backup og meta

Paano Naging Stress Reliever At Pampa-relax Ang Sound Bath?

Paano Naging Stress Reliever At Pampa-relax Ang Sound Bath?

Ang pakikinig ng musika ang ilan sa mga ginagawa ng tao upang mapawi ang kanilang pagod at stress sa maghapon. Iba-iba ang “taste of music” ng tao kaya maaari na magkaiba rin sa bawat tao ang musika na gustong pakinggan kapag nais nilang mag-relax.

Gayunpaman kung naghahanap ka ng iba pang musika na pwede mong magamit bilang stress reliever, maaari mong subukan ang “sound bath”. Ang sound bath ay isang full-body meditative experience habang nakahiga ang isang tao at pinakikinggan ang mga “singing bowl”, na lumilikha ng mga umaalingawngaw na tunog na “pinapaliguan” ang mga tao.

Dagdag pa rito, ayon sa article na isinulat ni Zawn Villines na nirebyung medikal ni Debra Rose Wilson, Ph.D, tinutukoy ng ilang mga tao na ang pakikinig ng “sound bath” o pagsa-sound bathing ay isang “healing practice”.

Bagama’t iminumungkahi ng mga pag-aaral na maaari itong makatulong sa mga tao na makapagpahinga, nanatili pa rin na walang katibayan na nagpapagaling o gumagamot ito ng anumang kondisyong medikal— at hindi pa rin malinaw ang pinagmulan ng singing bowl at sound bath— maging ang paggamit sa practice na ito.

Para malaman pa ang iba pang detalye tungkol sa kung ano ang sound bath at paano ito nakakatulong sa relaxation ng isang tao, patuloy na basahin ang article na ito.

Benepisyo ng sound bathing

Sinasabi ng ilang proponents na ang pakikinig sa “sound bath” o pagsasagawa ng “sound bathing” habang ikaw ay nakahiga ay nakakatulong sa iba’t ibang alalahanin ng tao tulad ng mga sumusunod:

  • stress
  • pagpoproseso ng mga emosyon

Ayon din sa mga isinagawang pag-aaral ng mga scientist tungkol sa health benefits ng music, nakita na ang musika ay “ligtas” at “inexpensive” supplemental therapy na makakatulong sa pain control ng isang indibidwal.

Gayunpaman, walang masyadong pag-aaral tungkol sa sound bath at sa mga benepisyo nito. Pero ayon kay Karen Bond, PA-C, isang physician assistant, karaniwan na nag-iiba ang pakiramdam ng isang tao matapos gawin ang sound bath meditation. Narito ang mga bagay na maaaring maranasan pagkatapos pakinggan ang sound bath:

  • mas kalmado/mas kaunting stress na pakiramdam.
  • mas nagiging relax ang kalamnan
  • pagkakaroon ng pakiramdam na relax
  • pain relief
  • nagkakaroon ng kakayahan na mas makatulog nang mabuti
  • napapaganda ang mood
  • mas mahusay na kamalayan sa katawan

Bagama’t sinasabi na may benepisyo ang sound bathing, tandaan mo na hindi dapat ituring na kapalit para sa anumang mga medikal na paggamot ito. Sa halip, mas magandang tingnan ito bilang pantulong o supplementary treatment, dahil sa nakakakalma nitong tunog.

Pagkakaiba ng sound bath at music therapy

Maaari na nakakaranas ka ngayon ng pagkalito sa kung ano ang sound bath— at pagkakaiba nito sa music therapy, dahil sa mga nabasa mo sa unang bahagi ng article na ito.

Sa katunayan, kahit involve ang mga musical instrument sa sound bath, malaki pa rin ang kaibahan nito sa music therapy. Dahil tumutukoy ang music therapy sa isang malawak na grupo ng mga kasanayan na nagsasama ng musika sa therapeutic techniques para sa pisikal at mental na kalusugan. 

Tandaan mo na isinasagawa ng mga kwalipikadong music therapist ang mga technique na ito, para  tulungan ang mga tao na iproseso ang kanilang damdamin, ipahayag ang sarili, pahusayin ang memorya, at makamit ang iba pang mga layunin. Habang ang sound bath naman ay tumutukoy sa spiritual practice. Kung saan hindi kailangang magkaroon ng anumang mga kwalipikasyon ang taong magsasagawa at magho-host ng mga sound bath session.

Huwag mo ring kakalimutan na mahalagang alam mo kung ano ang sound bath at kaibahan nito sa music therapy para maiwasan ang pagbabahagi ng maling kaalaman sa pagkakaiba ng 2 bagay na ito.

Key Takeaways

Ang sound bath ay isang meditative practice na kinasasangkutan ng paggamit ng matunog na musika, gaya ng singing bowl na lumilikha ng mga umaalingawngaw na tunog ng mga naliligo na tao. Marami ang gumagamit ng sound bath para matulungan sila na mas makapagpahinga ng maayos, mawala ang stress, pagkabalisa, o iba pang mga alalahanin at alalahanin. Gayunpaman, ang paggamit ng sound bath o pagsasagawa ng sound bathing ay hindi dapat maging kapalit ng anumang paggamot sa iba’t ibang health condition.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Is A Sound Bath, https://health.clevelandclinic.org/sound-bath/ Accessed April 5, 2023

Impact of Himalayan Singing Bowls Meditation Session on Mood and Heart Rate Variability, https://openaccesspub.org/ijpr/article/1282 Accessed April 5, 2023

About Music Therapy & AMTA, https://www.musictherapy.org/about/ Accessed April 5, 2023

Effects of Tibetan Music on Neuroendocrine and Autonomic Functions in Patients Waiting for Surgery: A Randomized Controlled Study, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5859866/ Accessed April 5, 2023

Effects of Singing Bowl Sound Meditation on Mood, Tension, and Well-being: An Observational Study, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5871151/ Accessed April 5, 2023

Relaxation Techniques, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK513238/ Accessed April 5, 2023

Picking Up Good Vibrations: Health and Wellness Perspectives and Motivations in the Practice of Sound Bathing, https://www.researchgate.net/profile/Sienna-Parker/publication/325324459_Picking_Up_Good_Vibrations_Health_and_Wellness_Perspectives_and_Motivations_in_the_Practice_of_Sound_Bathing/links/5b05df95aca2725783d89bf9/Picking-Up-Good-Vibrations-Health-and-Wellness-Perspectives-and-Motivations-in-the-Practice-of-Sound-Bathing.pdf Accessed April 5, 2023

The human health effects of singing bowls: A systematic review, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32507429/ Accessed April 5, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement