backup og meta

Pagtulong sa taong nagluluksa: Paano Ito Gagawin?

Pagtulong sa taong nagluluksa: Paano Ito Gagawin?

Ang pagtulong sa isang taong nagluluksa, lalo na kung siya ay mahal mo sa buhay o kaibigan ay isang hamon. Mahirap maghanap ng mga paraan kung paano aliwin ang isang taong nawalan ng taong mahal sa kanila. 

Maaaring madali lang ito para sa ilang mga tao, pero hindi para sa iba pa. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang kilalanin ang mga sintomas ng kalungkutan. Upang makatiyak tayo na makakapagbigay tayo ng konsolasyon sa mga may matinding emotional distress.

Ano ang mga Tanda ng Kalungkutan?

Kapag nagdadalamhati, ang iyong mga mahal sa buhay o kaibigan ay pwedeng makaranas ng ilang pisikal at emosyonal na mga palatandaan na nagpapakita ng tindi ng kanilang kalungkutan.

Ito ang dahilan kung bakit dapat tayong tumulong sa isang tao na malampasan ang kalungkutan at pagluluksa hangga’t maaari. Bagaman maaaring mag-alala, mahalagang tandaan na ang mga palatandaang ito ay natural na bahagi ng proseso ng pagdadalamhati.

Mga Pisikal na Sintomas

Ang pangangatawan ng isang tao ay maaaring lubhang maapektuhan ng kalungkutan. Dahil ang mga taong nagluluksa ay maaaring mapabayaan ang kanilang sarili. Ang immune system nila ay manghihina at hindi gaanong matatag.

Kasama sa mga pisikal na sintomas ay:

Emosyonal na sintomas

Pagtanggi

Ang pagkawala ng isang taong mahalaga ay napakahirap makayanan. Ang pag-iisip na hindi na sila muling makikita ay maaaring manatili sa kanyang isip nang matagal. Maaaring makagambala sa gawain ng isang tao ang mga kaisipang ito.

Para sa ilan, umaabot sila sa puntong pinapabayaan nila ang kanilang pamumuhay. Para malampasan ito, nagdi-deny sila. Ang denial o pagtanggi ay karaniwan din sa mga unang yugto ng kalungkutan.

Kalungkutan at Depresyon

Nararanasan ng mga tao ang matinding kalungkutan kapag nagluluksa. Kapansin-pansin ito kapag sinubukan nilang mamuhay nang normal at magpumilit na magpatuloy.

Ito ay dahil bahagi na ng buhay nila ang taong nawala at ang pagsisikap na magpatuloy sa kanilang gawain ay maaaring maging lubhang nakakapagod. Kung hindi mapipigilan, ang kalungkutan ay maaaring humantong sa depresyon.

Ang pagtulong sa taong nagluluksa ay kailangan ng propesyonal na tulong. Ito ay kung ang iyong minamahal o kaibigan ay nagsimulang magpakita ng mga palatandaan ng depresyon. 

Para sa ilang mga tao, ang pagkawala ng isang tao ay parang pagkawala ng bahagi nila. Ito ang nagpapahirap sa kanila na bumalik sa normal na buhay. Gayunpaman, maaari pa rin itong magbago kapag nakahanap sila ng dahilan na mabuhay.

Guilt

Hindi mahirap para sa isang tao na makaramdam ng labis na guilt o pagsisisi. Karaniwan ito sa mga nag-iisip na nakagawa sana sila ng ibang bagay na magpapabago sa kapalaran ng namatay.

Nakakaramdam ng ginhawa

Ang pagkawala ng mahal sa buhay dahil sa matindi o masakit na karamdaman ay maaaring nakakawasak. Para sa ilan, maaaring makaramdam ng ginhawa na hindi na muling magdurusa ang taong mahal nila. 

Galit

Normal na magalit, lalo na kung biglaan ang pagkamatay dahil sa aksidente o hindi magandang pangyayari. Ang galit sa iyong sarili, sa iba, sa taong namatay, o kahit sa Diyos ay isa sa mga natural na tugon sa pagkawala.

Gayumpaman, may ilang mga pagkakataon kung saan ang galit ay nagreresulta sa pisikal na pang-aabuso sa sarili o sa iba. 

Pagkabalisa

Kung minsan, ang pagkamatay ng isang tao ay maaaring magdulot ng pagkabalisa sa mga naulila. Ang mga pagkabalisa na ito ay maaaring sanhi ng iba’t ibang uri ng takot. Ang isang karaniwang halimbawa ay ang takot na maranasan muli ang kalungkutan. Para sa ibang tao, ito rin ay ang takot na iwan ang mga tao kapag namatay ka.

Kakulangan ng konsentrasyon

Sa panahon ng pagluluksa sa namatay, ang isang tao ay dumaraan sa iba’t ibang emosyon. Ito ay maaaring magdulot sa kanila na magkaroon ng nakababahalang pag-iisip. Ang mga ito ay maaaring makagambala sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao, na magdulot sa kanila na magmukhang palagi silang abala.

Mga bangungot o masamang panaginip

Ang isa pang resulta ng pagkakaroon ng matinding emosyon pagkatapos ng isang malaking pagkawala ay ang mga nabagong pattern ng panaginip. Minsan ang mga emosyon ay nagpapakita sa subconscious ng isang tao, na nagiging sanhi ng mga kakaibang panaginip o bangungot.

Mga paraan ng pagtulong sa taong nagluluksa

Ang pagtulong sa taong nagluluksa ay mahirap. Ang pagsisimula ng pakikipag-usap sa isang taong nasa kalungkutan ay parang pagtapak sa manipis na yelo. Nakikipagsapalaran ka sa paghahanap ng mga tamang salitang sasabihin sa kanya.

Ipinapakita ng pananaliksik na ang isang nagdadalamhating tao ay maaaring makalampas sa kalungkutan sa paglipas ng panahon. Ito ay kung mayroon siyang social support at healthy habits. Kaya naman may mga ideya na maaari mong subukang gawin sa pagtulong sa taong nagluluksa. Kabilang dito ang:

Pag-usapan at banggitin ang pangalan ng namatay sa mga pag-uusap

Maaaring napakahirap para sa taong nagluluksa na banggitin o marinig ang pangalan ng namatay habang nag-uusap.

Gayumpaman, ang pagbanggit ng pangalan ng yumao sa pag-uusap ay magpapaunawa sa taong nagdadalamhati na kahit na wala na ang tao, mananatili pa rin ang kanyang mga alaala.

Pakikinig

Ang pakikinig ay ang pinakamahusay na paraan upang magbigay ng iyong pakikiramay sa isang pamilya o isang kaibigan. Maaaring maging isang paraan ng pagpapagaling para sa mga taong nagluluksa ang pakikipag-usap tungkol sa mga alaala at karanasan kasama ang namatay.

Sa pamamagitan ng iyong pakikinig, makakatulong na mabawasan ang sakit at kalungkutan na dinaranas ng iyong kaibigan o mahal sa buhay.

Mag-alok ng tulong

Isang paraan na pagtulong sa taong nagluluksa ang pag-aalok ng tulong. Ito ay ang regular na pangungumusta sa kanya. Maaaring mag-suggest na sumali sa mga support group upang makilala niya ang ibang taong may parehong karanasan.

Gayumpaman, ayon sa pananaliksik, hindi lahat ng lumahok sa mga support group ng naulila ay nabawasan ang kalungkutan at pagkabalisa. Iminumungkahi nito na ang agarang interbensyon ay dapat magmula sa mga malalapit sa kanya kaysa sa ibang tao.

Paalalahanan ang iyong minamahal o kaibigan na ang pagdadalamhati ay kailangan ng oras

Naniniwala ang mga eksperto na ang proseso ng kalungkutan ay mas kumplikado kaysa sa pagdadalamhati at pagpapakita ng negatibong emosyon.

Maraming mga kadahilanan kung paano makakabangon ang mga tao mula sa kalungkutan, bukod sa pagdadalamhati. Sabihin sa iyong pamilya o kaibigan na maglaan ng oras at huminto ng kaunti upang harapin at kilalanin ang kanilang kasalukuyang emosyonal na kalagayan.

Ipaalala sa kanila na ang proseso ng pagdadalamhati ay maaaring tumagal ng mga taon. Gayumpaman, ito ay nakasalalay pa rin sa kung paano sila matututong makayanan ito.

Hikayatin silang sumubok ng mga bagong bagay

Isa pang paraan ng pagtulong sa taong nagluluksa ay ang pasiglahin sila at hikayating sumubok ng ibang mga bagay.

Gumawa ng mga aktibidad na hindi mo pa nagawa o magsimula ng isang bagong tradisyon na magpapaalala sa iyong mahal sa buhay o kaibigan ng mga magagandang bagay na nagawa ng kanilang yumao sa buhay.

Ngunit, tandaan na huwag pilitin ito, dahil ang iba’t ibang mga tao ay may iba’t ibang paraan na makabangon muli.

Ipaalam sa kanila na ang pagiging emosyonal ay okay lang

Ang kalungkutan ay nagpapalabas ng maraming matinding emosyon sa mga tao. May mga pagkakataon na ang mga naulila ay tatahimik lang saglit, tapos biglang iiyak na lang.

Tiyakin sa iyong kapamilya at kaibigan na ang pagiging emosyonal sa panahong ito ay okay. Ipaliwanag sa kanila na ang pagiging emosyonal ay makatutulong sa kanila na mapabuti.

Higit sa lahat maging matiyaga at consistent sa pagtulong sa taong nagluluksa.

Key Takeaways

Ang kalungkutan ay nagdudulot ng matinding pinsala sa sinuman. Maaaring magkakaiba ito sa bawat tao, pero tiyak na magkakaroon ito ng malaking epekto sa kanilang buhay.
Sa pagtulong mo sa taong nagluluksa, isa sa iyong responsibilidad ang humingi ng tulong mula sa mga propesyonal kung ang paraan ng taong iyon sa pagharap sa kalungkutan ay hindi bumubuti sa paglipas ng panahon.
Bagaman maaaring tumagal ito sa mahabang panahon, ang pananatili sa tabi ng iyong mahal sa buhay o kaibigan ay makakatulong sa kanila na makabangon mula sa sakit ng pagkawala ng isang taong mahal sa kanila.

Matuto pa tungkol sa Healthy Mind at Iba Pang Mga Isyu sa Kalusugan ng Pag-iisip, dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Grief: Coping With Reminders After A Loss https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/end-of-life/in-depth/grief/art-20045340 Accessed July 23, 2020

Grief After Bereavement or Loss https://www.nhs.uk/conditions/stress-anxiety-depression/coping-with-bereavement/ Accessed July 23, 2020

A Life Care Guide to Helping Others Cope With Grief https://foh.psc.gov/NYCU/CopingTips.pdf Accessed July 23, 2020

Grief: Coping With The Loss of Your Loved One https://www.apa.org/topics/grief Accessed July 23, 2020

Recovery From Grief Requires More Than Grieving, Psychologists Finds https://news.stanford.edu/pr/94/940829Arc4145.html Accessed July 23, 2020

The Effect of Bereavement Groups on Grief, Anxiety, and Depression – A Controlled, Prospective Intervention Study https://bmcpalliatcare.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12904-016-0129-0 Accessed July 23, 2020

 

Kasalukuyang Version

04/01/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Personality Disorder: Mga Pangunahing Kaalaman

Paano Nakakaapekto ang Galit sa Utak at Katawan? Alamin


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement