Ang sakit sa sobrang pagkain o Binge Eating Disorder (BED) ay isang eating disorder na nakakaapekto sa 1 hanggang 2% ng populasyon sa buong mundo. Masasabi na mas karaniwan ito sa mga kababaihan.
Mula pa lamang sa pangalan nito mismo, ang sakit na ito ay nailalarawan. Sa pamamagitan ng pagkain ng maraming pagkain sa loob lamang ng maikling panahon. Kung saan, ito ang walang pagkontrol sa dami ng pagkain na nakakain.
Halimbawa, ang isang tao ay karaniwang kumakain ng isang regular serving of food sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras. Ang mga may binge eating disorder ay maaaring kumain ng dalawang beses o tatlong beses. Sa parehong tagal ng oras, at may pakiramdam sila ng kawalan ng kontrol tungkol sa dami ng pagkain na kanilang kinakain.
Naiiba ito sa bulimia, isa pang eating disorder. Kung saan kumakain ang isang tao dahil sa pagdanas ng binge eating disorder. Hindi nila nalilinis ang kanilang sarili pagkatapos kumain ng sobrang dami ng pagkain. At hindi rin nila sinusubukang mag-udyok ng pagsusuka at may pag-abuso sila sa laxatives at diuretics. Makikita na hindi sila tumitigil sa pagkain na para bang walang kabusugan.
Sino ang Naaapektuhan ng Sakit sa Sobrang Pagkain o BED?
Maaaring hindi mo ito alam, ngunit maaari ka nang dumaranas ng binge eating disorder. Para makita kung anong gagawin mo, tingnan ang mga sumusunod na katangian:
- Kumakain ka ng maraming pagkain — higit sa dobleng inirerekomendang dietary intake para sa’yong edad at katawan — sa maraming pagkakataon.
- Hindi mo maihinto ang pagkain hanggang hindi nauubos ang lahat, o kung hindi ka pa komportableng busog.
- Nahihiya ka sa dami ng iyong kinain, ngunit sa’yong susunod na pagkain. Hindi ka na magdadalawang isip tungkol sa pagbabago ng serving sizes.
- Nasubukan mo na at nagtagumpay kang magbawas ng timbang noon. Ngunit nabawi lang ito pagkatapos. Ikaw ay nasa isang cycle ng pagbaba at pagtaas ng timbang.
- Nahihirapan ka na ngayong mawalan ng timbang kumpara sa ibang mga taong may problema sa timbang.
Kung mayroon ka ng mga bagay na karamihan na nasa item sa itaas. Malamang na mayroon kang binge eating disorder, at hindi ito isang bagay na maaari mong balewalain. Mayroong mga komplikasyon na nagmumula sa kondisyong ito. At ikaw ay nasa risk na magkaroon ng higit pang mga problema sa kalusugan na maaaring maging banta sa buhay.
Mga Komplikasyon na Dulot ng Sakit sa Sobrang Pagkain o BED
Una, ikaw ay nasa panganib na maging sobra sa timbang. Kung ikaw ay nasa cycle pa rin ng pagbaba at pagtaas ng timbang. Marahil ay hindi mo nakikita ang iyong sarili na nagiging sobra sa timbang o napakataba. Sa sandaling talikuran mo ang mga pisikal na aktibidad. Ang iyong timbang ay madaling lolobo at makikita mo na mas mahirap ibalik ang dating timbang.
Siyempre, ang labis na katabaan ay nag-e-expose sa’yo sa mas maraming panganib sa kalusugan. Makikita na ang ilan pa dito ay maaaring magbanta sa buhay. Ang pagkain ng masyadong maraming matatabang pagkain ay maaaring magpataas ng lebel ng kolesterol. At mapataas ang iyong presyon ng dugo. Maaari kang magdebelop ng mga sakit sa puso, kasama ng diabetes, sakit sa gallbladder, at iba’t ibang uri ng kanser.
Ang mga taong dumaranas ng binge eating disorder ay tumaas din ang panganib para sa iba pang mga sakit sa isip. Isa na rito ang depresyon. Sa binge eating, kadalasang sinusundan ito ng stress at pagkabalisa. Ngunit ang pagkain ng masyadong maraming pagkain sa isang pagkakataon ay maaaring mag-trigger ng guilt at depresyon. Nagiging sanhi ito ng hindi nababasag na cycle ng stress, binge eating, depression, at higit pang stress. Makikita rin sa worst scenario na maaari pa silang bumaling sa mga substance abuse para sa relief.
Ang Mga Negatibong Epekto ng Stress Eating
Mga Inirerekomendang Tritment para sa Sakit sa Sobrang Pagkain o BED
Ang tritment sa binge eating disorder ay nangangailangan ng pagma-manage sa sakit. Para mabawasan ang binges at i-promote ang malusog na gawi sa pagkain. Ito ay hindi lang isang beses na lunas na maaaring “i-off” ang iyong tendency sa binge eat sa susunod na araw.
Isa sa mga inirerekomendang tritment ay psychotherapy. Dahil ang karamdamang ito ay may malaking kaugnayan sa kahihiyan, negatibong emosyon, guilt. Mahinang imahe sa sarili, at depresyon. Ang pagtugon sa mga problemang ito ay nagtuturo sa nagdurusa na makaramdam ng higit na kontrol sa kanilang kinakain. Para tumigil sila sa anumang oras na kanilang pipiliin. At hindi mahulog sa hukay ng kawalan ng pag-asa dahil sila ay kumakain ng sobra.
Cognitive-Behavioral Therapy (CBT)
Ito ay isa sa mga paraan para matulungan ang mga nagdurusa sa BED na makayanan ang mga isyu na nag-uudyok sa kanilang binges. Tinutugunan ng CBT ang mga negatibong damdamin tungkol sa kanilang katawan. Kung saan binibigyan sila ng higit na kontrol sa kanilang pag-uugali. Para hindi sila makaramdam ng kawalan ng kakayahan kapag binigyan ng pagkakataon na kumain nang labis.
Interpersonal Psychotherapy
Makakatulong ang ganitong uri ng therapy. Kung ang trigger of the episodes ay isasama ang problematic relationships at bad communication skills. Nakakatulong ito sa’yo na mapabuti ang iyong mga relasyon sa iba at mapawi ang tensyon na maaaring mag-ambag sa BED.
Dialectical Behavior Therapy
Ang dialectical behavior therapy ay nakatutulong kung ang stress ang trigger. Dito, matututunan mo ang mga kasanayan sa pag-uugali na nagbibigay-daan sa’yo. Para mas mahusay na mapamahalaan ang stress. Sa pamamagitan ng pagma-manage ng iyong stress, maaari mong ayusin ang iyong mga emosyon. Pinapabuti din nito ang iyong interpersonal na relasyon. At binabawasan ang iyong pagnanais na binge at kumain nang labis.
Mga Gamot
Ang mga gamot ay maaari ding makatulong na pamahalaan ang binge eating trigger. Nakatutulong din ito sa pagbawas ng mga sintomas. Tandaan na ang isang gamot ay tinatawag na topiramate. Karaniwang ginagamit ito para sa seizures. Napag-alaman na binabawasan nito ang mga episode ng binge-eating. Ngunit may mga side effect tulad ng pagkaantok, problema sa pag-concentrate, at pagkahilo. Dagdag pa, dahil ang depression ay kilala bilang isang trigger. Ang mga antidepressant ay mabuti para sa pagtugon sa kanila. Binabawasan nito ang pagkahilig sa binge-eat. Subalit hindi malinaw kung paano nila ito magagawa. Sa kasalukuyan, nauugnay ito sa ilang partikular na kemikal sa utak na kumokontrol sa’yong kalooban.
Key Takeaways
Mahalagang matugunan ang binge eating disorder sa lalong madaling panahon. Kung sa tingin mo ay dumaranas ka ng ganitong kondisyon. Maraming tao ang maaari mong lapitan para humingi ng tulong. Matutulungan ka ng isang dietician sa pagpaplano ng pagkain at pangkalahatang diyeta. Kung sa tingin mo ay wala kang anumang kontrol sa iyong kinakain. Humingi ng propesyonal na tulong. Makipag-usap sa isang psychiatrist para matulungan kang matugunan ang mga underlying condition. Tulad ng guilt, depresyon, at higit pa. Malalampasan mo ang binge eating disorder na may sapat na paggamot at suporta. Matuto pa tungkol sa Eating Disorders dito.