backup og meta

Bakit Maraming Nagpupuyat? Alamin ang "Revenge Bedtime Procrastination"

Bakit Maraming Nagpupuyat? Alamin ang "Revenge Bedtime Procrastination"

Nakarating ka na ba sa punto ng pagpupuyat dahil gusto mong gumawa ng mga bagay para sa sarili mo matapos ang mahaba at abalang araw? Kung nangyari na sa iyo, sinasabi ng mga eksperto na maaaring nasubukan mo na ang “revenge bedtime procrastination.” Ano ang phenomenon na ito, at ito ba ay sanhi ng alalahanin? Alamin dito bakit maraming nagpupuyat.

Revenge bedtime procrastination, binigyang kahulugan

Ang sleep procrastination ay ang desisyon na isakripisyo ang tulog upang magkaroon ng mas maraming oras sa leisure.

Ito ay may dalawang porma sa pangkalahatan: “Bedtime procrastination,” na kung ang isang tao ay hindi piniling matulog habang ang “while-in-bed procrastination,” ay kung ang isang tao ay ipinagpaliban ang pagtulog. Ang huli, ayon sa mga ulat ay kaugnay ng pagtaas ng paggamit ng gadget kung ang isang tao ay nakahiga sa kama.

bakit maraming nagpupuyat

Kahit na ano pa ang dahilan ng iyong pagpapaliban sa pagtulog — kung ikaw man ay nananatili sa labas o gumagamit ng gadgets habang nasa kama — ang revenge procrastination ay ibig sabihin na ipagpapaliban ang pagtulog nang walang praktikal na rason para rito. Sa phenomenon na ito, ang isang tao ay alam ang kanilang kabuuang oras ng pagtulog na mababawasan at maaari itong humantong sa negatibong consequences.

Ang “revenge” na aspekto ay kinonsiderang “rebelyon” laban sa kahingian o stress ng araw na nakababawas ng oras sa kanilang leisure.

Bakit ito nangyayari?

Maliban sa pangangailangan na magnakaw ng oras para sa sarili, ang revenge bedtime procrastination ay iniuugnay rin sa pangkalahatan na procrastination at mahinang self-regulation.

Ang mga taong karaniwang nagpo-procrastinate sa ibang mga bagay ay ang mga taong nagsasagawa ng sleep procrastinate. Gayundin, ipinakita ng isang ulat na ang mga indibidwal na mayroong mababang self-regulation scores ay mas nakararanas ng bedtime procrastination. 

Bakit ito alalahanin?

Kung ano mang dahilan bakit ito nangyayari, sumang-ayon ang mga eksperto na ang revenge bedtime procrastination ay sanhi ng alalahanin.

Ito ay karaniwang humahantong sa kawalan ng tulog, na kalaunan ay nakaaapekto sa memorya, pag-iisip, at paghatol. Ang kakulangan sa tulog ay potensyal na nagpapataas din ng banta ng sakit sa puso.

Dahil sa rason na ito, mahalaga na iwasan ang sleep procrastination at magkaroon ng 7 hanggang 9 na oras na tulog araw-araw.

4 na Tips upang ihinto ang sleep procrastination

Bakit maraming nagpupuyat? Nasa ibaba ang ilan sa mga paraan upang ihinto ang revenge bedtime procrastination at tips upang magkaroon ng mas maayos na tulog:

Gawing mandatory ang break times at rest days

Magkaroon ng pang-araw-araw na schedule at isama ang break times sa iyong plano.

Ang break times ay hindi kailangan na mahaba: 15 minutong coffee break, 10 minutong paglalakad, o 5 minutong phone call sa iyong mahal sa buhay ay sapat na upang mawala ang stress. Syempre, huwag kalimutan na sulitin ang iyong oras sa tanghalian.

Maglaan ng leisure na araw sa iyong kalendaryo. Hindi lamang ito mahalaga sa iyong mental na kalusugan, ngunit nagbibigay rin ito sa iyo ng bagay na aasahan. 

Tayain muli ang iyong layunin at mag-prioritize

Ikonsidera ang paghahati ng iyong layunin sa maliliit na gawain. Matapos ito, mag-prioritize.

Maaaring may mga araw na hindi mo kayang gawin ang lahat ng iyong pang-araw-araw na layunin ngunit ang pag-alam na nakompleto mo na ang pinakamahalaga ay magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.

Humingi ng tulong

Kung ang mga gawain ay naging imposibleng matapos sa aspetong pisikal at mental, ikonsidera ang paghingi ng tulong. Maaaring maghati ka ng mga gawain, o maaaring pahabain ng iyong boss ang deadline.

Ang paghingi ng tulong sa mga tao ay nakapagpaparating sa kanila na maaaring maging maayos ang mga bagay-bagay.

Itrato ang tulog tulad ng iniresetang gamot

Sa huli, isaisip na ang tulog ay mahalagang bahagi ng pananatiling malusog. Kaya’t itrato ito gaya ng inireseta sa iyo ng doktor na gamot.

Ilaan ang kama sa tulog at pakikipagtalik lamang; sa ganitong paraan, madali sa isip mo na iugnay lamang iyon sa pahinga.

Ang susi ay pagiging consistent. Magtakda ng oras ng pagtulog at paggising at panatilihin ito. Inirerekomenda rin ng mga eksperto ang paghahanda sa pagtulog. Maaari kang maligo nang mainit na tubig at mag-journaling bago matulog.

Iwasan ang pisikal na gawain, mabigat na pagkain, at mahalaga rin ang pag-iwas sa screentime.

Key Takeaways

Bakit maraming nagpupuyat? Maaaring magbigay sa iyo ng panandaliang sense of control ang revenge bedtime procrastination. Gayunpaman, sa mahabang panahon, maaaring mas makasama ito sa iyo kaysa makabuti. Kaya’t maglaan ng break at i-prioritize ang pagtulog. Kung naging mahirap ang mga bagay-bagay, huwag mag-alinlangang humingi ng payo sa doktor.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Pagtulog dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bedtime procrastination: introducing a new area of procrastination
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2014.00611/full
Accessed May 18, 2021

An Exploratory Study on Sleep Procrastination: Bedtime vs. While-in-Bed Procrastination
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32823762/
Accessed May 18, 2021

Bedtime procrastination: introducing a new area of procrastination
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24994989/
Accessed May 18, 2021

What is “Revenge Bedtime Procrastination”?
https://www.sleepfoundation.org/sleep-hygiene/revenge-bedtime-procrastination
Accessed May 18, 2021

Here’s What Happens When You Don’t Get Enough Sleep (And How Much You Really Need a Night)
https://health.clevelandclinic.org/happens-body-dont-get-enough-sleep/
Accessed May 18, 2021

Sleep Deprivation and Deficiency
https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/sleep-deprivation-and-deficiency
Accessed May 18, 2021

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Tamang Oras Ng Pagtulog? Narito Ang Sagot Ni Dr. Willie Ong!

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement