backup og meta

Paano nga ba Gumagana ang Vicks Vaporub? Alamin dito!

Paano nga ba Gumagana ang Vicks Vaporub? Alamin dito!

Malamang ikaw ay isa sa maraming tao na mayroong malinaw na memorya sa maliit na asul garapon sa inyong bahay. Noong ikaw ay bata pa, hinahagod ng iyong ina sa iyong dibdib ang vicks vaporub kung ikaw ay nakararamdam ng sama ng pakiramdam. At parang mahika itong nakapagpapagaan sa pakiramdam! Ano nga ba ang siyensya sa likod ng makaluma ngunit maaasahang bagay sa inyong tahanan? Paano nga ba gumagana ang Vicks Vaporub?

Maikling Kaalaman sa iyong Pinagkakatiwalaang Vicks Vaporub

Ang kahanga-hangang gamit ng Vicks Vaporub ay unang nasilayan sa market noong 1890s nang magpasya ang pharmacist na si Lunsford Richardson mula sa North Carolina na magbenta ng 21 patentadong gamot gamit ang pangalan nitong “Vicks.” Sa lahat ng mga gamit, tanging ang Vick Croup at Pneumonia Salve ang naging pinakakilala.

Ilang taon ang lumipas, dinagdagan ni Lunsford ng mentol at sangkap mula sa mga Hapon. Ang idinagdag na mga sangkap ay mas nagpaigi sa pang haplos at nagbibigay ng makabuluhang epekto matapos gamitin. Ang mentol ay sumisingaw sa pagkakataon na ilagay ito sa dibdib. Kung kaya’t naglalabas ito ng naka giginhawa at nakagagamot na singaw na maaaring tumagal ng ilang oras. Ang uri na ito ay ang mas kilala sa ngayon na Vicks Vaporub.

Mula noon, ang kumpanya ay humanap pa ng paraan upang mas mapabuti nito ang ginhawang mula sa sipon at lagnat na sintomas na produkto na makatutulong sa mas maraming tao. 

Ang Vicks Vaporub 

Nag-umpisa maging kilala ang Vicks Vaporub noong laganap din ang pandemya ng flu noong 1918, kung saan ito ay nagbibigay ginhawa sa mga tao. Mula noon, ito ay nanatiling popular na gamot na mabibili nang hindi kailangan ng reseta upang gamutin ang mga karamdaman sa paghinga. Kaya naman, hindi maikakaila ang tiwala ng mga Pilipino rito. 

Ang mentol na pamahid na ito ay naglalaman ng mga aktibong sangkap: 

Ang tatlong mabisang mga sangkap na ito, ayon sa National Institute of Health (NIH), ay pumipigil sa ubo. Sa kabilang banda ang camphor at menthol ay parehong topical analgesics o pantanggal sakit na inilalagay ng tao sa kanilang balat. 

Karagdagan, ito rin ay naglalaman ng hindi aktibong sangkap tulad ng langis ng cedarleaf, langis ng nutmeg, espesyal na petrolatum, thymol at langis ng turpentine. 

Dahil sa mga sangkap na ito, ang pamahid ay nagbibigay ng panterautika na epekto, na nagpapahimbing ng pagtulog sa gabi 

Maliban sa ginhawa mula sa ubo at baradong ilong, sinasabi rin na ito ay nagbibigay pa ng ibang ginhawa sa: 

  • Hirap na paghinga
  • Pananakit ng ulo
  • Paninigas ng kalamnan
  • Sakit sa katawan 

Ang paglalagay nito sa kalamnan at kasukasuan ay nagbibigay ng pansamantalang ginhawa mula sa katamtamang sakit. Iba pa, iminumungkahi rin ng ilang pag-aaral na ang bisa nito ay nakagagamot din ng iba pang kondisyon tulad ng fungus sa paa.

Paano Gamitin ang Vicks Vaporub 

Ito ay topikal lamang na ointment na maaaring gamitin sa dalawang paraan:

Rub-on masahe 

Ito ang pinaka karaniwang paraan sa paggamit nito. Malumanay na masahihin sa dibdib, leeg, at likod upang makatulong sa maginhawang tulog kung may sipon man. Gamitin ito ng naaayos; 3.5g para sa mga bata at 7.5g para sa matanda.

Suob

Ilang mga tao ang ginagamit ang Vicks Vaporub sa suob upang magbigay ng nakagiginhawang epekto. Lagyan ang isang mangkok ng umuusok na tubig at lagyan ng 2 kutsaritang Vicks Vaporub. Malumanay na langhapin ang singaw habang mayroong tuwalya sa ulo habang hawak ang mangkok. Ito ay nakatutulong sa baradong ilong at pagpapagaan ng hirap sa paghina. Maaari mong ulitin ang prosesong ito hanggang apat na beses kada araw. 

Mahalagang isaisip na ito ay para lamang sa panlabas na gamit. Hindi mo dapat gamitin ito sa bibig, sa may masisikip na bendahe, butas ng ilong o maging sa sugat o nasirang balat. 

Mahalagang Tandaan 

Naniniwala ang mga tao sa dami ng benepisyong dala ng Vicks Vaporub. Ngunit, mabuti pa ring komunsulta sa doktor bago gamitin ang produktong ito, lalo na kung ikaw ay may medikal na kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Pangkalahatang Kalusugan dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Efficacy of a Topical Aromatic Rub (Vicks VapoRub ® ) on Effects on Self-Reported and Actigraphically Assessed Aspects of Sleep in Common Cold Patients – Nayantara Santhi, Gill Phillipson, David Ramsey, and David Hull, https://www.researchgate.net/publication/317175257_Efficacy_of_a_Topical_Aromatic_Rub_Vicks_VapoRub_R_on_Effects_on_Self-Reported_and_Actigraphically_Assessed_Aspects_of_Sleep_in_Common_Cold_Patients Accessed February 28, 2022

Efficacy of a Topical Aromatic Rub (Vicks VapoRub®)-Speed of Action of Subjective Nasal Cooling and Relief from Nasal Congestion – Ron Eccles, Martez Jawad, David L. Ramsey, J. David Hull, https://www.scirp.org/journal/paperinformation.aspx?paperid=53518 Accessed February 28, 2022

A Novel Treatment for Onychomycosis in People Living With HIV Infection: Vicks VapoRub™ is Effective and Safe – Mariea Snell, Ferdinal Sukman Nur, Michael Klebert, Sara Hubert, https://www.researchgate.net/publication/284069170_A_Novel_Treatment_for_Onychomycosis_in_People_Living_With_HIV_Infection_Vicks_VapoRub_is_Effective_and_Safe Accessed February 28, 2022

Vicks versus the virus, https://medical.mit.edu/covid-19-updates/2020/04/vicks-versus-virus Accessed February 28, 2022

Vicks VapoRub: An effective nasal decongestant?, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/expert-answers/nasal-decongestant/faq-20058569 Accessed February 28, 2022

Vicks® VapoRub™, https://www.vicks.com.ph/en-ph/browse-products/cough-and-cold/vicks-vaporub Accessed February 28, 2022

Our Difference: A Century of Caring, https://www.vicks.com.ph/en-ph/our-difference Accessed February 28, 2022

VICKS VAPORUB- camphor (synthetic), eucalyptus oil, and menthol ointment 

The Procter & Gamble Manufacturing Company, https://dailymed.nlm.nih.gov/dailymed/fda/fdaDrugXsl.cfm?setid=6b16b47e-9cbe-4e62-825b-f65416c900a1&type=display  Accessed February 28, 2022

Kasalukuyang Version

07/31/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

4 Na Pwedeng Mangyari Sa’yo Kapag Tinamaan Ka Ng Kidlat

Pahinga: Bakit ito Mahalaga Para sa Iyong Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement