backup og meta

Paano Nakakaapekto ang Galit sa Utak at Katawan? Alamin

Paano Nakakaapekto ang Galit sa Utak at Katawan? Alamin

Ang galit ay isang komplikadong emosyon. Ang pag-alam kung paano nakakaapekto ang galit sa iyong utak at katawan sa iba’t ibang paraan, ay maaaring makatulong sa iyo na maunawaan ang iba’t ibang physiological effects. Magbasa pa upang matuto nang higit pa tungkol sa mga epekto ng galit sa isip at katawan.

Paano Nakakapekto ang Galit?

Karamihan sa ating mga emosyon ay nagmumula sa bahagi ng utak na tinatawag na amygdala. Ito ay mga almond-shaped structure na malapit sa hippocampus, at matatagpuan sa bawat hemisphere o gilid ng utak. Ang isa sa mga function ng amygdala ay ang magpadala ng mga signal sa katawan sa panahon ng mga nakababahalang sitwasyon.

Kapag tayo ay nagagalit, ang amygdala ay nagsasabi sa mga muscles ng katawan na maging tense, na nagpapataas ng ating tibok ng puso, presyon ng dugo, at paghinga. Ibinabalin din nito ang lahat ng atensyon sa kung ano man ang ating ikinagagalit, na nagiging dahilan upang balewalain ang iba pang bagay.

epekto ng galit sa isip at katawan

Bukod pa rito, ang pagiging galit ay nakakapag-trigger din ng fight response, na nagiging sanhi para ang mga tao ay maging agresibo o palaban kapag sila ay galit. Ito ang dahilan kung bakit may mga taong maaaring labis na magalit na nakapagsasabi o nakagagawa pa ng mga bagay na pagsisisihan nila sa huli.

Pagkatapos magalit, ang ating katawan ay nagsisimulang kumalma muli. Gayunpaman, ang proseso ay hindi bilis.ganun kabilis. Maaaring tumagal ng ilang sandali para makabawi ang isang tao mula sa pagtaas ng estado habang siya ay nagagalit, kung minsan ay mga oras o kahit na mga araw ang tinatagal, at sa ganitong estado, ang mga tao ay maaaring maging iritable at madaling magalit muli.

Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na wala tayong magagawa sa ating galit. Tulad ng ibang emosyon, maaaring matutuhang kontrolin ang galit at pamahalaan ito.

Ano ang Epekto ng Galit sa Isip at Katawan

Ngayon na mayroon na tayong ideya kung ano ang nangyayari kapag tayo ay galit, nararapat naman nating malaman ang mga epekto ng galit sa isip at katawan. 

epekto ng galit sa isip at katawan

Narito ang ilang mga bagay na maaaring mangyari sa katawan kung palagi kang galit:

Sakit ng ulo

Isa sa karaniwang epekto ng galit sa isip at katawan ay ang pananakit ng ulo. Nangyayari ito dahil ang mga muscles sa ulo at leeg ay na-tetense, na umaanot sa pagiging tension headache. 

Ang mga taong laging galit ay mas madaling kapitan ng migraine. Ito ay dahil ang galit at stress ay kilalang mga trigger ng migraine. Kung kaya, ang patuloy na galit ay maaaring maging sanhi na mas madalas na pagkakaroon ng migraine.

Insomnia

Ang insomnia ay isa pang epekto ng galit sa isip at katawan. Inilalagay ng naturang emosyin ang iyong katawan sa isang mas mataas na estado, at nagiging sanhi ng tensyon at pagiging mas alerto at handang lumaban.

Ito ay nagreresulta sa maraming stress, na maaaring maging mahirap para sa isang tao na makatulog. Natuklasan ng mga pag-aaral na ang mga taong mas madalas magalit ay mas madaling magkaroon ng mga gabing walang tulog kumpara sa mga taong hindi naman madalas nakararamdam ng galit.

Mataaas na presyon ng dugo

Sa tuwing ang isang tao ay nagagalit, ang kaniyang puso ay nagbobomba ng mas maraming dugo sa kaniyang katawan, at pinapataas ang kaniyang presyon ng dugo. Karaniwan, hindi ito dapat maging problema dahil kapag nawala ang galit, ito ay bababa.

Ngunit kung ang isang tao ay patuloy na nagagalit, maaari siyang magdusa sa mga negatibong epekto ng mataas na presyon ng dugo kaysa sa iba. Nangangahulugan ito na sila ay mas madaling kapitan ng stroke, atake sa puso, namuong dugo, at iba pang mga problema na mayroon ang mga taong may altapresyon.

Depression

Ang isa pang epekto ng galit sa isip at katawan  ay maaari kang maging mas madaling kapitan ng depression. Ito ay dahil ang galit ay nagiging sanhi ng paggawa ng iyong katawan ng cortisol, na siyang tinuturing bilang stress hormone. Binabababa ng mataas na cortisol levels ang serotonin sa iyong katawan o ang tinatawag na “happy hormone.”

Dahil dito, ang mga taong laging nagagalit ay nagiging mas madaling magkaroon ng depression dahil mayroon silang mas mababang serotonin levels.

Mga problema sa short-term memory

Ang isa pang epekto ng cortisol ay maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng mga neuron sa hippocampus. Ang hippocampus ay siyang responsable para sa short-term memory, pati na rin ang paglikha ng mga bagong alaala.

Nangangahulugan ito na ang mga taong laging nagagalit ay maaaring maging mas madaling kapitan ng short-term memory loss sa paglipas ng panahon.

Key Takeaways

Ang galit ay maaaring magkaroon ng maraming pangmatagalang epekto sa isip at katawan ng isang tao. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang panatilihing kontrolado ang iyong galit, at huwag mag-atubiling humingi ng tulong kung sa tingin mo ay mayroon kang anumang mga isyu sa naturang komplikasong emosyon. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Mental Issues dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anger – how it affects people – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/anger-how-it-affects-people#:~:text=Physical%20effects%20of%20anger,-Anger%20triggers%20the&text=The%20brain%20shunts%20blood%20away,mind%20is%20sharpened%20and%20focused.

How Anger Affects the Brain and Body [Infographic] – Personal Excellence, https://personalexcellence.co/blog/anger-infographic/

How Anger Affects Your Brain and Body, https://parenthubdonegal.ie/wp-content/uploads/2020/08/NICABM-InfoG-Anger-Part3-Color.pdf

How anger affects your brain and body | Best practice for anger management – The Middle Way Meditation Institute, https://mmipeace.org/blog/how-anger-affects-your-brain-and-body-best-practice-for-anger-management/

Physiology of Anger, https://www.mentalhelp.net/anger/physiology/

Anger in brain and body: the neural and physiological perturbation of decision-making by emotion, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4692323/

Anger Management | Harvard Medicine magazine, https://hms.harvard.edu/magazine/science-emotion/anger-management

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagtulong sa taong nagluluksa: Paano Ito Gagawin?

Sintomas ng Personality Disorder: Mga Pangunahing Kaalaman


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement