Valentine’s Day ang nakaugaliang araw para mag-express ng pagmamahal, lalong-lalo na sa mga taong mayroong karelasyon. Bagaman ang pagpapakita ng pagmamahal ay walang pinipiling araw, edad at kasarian, Valentine’s Day ang mahalagang araw sa mga magsing-irog upang ipadama ang kanilang pagmamahal, at ito ay sa pamamagitan ng pagde-date . Ano nga ba ang magandang date ideas para sa Valentine’s Day?
Benepisyo ng date sa relationship
Importante ang pag aalaga sa isang relasyon. Mahalagang bagay ang pagbibigay ng oras upang magkaroon ng healthy relationship at mapanatili ang mainit na pagmamahalan.
Ang Valentine’s Day ay isang espesyal na araw na nauugnay sa romantikong pagmamahalan. Sa artikulong Keep the Spark Alive in Your Marriage ng John Hopkins Medicine, pagde-date ang isa sa mga tips ni Chris Kraft, Ph.D., direktor ng mga klinikal na serbisyo sa Sex and Gender Clinic sa departamento ng psychiatry sa Johns Hopkins Medicine.
Dahil dito, mahalaga ang pagkakaroon ng mga tinatawag na “date night”. Ayon sa kanya “Ang mga mag-asawang nag-i-iskedyul ng oras upang kumonekta sa isa’t isa ay may mas malusog, mas maligayang relasyon.” Sabi ni Kraft, “Hindi ito kailangan laging magresulta sa sex. Ito ay higit pa tungkol sa paglalaan ng oras upang magsaya nang magkasama.”
7 Date ideas para sa Valentine’s Day
Upang mapanatili ang spark ng relasyon, bigyan ng oras ang date mo sa iyong minamahal. Maging ano pa man ang balak mo, maaaring makatulong ang mga sumusunod sa pagpa-plano mo ng iyong date sa Valentine’s Day.
- Hilig – Mas masaya ang Valentine’s day kapag nagagawa mo ng iyong partner ang inyong mga kinahihiligan. Alamin ang mga activities na masisiyahan kayo pareho gaya ng pamamasyal, panood ng movie, sports o ehersisyo.
- Oras – Magkasama man kayo o long-distance ang relationship, mahalaga ang ibibigay mong quality time. Pumili ng oras na pareho nyong ma-eenjoy ang bawat isa. Sunrise, sunset, tanghali, o gabi, piliin mo ang magandang oras para sa araw na ito. Kung mayroon kayong long-distance relationship, maglaan ng oras para sa isang online date.
- Ngiti at halakhak – Mayroong mga benepisyo ang masayang tawanan. Ang ilan sa mga short-term na benepisyo nito ay nakaka-stimulate ng mga organ, nakakabawas ng stress, at nakakapag-alis ng tensyon. Maaaring manood ng nakakatawang mga palabas, gawin ang classic na “knock-knock”, o gumawa ng sarili mong jokes. Huwag kalimutang magbaon ng sense of humor o kung corny ang jokes mo, ang mahalaga ay ang effort mo na mapangiti ang iyong minamahal.
- Sustansya – Ang pagkain ay hindi dapat mawala sa mga date ideas sa Valentines Day. Isang paraan upang ma-enjoy ang isa’t-isa ay ang pagsasalo sa pagkain, depende ito sa personalities at preference n’yo. Maraming pagpipilian mula sa fine dining, simpleng fast food restaurant, o eat all you can. Pwede rin na magkasama kayong bumili sa grocery o palengke at pagkatapos ay magluto ng paborito nyong pagkain. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng sustansya ang pagmamahalan.
- Regalo – Maging malikhain sa pagbibigay ng regalo. Bukod sa nakasanayang bulaklak at tsokolate, maraming iba pang paraan upang makapagbigay ng regalo, nabibili o sarili mong gawa. Hindi kinakailangang mamahalin ang iyong regalo, basta’t ito ay pinag-isipan at makabuluhan. May kakaibang galak na dulot ang pagbibigay ng regalo. “Lumalabas, ang pagbibigay ng regalo, lalo na kapag ang nagregalo ay isang taong malapit sa atin, ito ay nagpapagana ng key reward pathways sa ating utak, basta’t hindi natin hahayaang alisin ng stress ang kagalakan ng okasyon,” ito ay ayon kay Emiliana Simon-Thomas , PhD, direktor ng agham sa Greater Good Science Center, isang sentro ng pananaliksik sa Unibersidad ng California, Berkeley, na nag-aaral ng roots of compassion, happiness, and altruism. Ayon pa kay Simon-Thomas, “ “Kadalasan, tinutukoy ito ng mga tao bilang ‘warm glow,’ ang tunay na kagalakan sa paggawa ng isang bagay para sa ibang tao.”
- Salita at Gawa – Sabihin o ipahayag ang pagmamahal. Ito ang isa pa sa date ideas para sa Valentine’s Day. Depende kung saan ka komportable, heto ang mga halimbawa: direktang pagsasabi ng iyong nararamdaman, basahin sa harapan niya ang iyong love letter, kantahan siya ng love song, o mag-play ng love song o music para sa kanya. Ang mga tao ay may kanya-kanyang love language o paraan ng pagsasabi ng pagmamahal. Mahalagang madama ng mahal mo ang moment o sandali ng pagpapahayag kung gaano mo siya kamahal o bakit patuloy mo siyang minamahal.
- Lambing – Ang isang relasyon na kulang sa lambing o intimacy ay maaaring mapuno ng stress. Sa magkarelasyon, ang paglalambing ay hindi dapat mawala. Hindi palaging sex ang pagpapakita ng paglalambing o intimacy, bagaman ito ay dapat binibigyan ng oras ng mga couples. Ang simpleng holding hands ay nakapagpapaligaya, lalo na kung matagal na kayong magkasama at nakakaligtaan na itong gawin. Hugging, kissing, o maging pag-mamasahe ay maaaring maging pagpapakita ng lambing.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Mabuting Relasyon dito.
[embed-health-tool-bmi]