Iniulat ng World Health Organization na ang schizophrenia ay nakaaapekto sa nasa 20 milyong tao sa buong mundo. Habang schizophrenia ang isa sa pinakalaganap na mental disorders sa Pilipinas, ang mga sintomas nito ay hindi palaging nauunawaan nang lubos ng mga tao. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga sintomas ng schizophrenia at mga gamutan dito.
Ano ang schizophrenia?
Ang schizophrenia ay isang mental disorder kung saan hindi alam ng tao ang totoo sa hindi. Nauuwi ito sa mga problema sa paraan ng pag-iisip, pagsasalita, pagtugon, at pagtingin sa sarili at sa mundong ginagalawan.
Madalas na nakararanas ng hallucination at/o delusions ang mga taong may schizophrenia. May malaki itong epekto sa kanilang relasyon sa iba at sa araw-araw na buhay. Dagdag pa, madalas na nakararanas ng stigma, bullying, o pang-aabuso ang mga taong may ganitong disorder kaya’t mahirap para sa kanilang humingi ng tulong na nararapat at kanilang kailangan.
Mga Uri at Sintomas
Ano ang mga sintomas ng schizophrenia?
Kadalasang nagsisimulang lumitaw ang mga sintomas ng schizophrenia kapag ang isang tao ay nasa kanya nang late teens o early adulthood. Maaaring makaranas ang mga taong may ganitong disorder ng mga “episode” o ang pagkakataong aktibo ang mga sintomas.
Pwedeng mangyari ang episode ng schizophrenia kapag ang tao ay nahihirapang makita kung ano ang realidad sa hindi.
Nasa tatlong kategorya ang mga sintomas ng schizophrenia. Ito ang:
Positibong mga sintomas. Pwede itong mangyari kapag nagsimulang makaranas ang tao ng balikong pagtingin sa realidad. Ang mga sintomas ng ganitong kategorya ay magulong pananalita o pag-iisip, hallucinations (kapag nakakakita ang tao ng mga bagay na wala naman), at delusions (kapag ang tao ay sobrang naniniwala sa isang bagay na kabaliktaran ng kung ano ang realidad).
Negatibong mga sintomas. Ang mga sintomas na kabilang sa kategoryang ito ay kawalan ng motibasyon, kasiyahan, o interes sa mundo sa kanyang paligid.
Cognitive symptoms. Nahihirapang magpokus, magproseso ng impormasyon, o umalala ng mga bagay. Lahat ng ito ay mga cognitive symptoms. Bilang resulta, nakararanas ang mga taong may schizophrenia ng mga sintomas na hadlang sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Hindi lahat ng mga taong may schizophrenia ay nakararanas ng parehong mga sintomas. Kung nakararanas ka ng mga sintomas na ito, kumonsulta sa medical professional.
Ano ang mga uri ng schizophrenia?
May apat na pangunahing uri ng schizophrenia:
Catatonic Schizophrenia. Nagiging catatonic ang isang tao. Hindi siya makagawa ng kahit na ano sa loob ng ilang oras.
Paranoid Schizophrenia. Ito ang dahilan kung bakit sobrang paranoid ng isang tao, na nagiging hadlang upang hindi nila magawa ang kanilang regular na mga aktibidad.
Schizoaffective disorder. Ang mga taong may ganitong uri ng schizophrenia ay nakararanas ng mood disorder.
Undifferentiated Schizophrenia. Kapag ang tao ay nakaranas ng mga sintomas mula higit sa isang kategorya ng schizophrenia, saka sila mada-diagnose na may undifferentiated Schizophrenia.
Mga Sanhi at Gamutan
Ano ang mga sanhi ng schizophrenia?
Sa ngayon, hindi pa natutukoy ng mga mananaliksik ang eksaktong sanhi ng schizophrenia. Gayunpaman, alam nilang ang utak, environment, at genetics ay mga salik sa pagkakaroon ng schizophrenia.
Pwedeng magkaroon ng mataas na panganib ng schizophrenia kapag may kapamilya na may schizophrenia, na exposed sa panganganak o mga komplikasyon ng pagbububuntis na nakaaapekto sa development ng utak sa habang nasa sinapupunan (tulad ng malnutrition), o may exposure sa mga droga. Kung nasa panganib ka ng pagkakaroon ng schizophrenia, pwede kang makipag-usap sa mental health professional.
Paano dina-diagnose at ginagamot ang schizophrenia?
Kung hindi magagamot, pwedeng mauwi sa malubhang isolation, depression, anxiety disorders, kawalan ng tirahan, at (sa matitinding kaso) pagpapakamatay.
Magagawang i-diagnose ng psychiatrist ang taong may schizophrenia kung nakaranas sila ng ilan o lahat ng mga sintomas sa loob ng isang buwan. Upang makumpirma ang diagnosis, maaaring magsagawa ang doktor ng mga sumusunod na test:
Physical examination. Magsasagawa ang doktor ng pisikal na pagsusuri sa pasyente upang makita ang mga posibleng sanhi. Pwede ring magsagawa ng MRI o CT scan ang doktor.
Psychiatric evaluation. Magsasagawa ng mahigpit na psychiatric evaluation ang mental health professional upang malinaw na maunawaan ang emosyonal at mental na kalagayan ng tao.
Sa pagkontrol ng schizophrenia, maaaring magreseta ng gamot at therapy ang mga doktor. Pwedeng nasa anyo ng anti-psychotics, antidepressants, o anti-anxiety drugs ang mga gamutan upang matulungan ang taong makontrol ang kalubhaan ng mga sintomas. Dagdag pa, makatutulong din sa may schizophrenia ang psychotherapy. Dagdag pa, maaaring maging option ang family therapy para sa mga nais na maging epektibong caretakers para sa miyembro ng pamilyang may schizophrenia.
Key Takeaways
Ang schizophrenia ay isang mental disorder na malaki ang epekto sa buhay ng isang tao. Dahil dito, maganda ang maagang pagtuklas at gamutan para sa schizophrenia. Pwedeng maging mild o severe ang mga sintomas ng schizophrenia, depende sa tao.
Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-iisip dito.