backup og meta

Paano Harapin ang Trauma? Alamin Dito Ang Mga Tip

Paano Harapin ang Trauma? Alamin Dito Ang Mga Tip

Ang mga taong nagtitiis sa traumatic na mga karanasan ay may iba’t ibang paraan ng pagharap sa trauma triggers. Mabigat na stress at negatibong emosyon sa overall well-being ng isang tao ang dala ng mga nakababahalang karanasan nila. Ngunit, may iba’t ibang paraan na maaaring makatulong sa isang indibidwal kung paano harapin ang trauma at malampasan ito. 

Ano Ang Trauma?

Ang trauma ay isang sobrang nakababahalang pangyayari o kaganapan na maaaring pagdaanan ng isang indibidwal. Ang mga pag-atake ng takot at pagkabalisa ay ang pinaka karaniwang emotional responses na ipinapakita ng mga indibidwal na dumaranas ng iba’t ibang uri ng trauma. 

Dumaranas ng trauma ang isang tao kung siya ay makararamdam na na-violate siya, mahina, at nawala ang pakiramdam na siya ay ligtas. 

Magbasa at matuto tungkol sa mga uri ng trauma at kung paano harapin ang trauma.

Mga Uri ng Trauma

Tatlo ang pangunahing uri ng trauma:

Acute trauma

Resulta ito ng isang traumatic na pangyayari, tulad ng pagkakasangkot sa aksidente o naging biktima ng krimen o kalamidad. Ang Post Traumatic Stress Syndrome (PTSD) ay madalas na naiuugnay sa acute trauma.

Chronic trauma

Nangyayari ito kapag ang isang tao ay nakakaranas ng paulit-ulit at matagal na mga trauma. Kasama sa mga pangyayaring nagti-trigger ng chronic trauma ay domestic violence, pambu-bully, digmaan, o akumulasyon ng iba’t ibang trauma.

Complex trauma

Ito ay resulta ng maraming exposure sa mga traumatikong pangyayari, personal na naranasan o nasaksihan. Ang childhood trauma ang madalas na halimbawa ng complex trauma.

Mga Palatandaan at Sintomas ng Trauma

May maraming iba’t ibang mga tugon sa trauma depende sa bigat ng insidente. Narito ang ilan sa mga ito:

Physical Responses

  • Nagpapakita ng mga pisikal na sintomas, tulad ng madalas na pananakit ng ulo, palpitations, at pagkapagod.
  • Nakakaranas ng problema sa pagtulog, mga bangungot at madalas na takot sa gabi.

Emotional Responses

  • Pagkabalisa at takot para sa sarili pati na rin para sa kaligtasan ng pamilya at mga kaibigan.
  • Pakiramdam ay walang pakialam sa paggawa ng mga nakaugaliang aktibidad, tulad ng pagkain, pagtatrabaho, pag-aaral, pag-eehersisyo, at maging sa pakikipag-ugnayan.
  • Nakakaranas ng matinding emosyon sa lahat ng oras, tulad ng kalungkutan, galit, dalamhati, pagkasuklam, at takot.
  • Nararanasan ang guilt at sinisisi ang sarili sa lahat ng nangyari.

Behavioral Responses

  • Iniiwasan ang anumang mga pangyayari na nagpapabalik sa mga alaala ng mga nakaka-trauma na pangyayari.
  • Pagiging aloof sa mga kaibigan at pamilya.
  • Reserved, abala, at madalas na labis na iniisip.
  • Madaling magulat sa biglaang pagkilos at malalakas na ingay.

Cognitive Responses

  • Takot na mag-isa at nag-aalala na ang parehong traumatikong sitwasyon ay mangyayari sa sarili at mga mahal sa buhay.

Paano Harapin ang Trauma Triggers?

Ang pagharap sa mga nag-trigger ng trauma ay maaaring hindi lamang maging hamon sa mga na-trauma kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanila. Narito ang ilang mga tip na maaaring makatulong upang makayanan ang trauma.

Huwag matakot na humingi ng tulong

Ang pamilya mo at mga kaibigan ang mga unang taong maaari mong lapitan matapos ang isang traumatic event. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong sa iba. Sa halip ito ay nagpapakita ng lakas. Kasama sa kung paano harapin ang trauma triggers ang paghingi ng tulong at suporta. Ikwento ang ang mga iniisip mo at nararamdaman sa mga taong pinagkakatiwalaan at pinapahalagahan mo. Makakatulong ito sa iyo na mailabas ang mga negatibong emosyon na nasa loob mo. 

Huwag kang mag-madali

Hindi mawawala ang trauma sa isang iglap. Hindi rin linear ang pagbawi, umuusad mula sa step A hanggang sa step B. Kung paano harapin ang trauma triggers at recovery ay mangangailangan ng oras at pagsisikap. Hayaan ang iyong sarili na dahan-dahang gumaling at huwag pilitin ang iyong sarili na buksan at pag-usapan ang nangyari. Ang pagbibigay ng oras sa iyong sarili para magpagaling sa pisikal at mental ay higit na makakatulong sa iyo na mabilis na makabangon mula sa trauma.

Limitahan ang paggamit ng anumang media platforms

Ang labis na paggamit ng media platforms habang kasalukuyang nakakaranas ng trauma ay maaaring magpalala sa kondisyon mo. Hindi mo makokontrol ang mga balita, artikulo, at mga post sa social media na maaari makaharap. Ang ilang nilalaman ng media ay maaaring mag-trigger ng mga flashback at maaaring magdulot ng mga reaksyon sa trauma.

Bilang bahagi ng pagharap sa mga trauma trigger, iwasang manood ng mga video tungkol sa mga sakuna, krimen, at iba pang trauma na nagti-trigger ng visual contents. Ang mga uri ng nilalaman na ito ay maaaring magbalik ng mga alaala ng iyong nakaraang karanasan. Iwasang gumamit ng anumang mga platform ng social media, hanggang sa gumaling ka dahil ang madalas na paggamit ng mga platform na ito ay maaaring gawin kang mas balisa, ma-stress, at ma-depress.

Gayundin, iwasan ang labis na paggamit ng alkohol, sigarilyo, at hindi iniresetang gamot sa pagharap sa trauma.

Huwag pilitin ang sariling maging sociable

Pagkatapos ng trauma, may mga sandali na gusto mong mapag-isa, at okay lang iyon. May mga pagkakataon din na gusto mo lang makasama ang mga taong pinakamalapit sa iyo, at normal iyon. Hindi mo kailangang pilitin ang iyong sarili na lumabas at makipagkita sa mga kaibigan kapag hindi ka pa handa.

Kung paano harapin ang trauma, subukang maglaan ng oras sa iyong sarili, at sa mga taong mahal mo. Ito ay makatutulong sa iyo upang dahan-dahang makabalik sa pakikisalamuha muli sa ibang tao.

Gumawa ng mga ‘normal’ na aktibidad

Gawin ang pag-eehersisyo, paglalaro ng mga video game, o pakikinig at pagtugtog ng musika. Makakatulong ito sa iyo na makapagpahinga at maalis ang iyong isip mula sa lahat ng alalahanin at pagkapagod. Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng aktibidad na ito sa isang araw. Maglaan ng oras upang dahan-dahang masanay sa iyong karaniwang gawain nang paisa-isa.

Kilalanin ang mga emosyon na nauugnay sa trauma

Mahalagang kilalanin na ang iyong pag-uugali at emotional responses ay mga normal na reaksyon sa matinding sitwasyon ng stress at pagkabahala. Ang pagharap sa trauma ay magsisimula sa pagkilala sa mga emosyon na kaugnay sa trauma.

Humingi ng tulong mula sa mga professionals o support groups 

Ang trauma ay maaaring mag-trigger ng maraming matinding emosyon na hindi mo kaya nang mag-isa. Ang paghahanap ng propesyonal na tulong ay ang pinakamahusay na opsyon sa pagharap sa sitwasyong ito. Matutulungan ka ng mga medikal at mental na propesyonal na gumaling nang mas mabilis sa pamamagitan ng mga therapy at gamot. 

Sumali sa mga support groups kung saan makakahanap ka ng mga taong may parehong karanasan tulad mo. Malaki ang maitutulong nito sa iyo na malaman mong hindi ka nag-iisa. Makakakita ka ng maraming tao na nagsisikap na gumaling tulad mo at ma-motivate na gumaling ka din.

Mental Health Support Groups sa Pilipinas

Ang mga sumusunod ay mga grupo at pages sa Pilipinas na sumusuporta sa mental health.

  • Anxiety and Depression Support Philippines
  • No to Mental Health Stigma PH
  • Buhay Movement
  • Mental Health and Psychosocial Support, Philippines
  • Philippine Mental Health Association, Inc.
  • PRISM
  • Talang Dalisay
  • Silakbo

Para sa 24/7 na mental health assistance, maaari ka ring tumawag sa National Mental Health Crisis Hotline sa 0917 899 8727 (USAP) at 989 8727 (USAP). 

Key Takeaways

Ang trauma responses ay multidimensional– maaaring ang anyo nila ay physical, cognitive, emotional at behavioral reactions.

Hindi madali kung paano harapin ang trauma, at kakailanganin ito ng oras at maraming pasensya.

Isang proseso at isang personal journey ang trauma recovery. Hindi ito linear. Ang pagbawi ay kailangang nakabatay sa lakas, gayundin batay sa grupo at komunidad. Kaugnay nito, ang suporta mula sa pamilya, mga kaibigan, at mga propesyonal ay mahalaga para sa isang indibidwal na palayain ang sarili mula sa trauma. 

Pagkatapos ng recovery, huwag mag-alangan na magbigay ng tulong sa mga taong kasalukuyang dumaranas ng trauma. Ang suporta mo ay magbibigay ng tiwala na hindi sila nag-iisa, at ang pagbawi ay posible. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Anxiety and Depression Support Philippines
  2. No to Mental Health Stigma PH
  3. Buhay Movement
  4. Mental Health and Psychosocial Support, Philippines
  5. Philippine Mental Health Association, Inc. 
  6. PRISM
  7. Talang Dalisay
  8. Silakbo

Coping After Disaster  https://www.psychiatry.org/patients-families/coping-after-disaster-trauma Accessed July 9, 2020

What is Complex Trauma https://www.blueknot.org.au/Resources/Information/Understanding-abuse-and-trauma/What-is-complex-trauma Accessed July 9, 2020

Coping Tips for Traumatic Events and Disasters https://www.samhsa.gov/disaster-distress-helpline/coping-tips Accessed July 9, 2020

Coping After a Traumatic Event https://www.rcpsych.ac.uk/mental-health/problems-disorders/coping-after-a-traumatic-event Accessed July 9, 2020

What is Trauma https://centerforanxietydisorders.com/what-is-trauma/ Accessed July 9, 2020

How to Cope with Traumatic Stress https://www.apa.org/topics/traumatic-stress Accessed July 9, 2020

Trauma – Reaction and Recovery https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/trauma-reaction-and-recovery Accessed July 9, 2020

Kasalukuyang Version

01/06/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement