BABALA: Ang mga larawan ay maaaring maka-trigger sa mga taong may takot sa matataas na lugar, paglipad at kidlat.
Ang takot ay isang napaka-pangkaraniwan damdamin ng tao. Gayunpaman, may ilang mga tao na patuloy na dumaraan sa matinding takot sa ilang mga bagay at sitwasyon. Phobia ang tawag dito. Ano ang mga uri ng karaniwang phobia? Ano ang mga sintomas ng mga phobia? Basahin dito para malaman mo.
Ano ang phobia?
Ang phobia ay isang anxiety disorder na nagiging sanhi ng isang tao na makaramdam ng palagiang takot, hindi makatwiran na takot sa isang tao, hayop, bagay, aktibidad, o sitwasyon. Nakakaranas ng matinding takot ang mga taong may phobia sa mga bagay o sitwasyon na maaaring makapinsala sa kanila o hindi. Ang ganitong takot ay napakatindi na maaari itong makagambala sa pamumuhay ng isang tao at/o makapinsala sa mga relasyon.
Mayroong tatlong pangunahing grupo ng mga phobia:
Specific o simpleng phobia
Ang ganitong uri ng phobia ay ang matinding takot sa isang partikular na bagay o sitwasyon na kadalasang nagdudulot ng bahagya o walang panganib. Alam ng mga taong may specific phobia na ang kanilang reaksyon sa partikular na bagay ay hindi makatwiran.
Gayunpaman, ang kanilang takot ay nagigising dahil lamang sa pag-iisip na sila ay nasa isang sitwasyon kung saan naroroon ang trigger ng phobia.
Ang specific phobia ay pangmatagalan at maaaring magdulot ng pisikal at sikolohikal na stress sa isang tao. Ang mga karaniwang halimbawa ng mga partikular na phobia ay ang takot sa mga ahas, aso, bagyo, kidlat, at paglipad sa eroplano.
Social phobia o social anxiety disorder
Ang isang tao na may social anxiety disorder o social phobia ay may matinding takot na mapahiya, negatibong pagpuna, o ma-reject ng lipunan.
Malamang na magkaroon ng social phobia ang isang tao dahil sa mababang pagpapahalaga sa sarili at matinding inferiority. Pakiramdam nila ay wala silang halaga kumpara sa iba. Isang karaniwang halimbawa ng social phobia ay takot sa pagsasalita sa publiko.
Agoraphobia
Ang agoraphobia ay ang takot na mapunta sa mga lugar o sitwasyon na kanyang ipinalalagay na hindi ligtas. Ang mga taong may agoraphobia ay nakakaranas ng panic attack sa tuwing sila ay nasa mga pampublikong lugar na itinuturing nilang mahirap makaalis. Nagti-trigger din ng panic attract sa tuwing ang isang tao ay makakaramdam na na-trap. Ang mga taong may matinding kaso ng agoraphobia ay madalas na nagkukulong sa bahay at tumatangging lumabas dahil sa takot.
Ano ang mga karaniwang phobia?
Narito ang limang pinakakaraniwang uri ng phobia na dapat mong malaman:
Arachnophobia
Ang arachnophobia ay ang matinding takot sa mga arachnid, lalo na sa mga spider. Ang matinding anxiety at panic na nararanasan ng mga arachnophobes ay nati-trigger kapag nakita ang isang spider o spider web ( larawan o sa totoong buhay) o mga saloobin tungkol sa mga spider.
Sinasabi ng mga eksperto na ang takot sa mga gagamba ay nagmula noong panahong hindi pa alam ng mga tao kung paano gamutin ang makamandag na kagat ng gagamba. Kaya, ang arachnophobia ay produkto ng survival instincts ng tao. Gayundin, ang mga traumatikong karanasan tulad ng kapag nakagat ng gagamba ay maaaring magresulta sa arachnophobia.
Pinaka karaniwang treatment dito ang exposure therapy. Ito ay kung saan ang mga pasyente ay pinapakitaan ng mga larawan ng spider.
Acrophobia
Ang Acrophobia ay isa sa mga pinaka karaniwang uri ng phobia. Ito ang matinding takot sa heights o matataas na lugar na humahantong sa matinding anxiety at panic attack. Dahil sa kanilang takot sa taas, nahihirapan ang mga acrophobes na tumayo sa matataas na lugar tulad ng mga burol at bangin.
Ang mga simpleng aktibidad tulad ng escalator at pagsakay sa elevator ay maaari ding ikatakot ng isang taong may acrophobia. Sa mga malalang kaso, ang mga acrophobes ay pinipilit na iwasan ang pagtawid sa mga tulay. At maging nasa itaas ng mga skyscraper at tore. Dahil ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng kanilang panginginig, pag-palpitate, at maging masama ang pakiramdam.
Nagkakaroon ng acrophobia dahil sa mga nakababahalang pangyayari sa nakaraan. Tulad ito ng pagkahulog mula sa mataas na lugar o pagkakita ng isang tao na bumagsak mula sa tuktok ng isang gusali. Ang takot sa taas ay karaniwang nauugnay sa takot sa pagbagsak o basophobia at maaaring gamutin sa pamamagitan ng cognitive behavioral therapy.
Trypanophobia
Ang isa pang karaniwang phobia ay ang trypanophobia. Ito ang matinding takot sa mga medikal na pamamaraan na may kinalaman sa mga injection o karayom. Ang ganitong uri ng phobia ay maaaring maging sanhi ng isang tao na makaranas ng abnormal na heart rate, panic attack, at pagiging agresibo kapag nahaharap sa posibilidad na medical treatment na gamit ang syringe.
Kung minsan, ang trypanophobia ay maaaring mag-trigger sa isang tao na mahimatay sa oras ng pag-iniksyon tulad ng pagbabakuna at phlebotomy. Bilang resulta, ang mga indibidwal na may trypanophobia ay umiiwas sa anumang medical treatments na nangangailangan ng mga iniksyon o karayom hanggang sa puntong maaari itong makapinsala sa kanilang kalusugan.
Ang pag-iwas na ito sa mga iniksyon at karayom ay maaaring mapanganib sa kanila na may malalang kondisyon at kailangan ng self-injection, tulad ng diabetes at rheumatoid arthritis (RA). Ginagamit ng mga doktor ang exposure therapy, cognitive-behavioral therapy, at mga gamot upang tugunan ang phobia na ito.
Aerophobia
Ang aerophobia, o takot sa paglipad, ay isang uri ng phobia na maaaring mag-trigger ng matinding pagkabalisa, pagduduwal, at heart palpitations. Sapat na upang mag-trigger ng aerophobia ang pag-iisip ng pagsakay sa eroplano, paghahanda para sa isang paglipad, o nasa flight. Ito ay kadalasang nagreresulta mula sa panonood ng mga programang nagpapakita ng mga nakakatakot na insidente at pag-crash ng eroplano.
Kadalasan, ang isang taong may aerophobia ay maiiwasan ang anumang mga pangyayari na may kinalaman sa pag-upo sa isang flight tulad ng mga bakasyon at business trip. Ang nangyayari, madalas nakakalampas ang magagandang propesyonal na mga pagkakataon o mga karanasan sa buhay.
Ang exposure therapy ay ang pinakamahusay na paggamot sa aerophobia. Kabilang dito ang dahan-dahang pagpapakilala o muling pagpapakilala sa ideya ng paglipad sa mga taong natatakot dito.
Astraphobia
Ang astraphobia ay ang matinding takot sa kulog at kidlat. Bagama’t ang ganitong uri ng phobia ay nakakaapekto sa sinuman sa anumang edad, mas karaniwan pa rin ito sa mga bata kaysa sa mga matatanda. Karaniwan, karamihan sa mga tao na may astraphobia sa pagkabata ay nalalampasan ito, pero ang ilan ay dala ito sa kanilang pagtanda.
Ang taong may astraphobia ay nakakaranas ng parehong mga sintomas ng iba pang mga karaniwang phobia. Tulad ng panginginig, heart palpitations, at breathlessness. Ang astraphobia ay maaari ring humantong sa agoraphobia. Ito ay dahil ang takot sa kulog at kidlat ay maaaring makapigil sa mga tao na umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa takot sa biglaang bagyo. Maaaring itong maging hadlang sa mga tao na kumuha ng mga bagay na kinakailangan. Lalo sa panahon ng masamang panahon o lumikas ng kanilang mga tahanan sa panahon ng bagyo at baha.
Ang mga karaniwang paggamot na nakakatulong sa mga taong may astraphobia ay cognitive-behavioral therapy, exposure therapy, at mga gamot na anti-anxiety.
Ano ang mga sintomas ng mga phobia?
Ang mga sumusunod ay karaniwang sintomas ng phobias:
- Matinding episodes ng anxiety at panic attack
- Mabilis na tibok ng puso at pananakit o paninikip sa dibdib
- Kinakapos ng hininga
- Labis na pagpapawis
- Nanginginig
- Pagduduwal at pagkahilo
- Nanghihina
- Disorientation
- Discomfort sa tiyan
- Panginginig o hot flashes
Key Takeaways
Ang takot ay karanasan ng tao. At ang isang taong may karaniwang phobia ay maaaring makaramdam ng panghihina at desperado sa tuwing nasa phobia. Ito ang dahilan kung bakit dapat laging tandaan na kahit ang maliliit na bagay ay maaaring may malaking epekto sa iba. At upang makatulong sa mga taong dumaranas ng mga sintomas ng phobia.
[embed-health-tool-bmi]