backup og meta

Ano Ang Iba’t Ibang Problema Sa Tiyan Na Pwede Mong Maranasan?

Ano Ang Iba’t Ibang Problema Sa Tiyan Na Pwede Mong Maranasan?

Nahihirapan ka bang dumumi? O madalas ka bang makaranas ng pananakit ng tiyan? Ikaw rin ba ang klase ng indibidwal na laging bloated o maya’t maya umuutot sa kahit saan na lugar?

Maaari na ang ilan sa mga tanong na ito ay iyong naranasan, ngunit alam mo ba ang mga dahilan ng mga problema sa tiyan na na-encounter mo? O ikaw ang klase na isinasawalang bahala ito at pinapalipas na lang ang mga problema sa iyong tiyan, dahil ayaw mong magpakonsulta sa doktor at magastusan?

Sa katunayan, ang mga problema sa tiyan ay pwedeng magdulot ng matinding discomfort sa isang tao. Marami ring pagkakataon at kaso na ang pagkakaroon ng problema sa tiyan ay senyales na pala ng iba’t ibang health condition na nangangailangan ng medical treatment.

Kaya naman ipinapayo ng mga doktor ang pagpapakonsulta sa kanila at pag-alam sa iba’t ibang problema sa tiyan, bilang isang mahusay na hakbang upang maagapan ang anumang sakit na pwedeng taglayin. Bukod pa rito, ang pag-alam din sa iba’t ibat problema sa tiyan ay makakatulong din para magkaroon ka ng angkop na paggamot.

Para malaman ang iba’t ibang problema sa tiyan ng tao, patuloy na basahin ang article na ito.

11 Problema Sa Tiyan Na Dapat Mong Malaman

1. Constipation

Nagaganap ang constipation o paninigas ng dumi kapag ang pagdumi ng isang tao ay hindi madalas—at nahihirapan na mailabas ang mga dumi. Ang constipation ay maaaring bunga ng mga pagbabago sa diyeta o routine, o maaaring dahil sa hindi sapat na pagkonsumo ng fiber. Dapat mong tawagan ang iyong doktor kung mayroon ka ng matinding pananakit ng tiyan, dugo sa iyong dumi, o paninigas ng dumi na tumatagal ng higit sa tatlong linggo, dahil sa constipation.

Ayon sa Mayo Clinic, ito ang mga paraan upang maiwasan ang constipation:

isama ang maraming high-fiber food sa dieta, kabilang ang beans, gulay, prutas, whole grain cereal at bran.

kumain ng mas kaunting mga pagkain na may low amounts ng fiber tulad ng mga naprosesong pagkain, dairy products at karne.

uminom ng maraming liquids

manatiling aktibo hangga’t maaari at subukang makakuha ng regular na ehersisyo

subukang pamahalaan ang stress

huwag pigilan ang pagdumi

subukang gumawa ng regular na iskedyul para sa pagdumi, lalo na pagkatapos kumain

2. Hyperacidity

Ayon sa UNILAB ang hyperacidity ay kilala rin bilang “gastritis” o acid reflux, na ang pamamaga ng lining ng tiyan ay kadalasang sanhi ng bacterial infection o iba pang mga gawi sa pamumuhay tulad ng pag-inom ng alak. 

Bukod pa rito, batay na rin sa Mayo Clinic ang gastritis ay maaaring mangyari ng biglaan (acute) o dahan-dahang lumitaw sa paglipas ng panahon (chronic) at sa ilang malalang kaso ay humantong sa mga malubhang digestive illnesses tulad ng ulcers at kanser sa tiyan.

Karaniwang nakakaramdam ng “burning sensation” sa bahagi ng breastbone area (heartburn), na sinamahan ng mapait na lasa sa bibig ang isang tao, kapag siya ay nagdurusa mula sa gastritis. Kasama sa iba pang mga karaniwang sintomas nito ang pakiramdam ng hindi komportable pagkabusog, partikular sa itaas na bahagi ng tiyan pagkatapos kumain, pagduduwal, at pagsusuka.

Dapat na magpatingin ka muli agad sa doktor kung nakakaranas ka pa rin ng mga sintomas pagkatapos mong inumin ang mga gamot na inireseta sa iyo:

  • patuloy na pagsusuka
  • madalas na heartburn
  • biglang pagbaba ng timbang
  • hirap sa pagkain at paglunok

Tandaan mo rin na laging kumunsulta sa iyong doktor bago uminom ng anumang uri ng gamot, dahil ang doktor ang nasa pinakamagandang posisyon upang magreseta ng tamang uri ng paggamot para sa iyong kondisyon.

3. Bloating/Bloated

Ang bloating ay isang kondisyon kung saan nararamdaman mo na ang iyong tiyan ay puno at masikip. Kadalasan ang dahilan ng problema sa tiyan na ito ay ang gas nasa loob ng tiyan. Ang kondisyon na ito ay karaniwan, lalo na sa mga matatandang kababaihan at may mga anak na.

Isa sa karaniwang sanhi ng bloating ay ang constipation. Maaari kang ma-constipated nang hindi mo namamalayan, dahil ang pagkakaroon ng mas kaunting pagdumi kaysa sa karaniwan mong ginagawa ay isa lamang sintomas ng constipation. 

Pwede ka pa ring ma-constipated kahit na mayroon kang regular na pagdumi— at narito ang iba pang mga sintomas ng paninigas ng dumi:

  • nahihirapan na simulan o tapusin ang pagdumi
  • dumi na mukhang bato at maliliit na bato
  • pakiramdam na hindi nabawasan ang laman ng tiyan pagkatapos ng pagdumi

Ang paninigas ng dumi ay maaaring mag-ambag sa pananakit ng tiyan at pagdurugo. Kapag mas matagal ang iyong dumi nananatili sa iyong colon, mas maraming oras na naka-ferment ang bakterya na naroroon, na nagreresulta sa mas maraming gas at pagiging bloated.

Para maiwasan ang pagiging bloated na isa sa mga problema sa tiyan, narito ang mga sumusunod na maaaring gawin:

  • regular na mag-ehersisyo para mapabuti ang iyong panunaw 
  • ngumunguya nang nakasara ang iyong bibig para maiwasan ang paglunok ng hangin
  • uminom ng maraming tubig
  • kumain ng mga pagkaing mataas sa fiber kung constipated
  • kumain ng mas konti, ngunit mas madalas na pagkain sa halip na malalaking isahang pagkain
  • imasahe ang iyong tiyan mula kanan pakaliwa upang palabasin ang nakulong na hangin

4. Food Poisoning

Ang food poisoning ay isa sa mga karaniwang problema sa tiyan na dulot ng pagkonsumo ng mga kontaminadong pagkain. Kadalasan hindi ito seryoso at karamihan sa mga tao ay gumagaling sa loob ng ilang araw nang walang paggamot. Gayunpaman hindi ito dapat isawalang bahala lalo na kung nakakaranas ng malubhang pagsusuka, at pagsakit ng tiyan, at patuloy na paglubha ng mga sintomas.

Karamihan sa kaso ng food poisoning, ang mga tao ay nakakuha o konsumo na mga pagkain kontaminado ng bakterya, tulad ng salmonella o Escherichia coli (E. coli), o isang virus, tulad ng norovirus.

Ang mga sintomas ng food poisoning ay karaniwang nagsisimula sa loob ng isa hanggang dalawang araw pagkatapos kumain ng kontaminadong pagkain, bagama’t maaari silang magsimula sa anumang punto sa pagitan ng ilang oras at ilang linggo.

Narito ang mga pangunahing sintomas ng food poisoning:

  • nakakaramdam ng sama ng pakiramdam
  • pagsusuka o pag duduwal
  • pagtatae, na maaaring naglalaman ng dugo o uhog
  • pananakit ng tiyan o pag hilab
  • kakulangan ng lakas o panghihina
  • walang gana kumain
  • mataas na temperatura (lagnat)
  • masakit na kalamnan
  • panginginig

Karamihan sa mga taong na-food poison ay gumagaling sa bahay at hindi nangangailangan ng anumang partikular na paggamot, bagama’t may ilang mga sitwasyon kung saan dapat kang magpakonsulta sa doktor, lalo na kung nakakasagabal na ang iyong mga sintomas sa pang-araw-araw na pamumuhay at walang kang pag-ige na nararamdaman.

Gayunpaman, maaari kang magpahinga at uminom ng liquids upang maiwasan ang dehydration, at tugunan ang epekto ng pagkaka-food poison mo.

5. Diarrhea

Ang diarrhea ay matubig o madalas na pagdumi, kung saan mayroon kang pagtatae na bumibilang ng tatlo o higit pang beses sa isang araw. Ang acute diarrhea ay pagtatae na tumatagal ng maikling panahon–tumatagal ng isa o dalawang araw, ngunit maaari itong tumagal nang mas mahaba pa.

Gayunpaman ang pagtatae na tumatagal ng higit sa ilang araw ay maaaring senyales ng mas malalang problema. Ang chronic diarrhea na tumatagal nang hindi bababa sa apat na linggo ay maaaring sintomas ng isang malalang sakit. Ang chronic diarrhea symptoms ay maaaring tuluy-tuloy, o pawala-wala.

Narito ang mga palatandaan at sintomas na nauugnay sa diarrhea:

  • pananakit, at pag kulo ng tiyan
  • bloating
  • pagduduwal
  • pagsusuka
  • lagnat
  • dugo sa dumi
  • uhog sa dumi
  • apurahang pangangailangan ng pagdumi

Maaari kang magkaroon ng diarrhea sa pamamagitan ng virus, bacteria, parasites, medications, lactose intolerance, pag konsumo ng labis na fructose at artificial sweeteners,sumailalim sa surgery, at iba pang digestive disorders. Ipinapayo ng mga doktor na para maiwasan ang diarrhea, dapat mong hugasan ang iyong kamay bago, habang, at pagkatapos maghanda ng pagkain. Malaking factor din ang pagkakaroon ng maayos na hygiene upang hindi magkaroon ng diarrhea.

6. Irritable Bowel Syndrome (IBS)

Kapag ang isang tao ay mayroong IBS, maaari silang magkaroon ng hindi komportable o masakit na mga sintomas ng tiyan. Ang paninigas ng dumi, pagtatae, gas at bloating ay karaniwang mga sintomas ng IBS. Hindi direktang sinisira ng IBS ang iyong digestive tract o pinapataas ang iyong panganib para sa colon cancer. Maaari mong mapangasiwaan ang mga sintomas ng IBS sa pamamagitan ng mga pagbabago sa diet at lifestyle.

7. Gallbladder stones

Tinatawag na gallstones ang mga tumigas na deposito ng digestive fluids, kung saan maaaring nabuo ang mga ito sa iyong gallbladder. Ang iyong gallbladder ay isang maliit, hugis-peras na organ sa kanang bahagi ng iyong tiyan, at nasa ilalim lamang ng iyong atay. Ayon sa Mayo Clinic ang gallbladder ang may hawak sa digestive fluid na tinatawag na apdo na inilabas sa iyong maliit na bituka bilang panunaw.

Maaaring walang mga palatandaan o sintomas ang pagkakaroon mo ng gallstones, lalo na kung ang bato sa apdo ay hindi naman nakapaloob sa isang duct at nagiging sanhi ng pagbabara. Gayunpaman, narito ang mga sintomas ng pagkakaroon mo ng gallstones:

  • biglaan at tumitinding pananakit sa kanang itaas na bahagi ng tiyan
  • biglaan at tumitinding pananakit sa gitnang bahagi ng iyong tiyan, at nasa ibabang bahagi ng breastbone
  • sakit sa tiyan na tumatagos hanggang likod sa pagitan ng shoulder blades
  • sakit sa kanang balikat
  • pagduduwal o pagsusuka

Magpakonsulta sa doktor kung mayroon kang anumang mga palatandaan o sintomas na na nagreresulta ng iyong pag-aalala. Humingi ng agarang medical attention kung magkakaroon ka ng mga palatandaan at sintomas ng isang malubhang komplikasyon sa gallstone, tulad ng:

  • pananakit ng tiyan na napakatindi na hindi ka makaupo o makahanap ng komportableng posisyon
  • paninilaw ng iyong balat at puti ng iyong mga mata (jaundice)
  • mataas na lagnat na may kasamang panginginig

8. Appendicitis

Isa sa mga madalas na problema sa tiyan ang appendicitis. Tumutukoy ito sa  pamamaga ng apendiks, kung saan isa itong finger-shaped pouch na naka-project sa ating colon sa ibabang kanang bahagi ng tiyan. 

Ang pagkakaroon ng pagbara sa lining ng apendiks na nagreresulta sa impeksyon ay ang malamang na sanhi ng appendicitis. Ang bakterya ay mabilis na dumami, na nagiging sanhi ng apendiks para maging inflamed, namamaga at puno ng nana. Kung hindi magamot kaagad, maaaring mapunit ang apendiks.

Kadalasan din ang appendicitis ay nagdudulot ng pananakit sa ibabang kanang bahagi ng tiyan, at ang lugar ng pananakit ay maaaring mag-iba, depende sa edad at aktwal na posisyon ng iyong apendiks. Kapag buntis ka, ang pananakit ay maaaring nagmumula sa itaas na bahagi ng tiyan dahil mas mataas ang kinalalagyan ng apendiks sa panahon ng pagbubuntis. 

Kaya naman magpa-appointment sa isang doktor kung ikaw o ang iyong kakilala ay may nakababahalang mga palatandaan o sintomas ng appendicitis gaya ng matinding pananakit ng tiyan na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

9. Kidney infection 

Ang impeksyon sa bato ay isang uri ng urinary tract infection (UTI). Maaaring magsimula ang impeksyon sa bato sa tubo na nagdadala ng ihi mula sa katawan o sa pantog (urethra), ayon sa Mayo Clinic. Maaari rin na magdulot ng pananakit ng tiyan ang kondisyon na ito.

Bukod pa rito, ang impeksyon sa bato ay nangangailangan ng agarang medikal na paggamot. Kung hindi ito ginagamot nang maayos, ang isang impeksiyon ay maaaring magdulot ng pang matagalang pinsala sa mga bato. Ang bacteria ay maaaring kumalat hanggang sa daluyan ng dugo at magdulot ng mapanganib na impeksyon.

Ang paggamot sa impeksyon sa bato ay kadalasang kinabibilangan ng mga antibiotic, na maaaring ibigay sa ospital.

Narito ang mng mga sintomas ng impeksyon sa bato na dapat mong malaman:

  • pananakit ng tiyan
  • lagnat
  • panginginig
  • burning sensation (“balisawsaw”) o masakit na pag-ihi
  • pag-ihi ng madalas
  • isang matinding, pangmatagalang pagnanasa na umihi
  • sakit sa likod, balakang, tagiliran o singit
  • pagduduwal at pagsusuka
  • nana o dugo sa ihi
  • mabaho ang ihi o maulap

Ang matinding impeksyon sa bato ay maaaring humantong sa mga mapanganib na komplikasyon. Maaaring kabilang sa mga ito ang pagkalason sa dugo, pinsala sa mga tisyu ng katawan— o sa mas malubhang kaso mauwi pa sa kamatayan. Humingi kaagad ng pangangalagang medikal kung mayroon kang mga sintomas ng impeksyon sa bato kagaya ng madugong pag-ihi, patuloy na pagduduwal at pagsusuka.

10. Sakit sa matris o ovary

Isa sa karaniwang problema sa tiyan at puson ng mga kababaihan ang sakit sa matris. Maaaring nakakaranas sila ng pananakit ng tiyan o sa puson dahil sa pagkakaroon ng problema sa ovary at matris. Maaari rin naman na dysmenorrheaang sanhi nito, lalo na kung malapit na magkaregla o kasalukuyang nasa menstruation period ang babae. Habang maaari naman na indikasyon ang pananakit ng tiyan o puson ng pagkakaroon ng ovarian cyst ng isang babae (bukol sa ovary) o myoma (bukol sa matris).

Para makumpirma ang iyong kondisyon kung bakit nakakaranas ng pananakit ng tiyan o puson sa madalas na mga pagkakataon, magpakonsulta sa doktor para mabigyan ka ng angkop na imbestigasyon, diagnosis at paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Food Poisoning, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/infections-and-poisoning/food-poisoning#:~:text=Food%20poisoning%20is%20an%20illness,virus%2C%20such%20as%20the%20norovirus. Accessed May 5, 2023

The global prevalence of IBS in adults remains elusive due to the heterogeneity of studies: a Rome Foundation working team literature review, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26818616/ Accessed May 5, 2023

Constipation in Older Adults: Stepwise Approach to Keep Things Moving, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4325863/ Accessed May 5, 2023

Coming to Terms With Constipation, https://www.health.harvard.edu/digestive-health/coming-to-terms-with-constipation Accessed May 5, 2023

Constipation, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4059-constipation Accessed May 5, 2023

Diagnostic Approach to Chronic Constipation in Adults,  https://www.aafp.org/afp/2011/0801/p299.html Accessed May 5, 2023

Constipation, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/constipation Accessed May 5, 2023

Constipation, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/constipation/symptoms-causes/syc-20354253 Accessed May 5, 2023

Constipation, https://www.nhs.uk/conditions/constipation/ Accessed April 5, 2023

Constipation, http://www.med.umich.edu/1libr/MBCP/Constipation.pdf Accessed May 5, 2023

Stress and sleep quality in doctors working on-call shifts are associated with functional gastrointestinal disorders, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28566894/ Accessed May 5, 2023

Bloating: Causes and Prevention Tips, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/bloating-causes-and-prevention-tips#:~:text=Bloating%20is%20a%20condition%20where,those%20who%20have%20had%20children. Accessed May 5, 2023

Acid Reflux (GER and GERD) in Adults, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/acid-reflux-ger-gerd-adults#:~:text=Gastroesophageal%20reflux%20(GER)%20happens%20when,leads%20to%20complications%20over%20time. Accessed May 5, 2023

Diarrhea, https://medlineplus.gov/diarrhea.html#:~:text=Diarrhea%20is%20loose%2C%20watery%20stools,but%20it%20may%20last%20longer. Accessed May 5, 2023

Irritable Bowel Syndrome (IBS), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4342-irritable-bowel-syndrome-ibs Accessed May 5, 2023

Gallstones, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gallstones/symptoms-causes/syc-20354214 Accessed May 5, 2023

Appendicitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/appendicitis/symptoms-causes/syc-20369543 Accessed May 5, 2023

Kidney infection, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/kidney-infection/symptoms-causes/syc-20353387 Accessed May 5, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Panganib ng Microplastic sa Kalusugan, Alamin!

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement