backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Benepisyo Ng Pito-Pito Sa Kalusugan, Anu-Ano Nga Ba?

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD · Pharmacology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    Benepisyo Ng Pito-Pito Sa Kalusugan, Anu-Ano Nga Ba?

    Kahit na kilala ang  maraming herbal medicine sa Pilipinas— hindi alam ng lahat ang benepisyo ng pito-pito. Sa katunayan, walang halaman na pinangalanang pito-pito at hindi naman talaga ito isang halaman.

    Mga Benipisyo ng Pito-pito

    Ang Pito-pito ay kumbinasyon ng pitong halamang gamot at buto. Kabilang dito ang bayabas, mangga, alagaw, pandan, banaba, buto ng anis, at buto ng kulantro.

    Karaniwan, ang mga dahon at herbs ay hinahalo sa isang tsaa. Ngunit dahil sa kasikatan nito, maaaring makita ito sa tea packets na naglalaman ng pito-pito.

    Ano ang mga sangkap ng pito-pito?

    Bago natin talakayin ang pito-pito sa kabuuan, mahalagang malaman ang tungkol sa mga constituents nito:

  • Ang Banaba ay available sa buong Southeast Asia— at ang mga dahon nito ay beneficial para sa mga may diabetes. Dahil maaari nilang mapababa ang blood sugar levels.
  • Ang Alagaw ay hindi gaanong sikat kumpara sa iba pang mga halamang gamot. Ngunit ang mga dahon nito ay may promising antibacterial properties. Ito ang dahilan kung bakit madalas itong ginagamit bilang bahagi ng paghuhugas ng katawan.
  • Ang dahon ng bayabas ay kadalasang ginagamit sa paggamot ng mga sugat. Ngunit sa kasalukuyan, ang bayabas ay pinupuri rin. Dahil sa kakayahan nitong i-promote ang kalusugan ng puso at panunaw. Nakakapagpababa din ito ng blood sugar katulad ng epekto ng banaba.
  • Bagama’t iilan lamang ang nakakaalam na ang dahon ng mangga ay highly beneficial. Ang dahon ng mangga ay maaaring makatulong sa paggamot sa diabetes, at pagpapagaan ng sakit ng tiyan. Tulad ng dysenter— sa pamamagitan ng paggamot ng high blood pressure at pagpapaginhawa sa problema ng lalamunan.
  • Madalas idinadagdag ang pandan kapag nagluluto ng kanin (sinaing). Dahil sa nakakapreskong amoy nito. Subalit ang mga dahon nito ay kilala na may diuretic at anti-inflammatory properties.
  • Ang isa sa dalawang uri ng buto ng cilantro o coriander ay kilala sa kanilang antioxidant content sa pito-pito blend. Dahil may kakayahan itong tumulong sa indigestion ng pagkain. Maaari din ito makatulong sa paglaban sa kanser.
  • Makakatulong din ang star anise seeds sa paggamot sa mga sintomas ng trangkaso gayundin sa ubo at sipon.
  • Ang Pinakakilalang Gamit ng Pito-pito

    Safe sabihin na ang individual properties ng bawat sangkap ay carried over sa pito-pito blend.

    Kaya makakatulong ito sa diabetes at altapresyon. 

    Nakakatulong ito sa paggamot sa ubo at sipon, pati na rin sa trangkaso

    Dahil sa health-boosting at antimicrobial properties, tinutulungan ng pito-pito na itaboy ang mga pathogen na maaaring magdulot ng ubo, sipon, at trangkaso.

    Bukod pa rito, ang anti-inflammatory property ng blend ay nakakatulong na mapawi ang sakit na dulot ng pamamaga ng lalamunan at sakit ng ulo.

    Benepisyo ng Pito-pito: Nagpro-promote ng digestive health

    Kapag blinend ito sa tsaa, ang pito-pito ay magiging isang magandang digestive tonic. Kung saan tumutulong ito sa katawan na ma-break down ang pagkain.

    Nakakatulong ito sa paggamot sa respiratory conditions

    Ang anti-inflammatory properties ng pito-pito ay maaaring makatulong sa pag-reduce ng pamamaga. Sa ilang most common respiratory system problems, tulad ng hika.

    Mga Pag-iingat at Babala

    Dahil ang pito-pito ay isang blend, mangyaring tandaan ang mga sumusunod na paalala:

    Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Pito-pito?

    Maaaring mag-iba ang mga sangkap ng pito-pito blend kung pipiliin mong bilhin ang commercially prepared tea packets.

    Ang mainstays ay madalas ang mga dahon, mangga, bayabas, alagaw, pandan, at banaba. Minsan ang buto ay pinapalitan ng Tsaang gubat at papaya.

    Sa ibang paghahanda, isa o dalawa sa mga dahon ang pinapalitan ng kaimito o dahon ng pinya. Dahil dito, palaging tingnan ang constituents ng tea bags na binili mo.

    Gaano kaligtas ang Pito-pito?

    Sa pangkalahatan, ligtas ang pito-pito basta’t inumin mo ito in moderation at ayon sa instruction.

    Mga Espesyal na Pag-iingat at Babala

    Bagama’t sa pangkalahatan ay ligtas ito. Huwag kalimutang tukuyin kung ikaw ay may allergy sa alinmang components ng pito-pito blend. Ang posibilidad ay bihira, ngunit naroroon pa rin ito.

    At siyempre, kapag nagpaplanong uminom ng anumang uri ng halamang gamot. Komunsulta muna sa’yong pharmacist. Lalo na kung mayroon kang pre-existing na kondisyon sa kalusugan o kung ikaw ay buntis o nagpapasuso.

    Mga Side Effect at Interaksyon

    Kung umiinom ka ng anumang gamot o nananatili sa isang partikular na diet regimen. Kausapin muna ang iyong doktor bago inumin ang tsaa.

    Halimbawa, ang banaba ay sinasabing nakikipag-interact sa mga gamot sa diabetes. Dahil pinabababa rin nito ang blood sugar levels. Maaari itong humantong sa hypoglycemia (estado ng pagkakaroon ng mababang glucose sa dugo).

    Dosis at Forms

    Tandaan na ang mga paghahanda ay sinadya para tumulong at mag-educate. Hindi upang palitan ang anumang payo na ibinigay ng iyong doktor.

    Benepisyo ng Pito-pito: Mga Paraan ng Paghahanda

    Sa ngayon, dalawa na lang ang paraan para kumuha ng pito-pito. Kung saan ihahanda ito nang sariwa sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga dahon at buto. O kaya’y bumili ng commercially prepared tea packets.

    Kung pipiliin mo ang una, kailangan mong mangolekta ng tig-7 piraso ng dahon ng mangga, bayabas, pandan, alagaw, at banaba. Para sa anise at coriander seeds, kailangan mong maghanda ng 2 kutsarita bawat isa.

    Ilagay ang lahat sa isang pot of water, na maaari mong ayusin depende sa kung gaano kalakas ang gusto mong maging tsaa. Pagkatapos ay pakuluan ito ng 30 minuto. Salain ang mga dahon at buto at enjoyin ang tsaa.

    Ang easier way siyempre, ay bumili ng tea bags. Para maghanda, sundin lamang ang package instruction. Subalit ang common way ay i-steep ang bag sa isang tasa ng mainit na tubig sa loob ng 3 hanggang 5 minuto. Pagkatapos ay alisin ang bag at mag-enjoy.

    Key Takeaways

    Ang Pito-pito ay isang mabisang blend para sa mga taong gustong gumaan ang kanilang paghinga at pagtunaw. Gayundin sa anumang sakit na maaaring nilang nararamdaman.
    Maaaring hindi madaling gumamit ng fresh ingredients sa paggawa ng tsaa. Dahil ang ilan sa mga dahon ay mahirap hanapin. Ngunit ngayon, may readily available na products na madaling makuha at madaling gamitin.
    Dahil maraming constituents ito, ligtas na gumawa ng malalim na pags-aaral sa mga ito kung plano mong regular mag-take ng pito-pito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Stephanie Nera, RPh, PharmD

    Pharmacology


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement