backup og meta

Lucid dreaming: Ano ang ganitong klase ng panaginip?

Lucid dreaming: Ano ang ganitong klase ng panaginip?

Ang lucid dreaming ay ang estado na alam mo na ikaw ay nananaginip habang habang nasa panaginip. Halos kalahati ng populasyon ng mundo ang nakakaranas ng lucid dreaming. Walang gaanong nalalaman tungkol sa lucid dreaming. Ngunit may mga nagsasabing may kakayahang kontrolin ang kanilang mga panaginip. Karamihan sa mga research na ginawa sa phenomenon na ito ay umaasa lamang sa mga sariling ulat ng mga taong ito. Kakaunti pa lang na paraan ang napag-aaralan para masukat kung ano ang lucid dreaming.

“Kung lucid dreams man ito, regular na panaginip o bangungot, ito ay bagay na napakahirap sukatin.” Ito ay ayon sa espesyalista sa sleep disorder na si Alicia Roth, PhD, “May mga paraan na masasabi natin kapag ang mga tao ay nasa REM sleep. Kung sila ay naobserbahan gamit ang isang polysomnogram o isang MRI scanner, makikita natin ang mga pagbabago sa utak. Ngunit hindi natin masasabi kung kailan talaga nananaginip ang mga tao.” 

Ano ang Lucid Dreaming: Mga Dahilan Nito

Mayroong katibayan ng madalas na lucid dreaming na nauugnay sa mas mataas na functional connectivity sa pagitan ng anterior prefrontal cortex at temporoparietal association areas. Ang mga region na ito ng utak ay karaniwang naka-deactivate habang natutulog.

Mga Pag-aaral Kung Ano ang Lucid Dreaming 

Ang isang pag-aaral noong 2015 na inilathala sa journal na Sleep ay nagsasabi na ang mga pasyente na may narcolepsy ay may mas madalas na lucid dreaming kaysa sa mga regular na kalahok ng parehong pag-aaral.

Karaniwang sintomas ng bangungot ang narcolepsy. Ayon sa pag-aaral, ang mga pasyente ng narcolepsy ay nagpakita ng mas madalas na lucid dreaming kumpara sa mga hindi nagdurusa sa kondisyon. Kapansin-pansin, marami sa mga pasyente ang nag-ulat na ang lucid dreaming ay may positibong epekto sa kanila. Ito ay nagbibigay sa kanila ng ilang antas ng kontrol at/o ginhawa pagkatapos ng pagkabalisa na naranasan mula sa mga bangungot.

Ayon sa isa pang pag-aaral, ang lucid dreaming ay nati-trigger “paglipat ng brain activity papunta sa paggising” sa oras ng REM sleep dreaming. Ang paglipat na ito ay lumulikha ng “hybrid” na sitwasyon na may “mga anyo ng parehong REM sleep at waking.”

May mga paraan na maaaring gamitin para magdulot ng lucid dreaming. Isa sa mga ito ang reality testing. Dito, sinusubok mo ang “reality” ng iyong paligid araw-araw habang ikaw ay gising. Pwedeng kasama dito ang pagtingin sa iyong reflection sa salamin o paghinga habang pinipisil ang ilong. Kung mas madalas mo itong gawin habang gising, mas malamang na magagawa mo ang mga ito habang nananaginip. At kapag ang mga resulta ay hindi katulad kung ikaw ay gising, malalaman mo na ikaw ay nananaginip.   

Ang isa pang teknik ay ang pagkakaroon ng isang aparato na naghahatid ng panlabas na stimuli sa iyo habang ikaw ay natutulog. Ang mga stimuli na ito ay maaaring mga kumikislap na ilaw, amoy, o tunog. Kapag na-activate na ang mga stimuli na ito, posibleng maisama ang mga ito sa iyong mga panaginip, at mag-trigger ng kung ano ang lucid dreaming. 

Ano ang mga Benepisyo ng Lucid Dreams?

Dahil mahirap pag-aralan kung ano ang lucid dreams, may kaunting impormasyong magagamit na makapagsasabi sa atin kung may mga benepisyo o wala ang lucid dreams.

May ilang mga pag-aaral na nagsasabing ang lucid dreams ay maaaring magpabuti ng motor skills. Mayroon ding dalawa pang pag-aaral na nagmumungkahi na ang mga taong nagkakaroon ng lucid dreams ay mas nagiging malikhain.

Ang mga pag-aaral na ito ay nasa kanilang mga paunang yugto pa rin at higit pang pananaliksik ang kailangan upang makagawa ng mas matibay na paninindigan.  

Nakakasama ba ang Lucid Dreams?

Tulad ng mga benepisyo nito, kakaunti ang impormasyong magagamit na magsasabi sa atin kung nakakapinsala ang lucid dreams. Gayunpaman, kung aabalahin mo ang iyong sleep pattern para mahikayat ang lucid dreaming, pwede kang magkulang sa tulog. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring makaapekto sa memorya at focus, at maaari itong mag-ambag sa stress, mataas na presyon ng dugo at diabetes.

Kung palagi kang nakakaranas ng lucid dreams, maaari kang gumawa ng ilang mga hakbang para mapabuti ang kalidad ng iyong pagtulog.

Narito ang ilang paraan: 

  1. Isipin mo na ang pagtulog ay gamot na kailangan mong inumin araw-araw. Huwag ipagwalang bahala ang pagtulog. 
  2. Gumising sa parehong oras araw-araw. Makakatulong ito sa iyo na makatulog nang mas mahusay sa gabi. Nakakatulong din dito ang pagtulog sa parehong oras. Gumawa ng bedtime rituals tulad ng warm bath o pagbabasa ng libro. Ang mga ritwal na ito ay makakatulong sa iyo na makatulog nang mas madali.
  3. Huwag gumamit ng mga gadget isang oras bago ang oras ng pagtulog. Ito ay nagiging dahilan ng pagkaabala ng isip mo na hindi mo kailangan kung nais mong matulog.
  4. Kung nagising ka sa gabi, iwasang tumingin sa oras. Ito ay dahil magsisimulang gumana ang isip mo na magplano para sa araw na iyon at mahihirapan kang matulog muli.
  5. Mag-ingat sa iyong pagkain bago matulog. Ang pagkain ng marami ay nagpapahirap sa digestion at maaaring makaistorbo sa pagtulog mo. Iwasan ang mga matatamis, carbohydrates, at caffeine na posibleng mag-energize sa iyo.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lucid Dreaming, Nightmares, and Sleep Paralysis: Associations With Reality Testing Deficits and Paranormal Experience/Belief, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2020.00471/full, Accessed September 18, 2021

Frequent lucid dreaming associated with increased functional connectivity between frontopolar cortex and temporoparietal association areas, https://www.nature.com/articles/s41598-018-36190-w, Accessed September 18, 2021

Lucid Dreaming: A State of Consciousness with Features of Both Waking and Non-Lucid Dreaming, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2737577/, Accessed September 18, 2021

What Is Lucid Dreaming and How Can You Have Them? https://health.clevelandclinic.org/what-is-lucid-dreaming-and-how-to-do-it/, Accessed September 18, 2021

Here’s What Happens When You Don’t Get Enough Sleep (And How Much You Really Need a Night), https://health.clevelandclinic.org/happens-body-dont-get-enough-sleep/, Accessed September 18, 2021

Portable Devices to Induce Lucid Dreams—Are They Reliable? https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fnins.2019.00428/full, Accessed September 18, 2021

Increased Lucid Dreaming Frequency in Narcolepsy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4402667/, Accessed September 18, 2021

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Tamang Oras Ng Pagtulog? Narito Ang Sagot Ni Dr. Willie Ong!

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement