backup og meta

Anxiety Dahil Sa COVID, Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Anxiety Dahil Sa COVID, Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Maraming tao ang nagkaroon ng anxiety dahil sa COVID. Kaya’t ‘di nakapagtataka kung pinag-uusapan ng tao ang physical effects ng virus. Hindi na ito nakapagtataka— dahil takot ang mga tao na ma-infect. Kaugnay nito, makikita ang kahalagahan kung bakit kailangan pag-usapan ang tungkol sa mental effects ng coronavirus. Dahil ang mga tao ay natatakot at nagpapanic dahil sa mga nagaganap sa paligid kaugnay ng covid.

Para sa mga taong patuloy na nakikipaglaban sa anxiety dahil sa covid. Maging sa mga  taong may mga isyu sa kalusugan ng isip. Hindi maitatanggi na ang mga recent na kaganapan ay overwhelming. Kaya naman mahalagang malaman kung paano i-manage at pangalagaan ang iyong mental health sa panahon ng pandemya.

Ano Ang Mga Epekto Ng Anxiety Dahil Sa COVID?

Para sa maraming Pilipino, ang takot sa pagkakasakit ay isang mabigat na alalahanin. Ang pagkakasakit sa Pilipinas ay napakamahal. Maraming tao ang hindi mapigilang ma-stress sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila kapag mahawa sila ng COVID-19.

Ang pagiging positibo sa COVID-19 ay nangangahulugan na kailangan mong magpagamot at gumastos ng pera. Kung saan, karaniwang nakalaan ang perang ito sa iba pang mahahalagang bagay— tulad ng pagkain, mga bayarin, atbp.

Isa pang bagay na kinatatakutan ng mga tao tungkol sa COVID-19 ay ang kawalan ng kaalaman tungkol dito. Hanggang ngayon, walang kumpirmadong lunas o bakuna na maaaring makapigil sa mga tao na mahawa. Ang alam lang natin ay madali itong kumalat, at pinupuntirya nito ang mga pinakamahina na tao sa’ting populasyon.

Dahilan Ng Anxiety Ng Millennials

Maraming millennial ang nakakaramdam ng anxiety dahil sa covid. Masasabi na ang isa sa dahilan ng kanilang pagkabalisa ay dahil ang magulang nila ang pinaka-vulnerable. Ang pag-aalala nila kung mahahawa ba ng virus ang kanilang magulang ang isa sa dahilan ng anxiety nila. Makikita na ang ganitong klaseng kaisipan ang maaaring magdagdag sa mental effects ng coronavirus.

Para sa iba naman, ang pananatili sa tahanan ang dahilan ng kanilang frustration. Maaaring maramdaman ng tao ang pagiging “helpless”. Dahil wala silang magawa kundi ang manatili sa bahay at maghintay. Ang damdaming ito ay maaaring humantong sa tinatawag na “cabin fever”, mga damdamin ng pagkamayamutin, pagkabagot, at kawalan ng pag-asa.

Tandaan na ang chronic stress ay maaaring humantong sa maraming problema sa kalusugan. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang makilala ng tao ang mental effects ng coronavirus nang maaga.

Ang ilang mga tao ay nakakaramdam ng frustration. Dahil maaaring mayroon silang mga plano na kailangang kanselahin bilang resulta ng community quarantine. Sa social media, ang mga tao ay nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya. Tungkol sa maraming bagay, at karaniwan makakita ang mga tao na nagtatalo at nagiging mas palaban kaysa dati.

Para sa mga taong nahihirapan sa mental health issues, ang takot at mental effects ng coronavirus ay maaaring magdulot ng anxiety. Lalong mahirap ito para sa mga taong kailangang pumunta sa therapy, o hindi makabili ng mga iniresetang gamot para sa kanila.

Lahat ng mga bagay na ito ay maaaring magdulot ng stress sa mga tao. Ang chronic stress ay maaaring humantong sa maraming problema sa kalusugan. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang kilalanin ng mga tao ang mental effects ng coronavirus nang maaga. Para mas mahusay nilang ma-manage ito.

Anong Mga Senyales Ang Dapat Mong Abangan Para Sa Anxiety Dahil Sa COVID?

Narito ang ilan sa mga senyales na maaaring magpakita ng manifestation na nahihirapan ka sa mental effects ng coronavirus:

  • Mga pakiramdam ng takot, pagkabalisa, at pagpapanic
  • Nahihirapang matulog o manatiling kalmado
  • Pagkalito at/o kawalan ng kakayahan
  • Galit
  • Pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa lipunan
  • Masyadong pag-aalala tungkol sa’yong kalusugan

Anumang kumbinasyon ng mga damdaming ito ay maaaring makita. Habang lumalaganap ang pandemya. Pwedeng hindi mo ito mapansin nang maaga. Ngunit ang mga damdaming ito ay maaaring mabilis na madagdagan at makapinsala sa’yong mental health.

Hindi Dapat Balewalain Ang Mental Health Sa Panahon Ng Pandemya

Napakahalaga para sa mga tao na huwag balewalain ang kanilang kalusugan sa isip sa panahong ito. Bagama’t mahalaga ang pagpokus sa’yong pisikal na kalusugan. Ang stress at negatibong damdamin na nararamdaman ng tao. Sa panahon ng pandemya ay maaari ding maging sanhi ng kawalan ng tulog, difficulty sa pagkain at paglala ng chronic health problems. Maaari rin itong makaapekto sa relasyon sa ibang tao.

Ang pagpapabuti ng iyong kalusugan sa isip ay makakatulong sa’yong makayanan ang sitwasyon, at makakatulong sa iyong kontrolin ang iyong buhay.

Bagama’t ang COVID-19 ay isang seryosong panganib sa kalusugan. May mga paraan upang pigilan ang mental effects ng coronavirus. Tandaan na ang pagma-manage sa’yong takot at pagkabalisa, at pagsali sa mga aktibidad. 

Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin upang pamahalaan ang anumang negatibong damdamin o emosyon na maaari mong maranasan:

I-Regulate Ang Iyong Paggamit Ng Media

Ang sobrang exposure sa media ay maaaring magpalala ng anumang damdamin ng takot o pagkabalisa. Mapapansin din na ang anumang nakakabagabag na balita ay maaaring mag-trigger ng mga damdaming ito. Magpahinga mula sa panonood ng balita o pagpunta sa social media.

Dapat Gawin Sa Anxiety Dahil Sa COVID: Magpokus Sa Katotohanan

Iwasang magbasa o magbahagi ng fake news sa social media. Umasa lamang sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan, at maging mas matalino tungkol sa sabi-sabi o tsismis.

Kilalanin Ang Iyong Concerns, Ngunit Huwag Hayaan Na Kontrolin Ka Nito

Mahalagang kilalanin ang iyong anxiety tungkol sa sitwasyon. Ngunit mahalaga din na paalalahanan ang iyong sarili na ang patuloy na pag-aalala. Tungkol sa pagkakasakit ay hindi makakapagpabuti ng mga bagay.

Dapat Para Sa Anxiety Dahil Sa COVID: Magkaroon Ng Pokus Sa Kasalukuyan

Malaki ang magagawa ng pagsasanay sa pag-iisip, o ang habit ng pagiging nasa kasalukuyan. Para mapabuti ang iyong mental state. Ang pagpokus sa sitwasyon— kaysa sa anong maaaring mangyari ay makatulong sa’yo na maiwasan ang pagkakaroon ng takot at anxiety tungkol sa hinaharap.

Panatilihing Abala Ang Iyong Sarili

Kung hindi ka nagtatrabaho mula sa bahay, at nauubusan ka ng mga bagay na dapat gawin. Subukan at samantalahin ang community quarantine para makisali sa isang bagong libangan. Matuto ng bagong kasanayan o manood ng mga pelikula o serye sa TV na gusto mo noon pa man.

Pakikipag-Bonding Sa Mga Mahal Sa Buhay

Kung ginugugol mo ang community quarantine kasama ang iyong pamilya. Magandang ideya na gamitin ang oras na ito para makipag-bonding. Sa pamamagitan ng mga laro o simpleng paggawa ng mga gawain nang magkasama.

Makipag-Usap Sa Mga Tao

Isa sa makatutulong panlaban sa anxiety dahil sa covid ay ang pakikipag-usap sa mga tao.

Kung ikaw ay nabubuhay mag-isa, maaaring magandang ideya na tawagan ang ilan sa’yong kaibigan at makipag-usap sa kanila. Ang pagiging mag-isa sa panahon ng isang krisis ay maaaring makapinsala sa’yong kalusugang pangkaisipan.

Huwag Balewalain Ang Iyong Mental Health 

Tandaan na ‘wag isawalang-bahala ang iyong nararamdamang takot o pag-aalala. Bilang isang bagay na sa tingin mo ay lilipas din. Mahalagang kilalanin at pagtibayin ang mga damdaming ito.

Napakahalaga Ng Iyong Kalusugang Pangkaisipan

Minsan napapabayaan ng mga tao ang pangangalaga sa kanilang sariling mental health. Lalo na sa panahon ng krisis. Gayunpaman, ang pag-iingat sa’yong isip sa tamang paraan ay makakatulong sa’yong gumawa ng mas mahusay na mga desisyon. Maiiwasan din nito ang takot at anxiety dahil sa covid.

Mahalaga rin i-address ang pagkabalisa at normal lamang ito sa pagharap ng kirisis sa buhay. Kapag ito ay hindi na pamahalaan, maaaring umunlad ito sa mas malubhang mga kondisyon.

Narito ang ilang mga hotline kung sakaling kailanganin mo ng tulong tungkol sa iyong kalusugang pangkaisipan:

  • Bagong National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotlines – 0917 899 8727 (USAP) at 989 8727 (USAP)
  • Natasha Goulbourn Foundation (NGF) – (02) 804-HOPE (4673), 0917 558 HOPE (4673) o 2919 (toll-free para sa mga subscriber ng GLOBE at TM).
  • Manila Lifeline Center (MLC) – (02) 8969191 o 0917 854 9191.
  • In Touch Community Services Crisis Lines – +632 893 7603, 0917 8001123 (Globe subscriber), 0922 8938944 (Sun subscriber). Mag-email sa [email protected].
  • Living Free Foundation – 0917 322 7087 Email sa [email protected].
  • Mood Harmony – Makati Medical Center’s mood disorder support group. (02) 844-2941.
  • Dial-a-Friend – (02) 5251743 o (02) 5251881.
  • UGAT Foundation – (02) 426 5992; (02) 426 6001 loc. 4872-73; [email protected]
  • 700 Club Asia – (02) 737 0700; 1 800 1 888 8700 (walang bayad); 0949 888 8001; 0925 300 3000; 0917 406 5001. Skype: the700clubasia.

Matuto pa tungkol sa Coronavirus dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Do I have ‘cabin fever?’ What it is, how to ‘cure’ it, https://edition.cnn.com/2020/03/19/health/coronavirus-cabin-fever-definition-quarantine-wellness/index.html, Accessed March 31, 2022

Anxious about the pandemic? Here’s how you can get help without leaving home, https://edition.cnn.com/2020/03/19/tech/mental-health-tech-coronavirus/index.html, Accessed March 31, 2022

COVID-19 and Pandemic Anxiety, https://www.psychologytoday.com/intl/blog/two-takes-depression/202003/covid-19-and-pandemic-anxiety, Accessed March 31, 2022

Managing Fears and Anxiety around the Coronavirus (COVID-19), https://www.harvard.edu/sites/default/files/content/coronavirus_HUHS_managing_fears_A2%5B5%5D.pdf, Accessed March 31, 2022

COVID Depression and Anxiety, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/coronavirus/stressed-about-covid19-heres-what-can-help, Accessed March 31, 2022

Wellbeing tips for UN Personnel, https://www.un.org/en/coronavirus/wellness?fbclid=IwAR3-wwIT7K9KJSLOSEvrTZw4h17ccArATFdcrFoRMmYwiyxxKAhhRypMDA4, Accessed March 31, 2022

Kasalukuyang Version

11/21/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement