Maaaring nakita mo na ang epekto ng mental load noon. Sa isang ilustrasyon ng isang babae na puno ng walang katapusang to-do list. Habang ang kanyang kapareha ay nagre-respond lamang sa pamamagitan ng pagiging “dismissive”. “Dapat nagtanong ka.” Ang pasanin na ito ay tinatawag na mental load. At sa kasamaang-palad, isa ito sa pangkaraniwang pangyayari sa maraming households. Ang mga epekto ng mental load sa mga relasyon ay kadalasang tahimik ngunit nakamamatay.
Matuto pa tungkol sa mental load at kung paano ito i-manage ito.
Epekto ng Mental Load: Ang Hindi Nakikitang Pasan
Ang terminong “mental load” ay maaaring kamakailan lamang. Subalit ang konseptong ito ay umiikot sa loob ng maraming siglo. Madalas ang mga ina ang mga kapitan ng kanilang mga barko. Kung saan sila ay inatasang utusan ang kanilang pamilya. At sikaping panatilihing maayos ang lahat. Sa nakaraang panahon, ang mga kababaihan ay inaasahang sa bahay lamang at italaga ang kanilang sarili sa domestic duties full-time.
Gayunpaman, nagbago na ang panahon at maraming kababaihan ang nagtatrabaho na ngayon. Kasama ang kanilang partner. May pagkakataon din na ang mga babae ay gumaganap bilang nag-iisang breadwinner ng pamilya. Bagama’t sigurado na ito ay isang mahusay na hakbang tungo sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Maraming kababaihang nagtatrabaho ang nagdadala pa rin ng mental load sa kanilang mga relasyon. Ang emotional labor ay madalas na interchanged sa mental load o labor.Ngunit ang mga ito ay bahagyang magkaibang mga konsepto. Maaaring kabilang sa mental load ang iba pang bahagi ng buhay tulad ng cognitive bukod sa emotional load.
Ang mga Epekto ng Mental Load
Pagkapagod
Tulad ng isang hindi nakikitang backpack, ang mental load ay maaaring mabigat sa isip at katawan. Ang mga kailangang tandaan at gawin sa household chores. Pag-aalaga ng bata, pagluluto, at maging ang pakalinga sa sarili sa araw-araw ay nakaka-stress.
Maaaring nanatiling gising ang iyong sarili sa gabi na iniisip kung ano ang hindi nagawa. At kung ano ang kailangang gawin sa susunod na araw. Ang lack of sleep coupled na may demanding activities ay recipe para sa pagod. Sanhi ng mas mabagal na paggaling, mental fogginess, at isang mahinang immune system. Ang lahat ng ito ay maaaring makaapekto sa iyong pagganap sa bahay at trabaho, na maaaring magpalala ng mga bagay.
Pagtitimpi ng galit
Ang isang nagging wife o ina ay madalas na inilalarawan sa media. Marami sa atin ang nakaranas nito sa bahay. Bagama’t ang stereotype o trope na ito ay exaggerated paminsan-minsan. Ang dahilan sa likod ng pagmamaktol ng isang ina ay madalas na makatwiran kapag isinasaalang-alang natin ang kanilang bigat sa pag-iisip.
Para sa mga babaeng may mabigat na pag-iisip. Maaari siyang magkaroon ng pagkabigo, sama ng loob o galit kapag ang iba sa sambahayan ay hindi nakikialam. Kadalasan, ang isang kapareha ay napipilitang manatili sa bahay. Upang asikasuhin ang mga gawain at mga anak sa halip na ituloy ang kanilang sariling karera o interes. Maaari itong lumikha ng mga damdamin ng sama ng loob at kawalang-kasiyahan.
Epekto ng Mental Load: Feelings of emptiness
Minsan, ang mga gawaing bahay ay maaaring maging nakakapagod at boring. Para sa ilan, nagiging second nature ang mga gawaing ito. At pakiramdam nila ay nasa autopilot sila minsan. Bagama’t ang mga gawaing bahay ay mahalaga. Para mapanatiling maayos ang pagtakbo ng isang tahanan, hindi ito eksaktong masaya. Bilang karagdagan, ang mga ito ay kumakain ng oras. Kaya maaari silang malayo sa kanilang mga libangan o career work. Para sa kapareha na nagdadala ng mas mabigat na pag-iisip. Maaari silang makaramdam ng pagiging unfulfilled o hollow sa isang punto.
Epekto ng Mental Load: Problema sa relasyon
Sa una, maraming mag-asawa ang dumadaan sa yugto ng honeymoon. Maayos at maganda ang lahat sa unang ilang buwan. Ngunit habang tumatagal – ang mga nakakaligalig na gawi ay maaaring maging tolorated at normal. Sa simula, ang partner ay maaaring mas aktibong nagbabahagi ng pasanin sa isip. Subalit kapag ang mga bata ay idinagdag sa equation at ang trabaho ay nagiging mas mahalaga. Ang timbang ay nagiging hindi balanse. Madalas, ang babae ay na-stuck sa short end ng sitwasyong ito.
Habang tumatagal ang iba pang epekto ng mental load ay pagdurusa ng relasyon. Ang husbands o partners ay maaaring makaramdam ng pagod sa pag-uwi. Kung saan inaasahan nila na makapagpapahinga sila dapat. Ang huling bagay na ayaw nilang marinig sa kanilang partner ay “pangungulit” sa kanila na gumawa ng higit pang trabaho. Dagdag na rin, dahil ang mga kababaihan ay madalas na abala sa gawain at sariling trabaho. Maaaring hindi na nila panatilihin ang kanilang mga hitsura tulad ng dati. Sa ilang mga relasyon, ang kawalan ng pangangalaga sa sarili na ito ay maaaring hindi kaakit-akit.
Ito ang mga punto ng alitan sa isang relasyon na maaaring magdulot ng mga argumento at sama ng loob. Maaaring subukan ng partner na may mas mabigat na karga na iwasan ang higit na stress. Sa pamamagitan ng pananatiling tahimik tungkol sa kanilang mga nararamdaman. Ngunit ito ay humahantong lamang sa paglala ng naunang nabanggit na mga epekto ng mental load. Bukod pa rito, ang pagtatalo sa harap ng mga bata ay maaaring makaapekto sa kanilang pag-unlad at lumikha ng mga karagdagang problema.
Mga Paraan para Ma-lighten ang Mental Load
Pag-usapan ito
Hindi gumagaan ang mental load kung patuloy mong hahawakan ito. Gayunpaman, hindi talaga posible na basta na lang iwanan ang lahat ng mga responsibilidad. Sa halip, subukang mag-diskarga sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iyong nararamdaman. At karanasan sa’yong kapareha at miyembro ng pamilya. Ang pag-iingat sa’yong damdamin ay lumilikha ng pressure cooker of thpughts at emosyon na maaaring umapaw. O sumabog sa bandang huli, kaya pinakamahusay na harapin ito nang maaga.
Isali ang buong pamilya
Ang isa pang paraan para mabawasan ang mga epekto ng mental load sa bahay ay ang ipamahagi ito. Sa katunayan, ang mental load ay hindi magiging isang isyu kung ang lahat ay makakasama. Gumawa ng isang listahan ng mga bagay na kailangang gawin bawat araw. Walang golden rule pagdating sa paghahati ng mga responsibilidad, ito ay depende sa bawat tao at household.
Ideally, ang mga miyembro ng pamilya ay dapat magkaroon ng kanilang mga tungkulin. Para ma-distribute ang mental health. Nakakatulong ito na bawasan ang kargada ng bawat tao. Ang pagbabahagi ng mga gawain ay ginagawang mas madali ang pag-aalaga sa household.
Para sa kaligtasan, ang mga bata ay hindi dapat magluto sa kalan o maglinis ng banyo. Sa halip, sila ang mamamahala sa pagliligpit ng kanilang mga laruan at mga gamit sa paaralan. Ang pananatili sa mga karaniwang tungkulin ng kasarian ay hindi kinakailangan. Halimbawa, kung mahilig magluto ang isang lalaki. Magagawa niya iyon habang inaasikaso ng kanyang kapareha ang pagsubaybay sa mga bayarin.
Avoid picking up the slack
Pagkatapos hatiin ang mga gawain ay maaaring tumagal ng oras ito. Para masanay ang lahat sa kanilang mga bagong tungkulin. At para sa isang ina na laging naglilinis ng kalat. Mahirap i-undo ang ugaling ito para sa kanya na maglinis kapag nakakakita ng kalat. Kung ibang tao ang naka-assign sa paghuhugas ng pinggan o pagwawalis. Pigilan ang pagnanasang gawin ito para sa kanila. Kung minsan, maaari nilang sabihin na hindi sila ganoon kagaling sa gawain at ipaubaya ito sa taong karaniwang gumagawa nito. Ang “learned helplessness” na ito ay isang mekanismo na ginagawa ng ilang tao para maiwasan ang kanilang mga responsibilidad.
Iwasang palakasin ang pag-uugaling ito sa pamamagitan ng paggawa ng gawain para sa ibang tao. Maliban kung may kasunduan o pagpapalitan ng mga gawain. Ang pag-aako sa mga responsibilidad ng ibang tao. Dahil lang sa ayaw nilang gawin ito ay magdaragdag lamang sa iyong pag-iisip. Direktang tugunan ang mga alalahanin nang hindi nagiging passive-aggressive o mapanghusga.
Bukod pa rito, maaaring magtagal ang pagsasaayos sa mga bagong gawaing ito, at normal na magkaroon ng panahon ng pagsasaayos sa mga pagbabagong ito.
Key Takeaways
Sa buod, ang mga epekto ng mental load ay maaaring negatibong makaapekto sa mga relasyon sa tahanan. Madalas ang mga ina ang higit na nagpapasan ng bigat ng pag-iisip. Ang pagsasaayos ng stale dynamics sa bahay sa pamamagitan ng redistributing ng load. Maaaring ang pamilya ay makabuo ng mas matatag at malusog na mga relasyon. Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa iyong mga relasyon. Maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa isang tagapayo, therapist, o grupo ng suporta.
Matuto pa tungkol sa Mabuting Relasyon dito.