Ang anxiety o pagkabalisa ay isang natural na tugon sa stress, at maaaring maging kapaki-pakinabang sa pagtulong sa iyong makilala at maprotektahan ang iyong sarili mula sa mapanganib na sitwasyon. Ngunit kapag ito ay paulit-ulit at sukdulan na, maaari itong maging isang anxiety disorder. Dahil dito, mas nagiging malalim ang epekto ng anxiety sa katawan. Hindi lamang ito makakaapekto sa iyong mental health at pang-araw-araw na buhay, maaari itong magpakita ng mga pisikal na sintomas.
Ilan sa mga karaniwang sintomas ng pagkabalisa ay kinabibilangan ng:
Ang mga sintomas na ito ay kadalasang kusang nawawala habang ang katawan ay huminahon at humihinto sa kanyang fight-or-flight response. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang anxiety ay nagiging isang pangmatagalang kondisyon.
Maaaring mahirapan ka magsagawa ng mga normal na gawain at magmistulang napipilitan ka lang maakipag-ugnayan sa mga tao sa paligid kung ikaw ay patuloy na nakararamdam ng takot at pangamba. Ang chronic anxiety ay negatibong nakakaapekto sa kalidad ng buhay, at maaaring mangailangan ng espesyal na medikal na paggamot.
Hindi tulad ng mga normal na pakiramdam ng pagkabalisa, ang mga anxiety disorders ay isang seryosong psychiatric concern dahil maaari itong maging paulit-ulit.
Kapag hindi nagamot, maaaring lumala ang kondisyon at humantong sa mapanirang pag-uugali tulad ng substance abuse at self-harm. Naghahanap din ng mga katibayan mula sa mga pag-aaral kung paano ang hindi paggamot ng naturang kondisyon ay nauuwi sa iba’t ibang epekto ng anxiety sa katawan na siyang nagiging tunay na dahilan para sa ilang mga malalang sakit.
Ano Ang Mga Epekto Ng Anxiety Sa Katawan?
Epekto Ng Anxiety Sa Immune System
Kapag nakaranas ang katawan ng stress, naglalabas ito ng hormone na tinatawag na cortisol upang pigilan ang pamamaga. Sa maikling panahon, nagbibigay ito sa katawan ng pansamantalang immunity boost. Gayunpaman, ang anxiety at depression ay nagdudulot ng mataas na antas ng pamamaga.
Ang paulit-ulit na stress, tulad ng nararanasan ng may mga anxiety disorders, ay nangangahulugan ng pangangailangan ng katawan ng patuloy na pamahala sa pamamaga at labis na pagpapagana ng immune system.
Ang bilang ng lymphocyte ng katawan ay nababawasan din buhat ng mataas na antas ng stress. Pinoprotektahan ng mga white blood cell na ito ang katawan laban sa mga impeksyon, kaya ang mas kaunting mga numero ay nangangahulugan na ang katawan ay may mas kaunting depensa laban sa mga impeksyon.
Hindi lamang ito nangangahulugan ng mas mataas na pagkakataong magkaroon ng sakit, maaari rin nitong ikompromiso ang kakayahan ng katawan na pagalingin at ayusin ang sarili nito, na nagreresulta sa mas mahabang panahon ng paggaling.
Epekto Ng Anxiety Sa Cardiovascular Health
Alam mo ba kung anong epekto ng anxiety sa katawan? Partikular na sa iyong cardiovascular system?
Hindi ka dapat magulat kung ang iyong puso ay tila nakikipagkarera at kumakabog ang iyong dibdib kapag ikaw ay nababalisa. Ang sensasyon ay mula sa pagtatangka ng katawan na pataasin ang daloy ng dugo sa utak. Ang pagtugon sa stress na ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng pagiging alerto, maging ang mental acuity.
Patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang ugnayan sa pagitan ng anxiety at sakit sa puso ngunit hindi bababa sa isang pag-aaral ang nagpapakita na ang mga pasyente na may anxiety disorder ay 59% na mas malaking posibilidad na makaranas ng atake sa puso kaysa sa mga hindi.
Ang mga biglaang pagbabago sa daloy ng dugo ay maaari ring maging sanhi ng pag-unlad ng altapresyon at iregular na ritmo ng puso tulad ng tachycardia (mabilis na heart rate). Ang pamamaga ay nagpapahina rin sa mga ugat ng ugat at nagiging mas madaling kapitan ng coronary plaque buildup.
Epekto Ng Anxiety Sa Gastrointestinal Health
Upang maisulong ang sirkulasyon sa utak, ang katawan ay aktwal na idinederekta ang daloy ng dugo mula sa mas mababang mga organ, kabilang ang digestive tract. Pansamantala nitong pinapahinto ang normal na mga tungkulin, na maaaring magresulta sa mga problema tulad ng pananakit ng tiyan at pagtatae.
Ipinapalagay na mayroong gut-brain link na nangyayari, at ang anxiety ay may mahalagang papel sa mga gastrointestinal issues.
Ito ay dahil sa kung paano ito nakakaapekto sa gut bacteria at ang paggawa ng mga acid sa tiyan. Maaari itong humantong sa mga malalang problema tulad ng irritable bowel syndrome (IBS), gastroesophageal reflux disease (GERD), at mga ulser sa tiyan.
Epekto Ng Anxiety Sa Musculoskeletal System
Ang pagduduwal at acid reflux ay mga pagtugon sa stress na nararanasan mo sa digestive tract, ngunit ang tunay na dahilan ng mga ito ay nakasalalay sa tensyon sa muscle. Ito rin ang parehong dahilan kung bakit maaaring manginig ang iyong mga kamay o maaaring mabaluktot ang iyong mga tuhod kapag nababalisa ka.
Ang mga muscles ay may posibilidad na mag-contract upang mabawasan ang pinsala at sakit na maaaring magresulta mula sa isang nakababahalang sitwasyon. Gayunpaman, pagkatapos ng ilang mga episodes na dulot ng anxiety disorder, ang mga muscles ay maaaring hindi makapagpahinga. Bukod sa pananakit ng mababang parte ng likod, maaari rin itong maging sanhi ng pananakit ng ulo at migraine.
Epekto Ng Anxiety Sa Respiratory System
Ang anxiety ay maaaring mag-trigger ng asthma attack at pati na rin magpalala ng mga sintomas nito. Ang karaniwang pagkahingal na nararanasan ng mga taong nababalisa ay resulta din ng pamamaga at paninikip ng mga breathing airways. Ito ay natutulad din sa kung ano ang nangyayari sa panahon ng isang asthmatic episode.
Para sa mga may chronic obstructive pulmonary disease (COPD), mayroong karagdagang hamon sa pagkawala ng elasticity ng baga. Ang mga baga ay hindi makapag-imbak ng hangin sa buong kapasidad nito at hindi rin nito mailalabas nang buo. Bilang resulta, hindi nagiging maayos ang paghinga. Kung kaya, medyo karaniwan ang pagkakaroon ng anxiety sa mga taong may COPD.
Epekto Ng Anxiety Sa Reproductive System
Kapag ikaw ay binubuo ng pakiramdam ng pagkatakot at tila nalalapit sa kapahamakan, marahil malayo sa iyong isipan ang pakikipagtalik. Ang pagkabalisa ay maaaringmagkaroon ng pangmatagalang epekto sa parehong sex drive at physical arousal.
Bukod sa pagiging sanhi ng kawalan ng interes sa sekswal na aktibidad, ang mga lalaki ay maaaring makaranas ng erectile dysfunction at ang mga babae naman ay maaaring makaranas ng vaginal dryness o reduced lubrication. Sa ilang mga kaso, ang mga kababaihan ay maaari ring makaranas ng sakit sa panahon ng pakikipagtalik.
Ang epekto ng anxiety sa katawan ay umaabot din sa fertility ng kababaihan. Ang mga hamon sa pagbubuntis ay maaaring pagmulan ng stress, ngunit pinag-aaralan din ng mga mananaliksik kung ang pagkabalisa ang dahilan ng mababang pregnancy rates. Gayunpaman, walang katibayan para sa paniniwalang ang stress ay maaaring maging sanhi ng pagkakunan.
Kahit na ang anxiety ay itinuturing na isang isyu sa mental health, ang maraming paraan na maaari itong makaapekto sa normal na paggana ng katawan ang naggigiit na ito ay isang medikal na alalahanin na dapat seryoso at buong matugunan.
Higit pa sa paggamot sa mga sintomas ng mga anxiety disorders, mahalagang maging maingat para sa iba pang mga sintomas. Ang pagsisiwalat ng mga diagnosis na nauugnay sa anxiety ay maaari ring makatulong sa paggamot sa iba pang mga sakit.
Alamin ang iba pa tungkol sa Mabuting Pag-iisip dito.