Maraming naghahangad ng natural na gamot sa anxiety. Dahil walang sinuman ang nasisiyahan sa pakiramdam ng pagkabalisa. Bagama’t hindi natin ito laging maiiwasan, may mga paraan para mabawasan ang mga sintomas ng pagkabalisa. Subukan ang mga natural remedies na ito para sa pagkabalisa sa susunod na makaramdam ka ng nerbiyos at stress.
Mga Natural Na Gamot Sa Anxiety
1. Tsaa
Makikita na ang parehong mga herbal at berdeng tsaa ay nakakatulong sa pagkabalisa. Ang herbal na tsaa— lalo na ang chamomile tea ay may nakapapawi at nakakalmang epekto. Kung nahihirapan kang makatulog dahil sa anxiety. Maaaring gamitin ang chamomile tea sa problema. Ang ginseng tea ay may adaptogens na makakatulong sa’yong mas mahusay na makayanan ang stress at pagkabalisa.
Naglalaman naman ng antioxidant ang green tea. Kung saan binabawasan nito ang mga inflammatory responses. Kaya makakatulong ito para bawasan ang ilan sa mga epekto ng anxiety at stress. Gayunpaman, ang black tea at iba pang uri nito ay maaaring maglaman ng maraming caffeine na pwedeng makapagpalala ng anxiety. Manatili sa green o white tea para sa higit pang mga benepisyo ng mas kaunting caffeine.
2. Natural Na Gamot Sa Anxiety: Omega-3
Taliwas sa maraming diet myth, dapat pa rin tayong kumain ng taba. Gayunpaman, best na mag-stick pa rin sa unsaturated o “good” fat. Para maiwasan ang masamang epekto sa kalusugan. Ang omega-3 fatty acids ay lalong mabuti para sa ating utak at sa ating kalooban. Bilang karagdagan, ang ganitong uri ng taba ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng bad cholesterol LDL.
Ang mga mapagkukunan ng omega-3 ay kinabibilangan ng:
- Salmon
- Bagoong
- Sardinas
- Mackerel
- Walnuts
- Avocados
- Soybeans at langis
- Flaxseed at oil
- Sesame seeds at mantika
- Fish oil supplements
3. Magkaroon Ng Regular Na Iskedyul
Ang mga damdamin ng pagkabalisa ay madalas na sinasamahan ng stress mula sa external sources. Mayroong paraan upang mabawasan ang stress at pagkabalisa. Ito ay sa pamamagitan ng pag-iwas at pagpaplano nang maaga. Ang pagma-map sa’yong araw at pananatili sa isang regular na iskedyul ay maaaring makatulong na malinawan ang iyong isip. At mabawasan ang mga kawalan ng katiyakan o uncertainties. Bilang karagdagan, ang pagsasanay ng isang regular na iskedyul ng pagtulog at pagkain ay nagsasanay sa’yong katawan. Para umangkop sa stress ng mas mahusay kaysa sa hindi regular patterns.
4. Natural Na Gamot Sa Anxiety: Aromatherapy
Ang pang-amoy, tulad ng iba nating senses ay may papel sa kung paano natin pinoproseso ang mga kaisipan at karanasan. Masasabi na ang ilang mga amoy ay nakakatulong para maalala ang mga masasayang alaala sa isang iglap. Kasama sa mga halimbawa ang mga bagong lutong cookies na nagpapaalala sa ating kabataan. O mga delicate flowers nagbibigay ng mga alaala sa isang espesyal na okasyon.
Makikita na ang aromatherapy ay isang paraan ng paggamit ng mga pabango. Para i-promote ang pagpapahinga at pagbutihin ang iyong mood. Ito ang isang dahilan kung bakit maraming mga spa at massage parlor ang gumagamit ng essential oils.
5. Natural Na Gamot Sa Anxiety: Panatilihing Mainit Ang Iyong Sarili
Maglaan ng ilang sandali para isipin kung kailan ka huling nag-relax at nakaramdam ng kapayapaan. Ang pag-iisip mo habang nasa beach, pagiging komportable sa kama habang umuulan. Pagkain ng mga bagay na ginawa ng iyong lola. Ito ay mga halimbawa ng karaniwang senaryo na nakapagbibigay sa isang tao ng mainit na pakiramdam.
Masasabi na ang pagpapanatiling kontrolado ang temperatura ng iyong katawan ay isang paraan upang mabawasan ang anxiety. Kapag nilalamig tayo, maaari itong mag-trigger ng stress response at magpapa-tense din sa’ting mga kalamnan. Sa kabilang banda, ang init naman ang nagpapadama sa’tin na mas ligtas tayo. At mas masaya ang bawat tao na maaaring nagmula sa panahon natin. Bilang isang bagong panganak sa mga bisig ng ating ina.
Ito ang warming techniques na maaari mong gamitin kapag nakakaramdam ka ng pagkabalisa:
- Magsuot ng sweater o nakakatuwang medyas
- Gumamit ng comforter o weighted blanket
- Ang paglalakad o pag-jogging sa labas
- Mga maiinit na paliguan (kung saan dapat may mabango na sabon at essential oils hangga’t maaari)
- Kumain ng sopas o uminom ng mainit
- Yakapin ang isang kaibigan o minamahal
- Yakapin ang iyong alaga
- I-draw ang kurtina o mga blind para makapasok ang natural na sikat ng araw
Pagkain Na Dapat Iwasan
Kung mayroong mga natural na gamot sa anxiety. Dapat mo ring iwasan ang ilang pagkain at halamang gamot para maiwasan ang paglala ng pagkabalisa. Karamihan sa mga ito ay maayos naman sa pag-intake ng katamtaman. Ngunit pinakamahusay na iwasan ang mga ito habang ikaw ay nakakaramdam ng anxiety.
1. Caffeine
Ang caffeine ay isang stimulant substance na nagpapataas ng alertness at metabolism. Kadalasan, nakukuha ng mga tao ang kanilang caffeine fix mula sa kape, tsaa, at mga inuming pang-enerhiya. Dahil ang caffeine ay nagdudulot ng excitability. Maaari itong magpalala ng mga sintomas ng pagkabalisa. Iwasan ang pag-inom ng kape o iba pang mga inuming may caffeine bago gumawa ng mga aktibidad na nagkapagpapakaba sa’yo. Tulad ng pagsusulit o pampublikong pagsasalita.
2. Alcohol
Para sa ilang mga tao, ang alak ay maaaring “nakakarelax“ pagkatapos ng isang mabigat na araw. Ang alkohol ay nagpapalawak ng mga daluyan ng dugo at binabawasan ang inhibition. Ilang minuto pagkatapos uminom, maaari kang maging komportable o “buzzed”. Gayunpaman, ang labis na alkohol sa napakatagal na panahon ay maaaring magkaroon ng kabaligtaran na epekto. Mayroong katibayan na nagpapakita na ang alkohol ay maaaring baguhin ang istraktura at paggana ng utak. Bilang karagdagan, ang adiksyon sa alkohol ay maaaring magresulta sa mga sintomas ng withdrawal. Kung saan maaaring magdulot ito ng pagpapalala ng mga karamdaman sa pagkabalisa.
3. Matamis Na Pagkain
Ang asukal ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng katawan. Bagama’t kinakailangan, dapat iwasan ng mga tao ang pag-intake ng labis na asukal. Sapagkat ang sugar ay maaaring magdulot ng spike sa blood sugar. Kung saan maaari itong mag-lead sa sugar crash.
Sa una, ang asukal ay maaaring maging mas masigla at awake. Gayunpaman, maaari itong maging sanhi ng labis na excitement at lumala ang mga sintomas ng pagkabalisa. Pagkatapos, maaaring magkaroon pa ng mga depressing effect. Kapag nakapasok na ang insulin, na nagpaparamdam sa’yo ng pagkamatamlay at pagod.
4. Matabang Pagkain
Panghuli, ang mga diyeta na mataas sa saturated fat at cholesterol ay hindi lamang nagpapataas ng iyong panganib ng cardiovascular disease at obesity. Maaari rin itong makaapekto sa iyong mood. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang long-term consumption ng hindi malusog na taba ay maaaring bawasan. Ang volume ng certain areas ng utak. Nagdudulot ito ng kapansanan sa paggana ng utak sa mga tuntunin ng memorya at regulasyon ng mood.
Bagama’t ang fast food at junk food ay maaaring maging comfort food para sa ilang mga tao. Ito ay pinakamahusay na kainin sa katamtaman na paraan.
Key Takeaways
Sa buod, maraming natural na gamot sa anxiety na maaaring subukan. Ang mga remedyo na ito ay medyo simple at madaling ma-access. Gayunpaman, ang mga remedyo na ito lamang ay hindi magpapagaling sa sanhi ng iyong pagkabalisa. Ito ay magpapagaan lamang ng ilang mga sintomas. Kung sa tingin mo ay palagi kang nababalisa o naapektuhan ng pagkabalisa ang iyong pang-araw-araw na buhay. Makipag-usap sa isang doktor o psychologist para sa tulong.
Matuto pa tungkol sa Anxiety Disorder dito.