ng ating katawan. 
  3. Huwag kakalimutan na ang pagtulog nang mas maaga ay maaari ring mapabuti ang kalidad ng ating pagtulog, dahil ito ay nagpapahintulot sa atin na dumaan sa lahat ng kinakailangang yugto ng pagtulog. 
  4. Ang pagpupuyat ay maaaring makagambala sa ating circadian rhythm na humahantong sa kawalan ng tulog, at negatibong makaapekto sa ating pisikal at mental na kalusugan. 

Sa pangkalahatan, binibigyang-diin ni Dr. Willie Ong ang kahalagahan ng pagbibigay-priyoridad sa ating pagtulog at pagkakaroon ng pare-parehong gawain sa pagtulog para mapanatili ang mabuting kalusugan. Kinakailangan din na maging malay tayo sa tamang oras ng pagtulog para maiwasan ang anumang medical conditions.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

When Is the Best Time To Go to Sleep? https://health.clevelandclinic.org/what-time-should-i-go-to-bed/#:~:text=1%20%2F%202-,When%20Is%20the%20Best%20Time%20To%20Go%20to%20Sleep%3F,comes%20to%20hitting%20the%20hay. Accessed June 5, 2023

How Much Sleep Do You Need? https://www.helpguide.org/articles/sleep/sleep-needs-get-the-sleep-you-need.htm Accessed June 5, 2023

How many hours of sleep are enough for good health? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/how-many-hours-of-sleep-are-enough/faq-20057898 Accessed June 5, 2023

HoW much Sleep Do We Really Need?

https://www.sleepfoundation.org/how-sleep-works/how-much-sleep-do-we-really-need Accessed June 5, 2023

Are You Getting Enough Sleep?

https://www.cdc.gov/sleep/features/getting-enough-sleep.html Accessed June 5, 2023

How Much Sleep Do I Need?

https://www.cdc.gov/sleep/about_sleep/how_much_sleep.html Accessed June 5, 2023

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Maraming Nagpupuyat? Alamin ang "Revenge Bedtime Procrastination"

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement