backup og meta

Epekto Ng Body Shaming Sa Mental Health, Ano Nga Ba?

Epekto Ng Body Shaming Sa Mental Health, Ano Nga Ba?

Hindi biro ang epekto ng body shaming sa mental health. Madalas nating naririnig ang mga mapang-asar na pahayag tungkol sa pisikal na anyo ng isang tao. Habang nasasaksihan natin ang mga bully sa kanilang humiliating comments. Lalong mas lumalaganap ang mga negatibong epekto ng body shaming. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano nakakaapekto ang body shaming sa kalusugan ng isip ng biktima.

Ano ang body shaming?

Ang body shaming ay isang uri ng pambu-bully, isang act o gawi ng pagpapahiya sa isang tao dahil sa kanilang pisikal na anyo.

Maraming tao ang binu-bully dahil sa kanilang laki at hugis. Ngunit pakitandaan na ang ilan ay nakakaranas ng body shaming dahil sa kanilang iba pang pisikal na katangian.

Nangyayari ang body shaming sa maraming paraan; direct at mild. Ang mga halimbawa ng body shaming ay kinabibilangan ng:

  • Pagsukat ng isang tao sa halaga at kakayahan ng isang indibidwal batay sa kanilang pisikal na anyo.
  • Pagpuna o criticize sa isang tao sa pamamagitan ng paghahambing ng kanilang mga katangian sa ibang tao.
  • Ang paghusga sa isang tao ayon sa kanilang style. Dahil hindi ito nababagay sa kanila o hindi ito “flattering.”

Ano ang mga epekto ng body shaming sa kalusugan ng isip?

Bagama’t pinupuntirya ng body shaming ang pisikal na anyo ng tao. Makikita na ang mga epekto nito ay umaabot sa mental at emosyonal na aspeto. Narito ang list sa kung paano nakakaapekto ang body shaming sa kalusugan ng isip ng mga biktima:

Pinatataas nito ang stress levels at psychiatric orders

Ayon sa isang pag-aaral ang mga taong nakaranas ng diskriminasyon. Partikular sa timbang ay 3.21 beses na mas malamang na mag-ulat ng highest level of perceived stress.

Bukod dito, ayon sa konklusyon ng mga researcher. Ang mga kalahok na nakakaranas ng diskriminasyon. Tungkol sa kanilang timbang ay 2.41 beses na mas malamang na ma-diagnose na may higit sa 3 psychiatric disorder. Sinasabi na ang disorders na ito ay maaaring makaapekto sa kanilang kalooban (depresyon), pagkabalisa, o substance use.

Maaari itong humantong sa panlipunang pagkabalisa o social anxiety

Ang mga taong nakakaranas ng sa pampublikong pambu-bully ay nagpapataas ng insecurities ng isang tao. Nagreresulta ito sa mababang imahe sa sarili at self-concept. Kung saan apektadong pareho— ang pagtingin kung paano nakikita ang sarili. At paano sila nakikita ng iba. Madalas sa kanilang kagustuhan na maiwasan ang mga nakakahiyang sitwasyon. Mapapansin na ang mga taong nakakaranas ng body shaming ay maaaring ihiwalay ang kanilang sarili. Pwede ring humantong sila sa pag-iwas sa social interactions.

Epekto ng body shaming: Pinapataas nito ang mga sintomas ng depresyon

Isa pa sa mga nakakalungkot ng epekto ng body shaming sa mental health ay pagpapataas nito ng mga sintomas ng depresyon.

Sa isang pag-aaral na pinamagatang, Weight Shame, Social Connection, and Depressive Symptoms in Late Adolescence. Tiningnan ng researchers ang mga epekto ng body shame sa mga depressive level ng 1,443 first-year college students.

Gamit ang questionnaires, sinukat ng investigators ang pagiging bukas ng mga kalahok sa pakikipagkaibigan. Maging ang kanilang pagkahiya sa publiko dahil sa takot sa diskriminasyon sa timbang. Ang mga mananaliksik ay nag-gather ng data sa subject’s overweight status at maging sa kanilang depressive levels.

Ipinapakita ng resulta na ang mga overweight at obese na nakakaranas ng body shaming ay may mataas na depression symptoms. Nahihirapan din silang bumuo ng friendships, na lalong nagpapataas ng risk ng depresyon.

Epekto ng body shaming: Maaaring mapataas nito ang panganib ng pagpapakamatay

Bagama’t kulang tayo sa clinical research sa direktang kaugnayan. Sa pagitan ng body shaming at risk ng suicide, may ilang pag-aaral na nagpapahiwatig ng koneksyon.

Halimbawa, sa isang pananaliksik nagkaroon ng konklusyon na ang kabataang sobra sa timbang. Ang mas malamang na sumubok ng pagpapakamatay. Ayon sa lead author na si Monica Swahn, Ph.D., ipinaliwanag niya na ang kabataan ay nakakaramdam ng matinding pressure. Pagdating sa pag-angkop sa ilang beauty ideals.

Bukod pa rito, huwag nating kalimutan na ang mga taong obese at overweight ay may mas mataas na risk na makaranas ng depresyon. Isang malaking risk factor para sa pagtatangka o pagpapakamatay.

Maaaring magdulot ito ng mga karamdaman sa pagkain at/o labis na katabaan

Panghuli, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang isa sa mga epekto ng body shaming sa mental health ay pagkakaroon ng eating disorders at obesity.

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga taong obese at overweight ay maaaring kumain nang sobra. Dahil sa stress ng weight stigma o diskriminasyon. Ang labis na pagkain ay nagreresulta sa alinman sa difficulties sa pagpapababa ng timbang at pagtaas ng obesity risk. Para sa kadahilanang ito, maraming eksperto ang naniniwala na ang weight stigma ay nagpapalakas ng “vicious cycle”. Kung saan pinipigilan ng diskriminasyon ang pagbaba ng timbang at nagpro-promote ng karagdagang pagtaas ng timbang. At kinalaunan ito ang nagiging dahilan ng diskriminasyon sa timbang.

Sa ibang mga kaso, ang mga taong nakakaranas ng body shaming ay maaaring magkaroon ng eating disorders tulad ng anorexia. Ito ang pagtanggi sa pagkain, o bulimia. Kung saan ang isang tao ay kumakain ng maraming pagkain (binge) at pagkatapos ay pinipilit ang kanilang sarili na sumuka mamaya (purge).

Makikita na ang mga pasyenteng dumaranas ng eating disorder. Ang madalas na naniniwala na ang pagkontrol sa kanilang pagkonsumo ng pagkain ay maaaring magbago ng kanilang hitsura. At dahil doon maiiwasan ang body shaming.

Mga Dahilan ng Eating Disorders: Higit pa Ito sa Extreme Dieting

Ano ang gagawin mo kung nakaranas ka ng body shaming?

Sabi ng mga eksperto, ang body shaming ay isang uri ng bullying. Ang pinakamahusay na paraan para harapin ito ay pagpapanatili ng sariling kalusugan sa positibong paraan. Upang mabawasan ang mga epekto ng body shaming sa mental health. Maaari mong isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang:

  • Huwag tanggapin ang body shaming comments internally. Matutong tanggapin at mahalin ang iyong katawan at magpasalamat dito.
  • I-call out ang bullies, ipaalam sa kanila na ang mga komento ay nakakasakit at nakaka-offend sa’yo.
  • Manindigan para sa iba na nakakaranas ng body shaming. Halimbawa, kung makakita ka ng mga post ng body shaming sa social media. Maaari mo itong iulat o i-flag para sa hindi naaangkop na content.
  • Bumuo ng network ng suporta kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan. O organisasyon sa body image at self-concept.
  • Ibahagi ang iyong mga damdamin at karanasan sa figures of support.

Kung gusto mong magbawas ng timbang. Huwag hayaang makaapekto sa’yo ang body shaming comments. Tandaan na sinusubukan mong magbawas ng timbang para sa’yong sarili dahil gusto mong maging mas malusog.

Tandaan, kung ang mga epekto ng body shaming sa mental health ay hindi mo na kayang i-manage. Makipag-ugnayan sa isang tagapayo o therapist na gagabay sa’yo sa pamahalaan ang iyong mga emosyon.

Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Kalusugan ng Pag-iisip dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Weight Shame, Social Connection, and Depressive Symptoms in Late Adolescence
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5981930/
Accessed November 16, 2020

Overweight, obesity, and depression: a systematic review and meta-analysis of longitudinal studies
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/20194822/
Accessed November 16, 2020

A systematic review of variables associated with the relationship between obesity and depression
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23809142/
Accessed November 16, 2020

Associations Between Perceived Weight Discrimination and the Prevalence of Psychiatric Disorders in the General Population
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1038/oby.2009.131
Accessed November 16, 2020

Associations Between Perceived Weight Discrimination and the Prevalence of Psychiatric Disorders in the General Population
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1038/oby.2009.131
Accessed November 16, 2020

Teens Who Think They’re Overweight More Likely To Try Suicid
https://www.sciencedaily.com/releases/2009/05/090520064349.htm
Accessed November 16, 2020

Body Shaming: It’s Affect on Young & Old
https://claritychi.com/body-shaming-in-elderly/
Accessed November 16, 2020

Weight stigma is stressful. A review of evidence for the Cyclic Obesity/Weight-Based Stigma model
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24997407/
Accessed November 16, 2020

How weight-shaming can lead to serious eating disorders
https://news.llu.edu/health-wellness/how-weight-shaming-can-lead-serious-eating-disorders
Accessed November 16, 2020

Body Shaming
https://anad.org/education-and-awareness/body-image/body-image-articles/body-shaming/
Accessed November 16, 2020

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Personality Disorder: Mga Pangunahing Kaalaman

Paano Nakakaapekto ang Galit sa Utak at Katawan? Alamin


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement