backup og meta

Nakagugulat na mga Benepisyo ng Scented Candles sa Kalusugan

Nakagugulat na mga Benepisyo ng Scented Candles sa Kalusugan

Ang pagiging abala at pagmamadali ng lungsod kasabay ng mga demand sa trabaho at mga personal na problema ay maaaring magdulot ng stress. Bagaman nakakatuksong magpahinga sa labas, hindi ito palaging posible. Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang naghahanap ng paraan upang matanggal ang stress at makapag-relax sa bahay. May ibang sumusubok ng ibang hobbies. May iba namang nanonood lang ng pelikula o nagbabasa ng libro. Anuman ang piliin mong paraan upang makapagpahinga, hindi ba’t mas nakaka-relax kung may naamoy kang mabango? Ito ang naibibigay ng scented candles. Narito ang apat na benepisyo ng scented candles na hindi mo nanaising palagpasin!

1. Pinakakalma nito ang isip

Balisa ka ba? Stressed? Tense dahil sa mga hamon ng maghapon? Bakit hindi subukang magsindi ng scented candle?

Isa sa mga malinaw na benepisyo ng scented candles ay kaya nitong mabawasan ang iyong cortisol levels. Ito ang hormones na kaugnay ng stress.

Gayunpaman, tandaang hindi lahat ng mga amoy ay nakababawas ng cortisol. Dalawang amoy ang dapat tandaan. Ito ang bergamot at clary sage. Nakita ring nakababawas ng negatibong emosyon at pagod ang bergamot. 

2. Tumutulong na magkaroon ng healthy self-esteem

Mahalagang aspekto ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng healthy self-esteem. Sa pamamagitan nito, nararamdaman mong nararapat kang bigyang paggalang. Kung mababa ang self-esteem mo, pwede itong magdulot ng patuloy na pag-aalala at pakiramdam na hindi ka sapat.

Isa sa mga potensyal na benepisyo ng scented candles ay nakatutulong itong palakasin ang iyong self-esteem. Isiniwalat sa isang pag-aaral na ang mga taong lumanghap ng ilang-ilang sa loob ng 30, 60, at 90 araw ay naiulat na may mataas na self-esteem kaysa sa mga nakalanghap ng placebo. 

3. Nakatutulong ito sa pagpapasigla ng memorya

Sinasabi ng mga eksperto na ang ating pang-amoy at memorya ay magkaugnay. Kaya naman, may ilang mga amoy o pabango na maaaring makapagpasigla ng bahagi ng ating utak na may kinalaman sa memorya.

4. Tinutulungan ka upang makapagnilay

Ang pagninilay o meditation ay isang magandang paraan upang makapag-relax. Ngunit may mga taong nahihirapang magpokus dahil walang paraan upang magawa ito.

Isa pa sa mga benepisyo ng scented candles ay nakatutulong ito upang makapagnilay ka. Maraming meditation exercises ang nagrerekomenda ng pagpokus sa apoy ng kandila. Sa kaso ng mga scented candle, maaari ka ring magpokus sa amoy nito.

Dagdag na mga benepisyo ng scented candles

Bukod sa mga benepisyong nabanggit, nagagawa rin ng pagsisindi ng scented candles ang:

  • Makapagbigay ng romantic o  masayang ambiance
  • Nagsisilbing functional decor
  • Binibigyan ka ng pagkakataong magpahayag. Pwede kang pumili ng amoy para sa tiyak na okasyon o emosyon.

MAHALAGANG TANDAAN

May mga nagsasabing nakatutulong ito upang makatulog. Gayunpaman, delikado ang pagtulog na may nakasinding kandila, lalo na kung mag-isa ka.

Paano Pumili ng Scented Candles

Sabik ka na bang matamo ang mga benepisyo ng scented candles? Bago ka bumili ng scented candles sa mall, tandaang hindi lahat ng kandila ay pareho.

Maraming mga tao ang naniniwala na ang traditional paraffin candles ay naglalabas ng mga kemikal at uling na masama sa iyong kalusugan at kapaligiran. At bagaman sinasabi ng mga eksperto na hindi masama ang mga kemikal na inilalabas nito, mas mabuti pa ring maging maingat.

Sa halip na paraffin, piliin ang natural candles na gawa sa coconut oil, beeswax, o soy. Bukod dito, maging maingat sa amoy. Piliin ang mga amoy na mula sa high quality essential oils sa halip na synthetic perfume.

Mga Tip Upang Maging Ligtas

Sa oras na handa ka nang matamo ang mga benepisyo ng scented candles, pakatandaan ang mga sumusunod na tip:

  • Huwag kailanman iiwanan ang nakasinding kandila
  • Tiyaking lubos na maaliwalas ang kuwarto
  • Gupitin ang mitsa kapag masyado na itong mahaba. Nagdudulot ng mas maraming uling ang mahabang mitsa.

Panghuli, pakitandaan na posible kang magkaroon ng negatibong reaksyon sa usok at amoy, lalo na kung mayroon kang iniindang karamdaman sa paghinga. Kung nag-aalala ka, huwag magdalawang isip na kumonsulta sa doktor tungkol sa mga scented candle.

Matuto pa tungkol sa Stress Management dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Self-esteem check: Too low or just right?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/self-esteem/art-20047976, Accessed April 7, 2022

Changes in 5-hydroxytryptamine and Cortisol Plasma Levels in Menopausal Women After Inhalation of Clary Sage Oil†, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/ptr.5163, Accessed April 7, 2022

Effects of Bergamot (Citrus bergamia (Risso) Wright & Arn.) Essential Oil Aromatherapy on Mood States, Parasympathetic Nervous System Activity, and Salivary Cortisol Levels in 41 Healthy Females, https://www.karger.com/Article/Abstract/380989, Accessed April 7, 2022

Aromatherapy with ylang ylang for anxiety and self-esteem: a pilot study, https://www.scielo.br/j/reeusp/a/pxVJcRwHMzPQmNkcKdYJGLn/?lang=en, Accessed April 7, 2022

What the nose knows, https://news.harvard.edu/gazette/story/2020/02/how-scent-emotion-and-memory-are-intertwined-and-exploited/, Accessed April 7, 2022

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Law of Attraction at Paano Ito Gumagana sa Kalusugan?

Nakatutulong Ba ang Scented Candles sa Pagrelax? Alamin Dito


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement