backup og meta

Paaano Nakatutulong Ang Kalikasan Sa Ating Kalusugan?

Paaano Nakatutulong Ang Kalikasan Sa Ating Kalusugan?

May mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng kapaligiran upang mapabuti ang kanilang pakiramdam. Sa katunayan, marami ang naghahanap ng mga lugar kung saan maganda ang kalikasan sa kabila ng kanilang sobrang pagkaabala ng mundo. Para sa kanila, ang mga ganitong lugar ay nakatutulong sa kani-kanilang pangkalahatang kalusugan at isipan. Alamin sa artikulong ito kung ano ang benepisyo ng kalikasan sa kalusugan. 

Pag-Unawa Sa Kahalagahan ng Kapaligiran  

Bago tayo tumungo sa tunay na benepisyo ng kalikasan sa kalusugan, ating bigyang-pansin kung paano nakaapekto ang maruming kapaligiran sa mga tao.  

Ayon sa UN Environment Programme (UNEP) report, malaki ang responsibilidad ng pagkasira ng kapaligiran sa pagkakaroon ng global total burden of disease. Mahigit 12 milyong tao sa buong mundo ang namamatay taun-taon dahil nakatira o nagtatrabaho sila sa mga hindi maayos na kapaligiran.

Ito ay marahil ang mayroong likas na koneksyon ang kalikasan at ang mga tao. Dahil dito, ang mga environment pollutants, mula sa lupa, tubig, o hangin, ay nakapagdudulot ng iba’t ibang problema sa kalusugan.

Ang contaminated water karaniwang buhat chemical discharges mula sa mga pabrika at emisyon ay maaaring magdulot ng mga sumusunod:

Kaugnay nito, ang kemikal na kadalasan matatagpuan sa mga plastic water bottles, lata ng mga pagkain, at resibo (Bisphenol A o BPA) ay para bang ginagaya ang epekto ng estrogen. Maaaring mapataas nito ang panganib sa mga reproductive disorders.

Bilang karagdagan, isiniwalat ng World Health Organization na ang air pollution sa mga urban na lugar ay may pananagutan sa tinatayang 1.3 milyong pagkamatay sa buong mundo bawat taon. At, 19% ng lahat ng mga kanser ay sanhi ng mga salik sa kapaligiran.

Bukod pa rito, may ilang mga partikular na isyu sa kapaligiran na maaaring makahadlang sa kalusugan at kapakanan ng tao. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Climate change at iba pang natural disasters
  • Mga disease-causing microbes
  • Kawalan ng access sa health care
  • Hindi kalidad ng tubig

Ang Tanong: Paano Nagkakaroon Ng Benepisyo Ng Kalikasan Sa Kalusugan?

Ngayon na natalakay na kung paano higit na nakaaapekto ang kalikasan, ano naman ang benepisyo ng kalikasan sa kalusugan?

Katulad ng nabanggit, mayroong ugnayan ang dalawa. Samakatuwid, kung mapapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran, maiiwasan din ang paglaganap ng iba’t ibang posibleng sakit. 

Patuloy na dumarami ang mga ebidensya na maraming benepisyo ng kalikasan sa kalusugan. Sa isang pag-aaral ng 20,000 mga kalahok, napag-alaman na ang mga taong gumugol ng dalawang oras sa isang linggo sa mga green spaces, tulad ng mga lokal na parke o iba pang natural na kapaligiran, ay mayroong mas malaking posibilidad na mag-ulat ng mabuting kalusugan at sikolohikal na kaayusan kaysa sa mga hindi lumalabas upang makalanghap ng preskong simoy ng hangin. 

Ipinapahiwatig ng mga pag-aaral na hangga’t ang mga tao ay nakadarama ng kaligtasan sa kanilang kapaligiran, maaaring itong maging panlaban mula sa stress. Ilan sa mga maaaring maihandog na tulong nito sa kalusugan ay ang mga sumusunod:

benepisyo ng kalikasan sa kalusugan

Nababawasan din ang Attention Deficit Disorder at agresyon sa mga natural na kapaligiran, na tumutulong din na mapabilis ang paggaling. Sa isang kamakailang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik ng psychiatric unit na ang kalikasan ay nakakabawas ng damdamin ng pagiging mag-isa at nagtataguyod ng calm at lifted ng mood sa mga pasyente.

Dahil dito, napatunayan din ng mga pananaliksik na napabubuti nito ang kalidad ng buhay. Nagkaroon ng mababang mortality at morbidity rates, malusog na pamumuhay, at maayos na productivity. Dagdag pa rito, ang pagiging malapit sa mga halaman ay nakatutulong daw upang mapabuti ang mood, atensyon, at ang abilidad na magnilay sa mga problema. Napababa rin nito ang presyon sa dugo, dahilan para mapabuti ang buhay ng mga kababaihan, bata, maging mga matatanda. 

Key Takeaways

Mahalaga ang malinis na kapaligiran para sa klusugan at kapakanan ng mga tao. Kasabay nito, maaari rin itong sanhi ng stress dahil sa iba’t ibang mga polusyon na maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan. 
Upang matamasa ang benepisyo ng kalikasan sa kalusugan, nararapat ay mayroong malinis na hangin, maayos na klima, sapat na tubig, sanitation at hygiene, ligtas na paggamit ng mga kemikal, proteksyon mula sa radiation, maayos at ligtas na mga workspaces, maayos na agricultural practices, mga lungsod na sumusuporta sa kalusugan at kapaligiran, at isang mapangalagaang kalikasan. 
Malaki ang naitutulong ng pagpapanatili ng isang malusog na kapaligiran upang gumanda ang kalidad ng buhay ng mga tao at humaba pa ang kani-kanilang mga buhay. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Environmental health, https://health.gov/healthypeople/objectives-and-data/browse-objectives/environmental-health#:~:text=Environmental%20pollutants%20can%20cause%20health,and%20some%20types%20of%20cancer.&text=People%20with%20low%20incomes%20are,health%20problems%20related%20to%20pollution. Accessed August 18, 2022

8 Environmental Factors that Affect Health, https://online.regiscollege.edu/blog/environmental-factors-that-affect-health/ Accessed August 18, 2022

Ecopsychology: How Immersion in Nature Benefits Your Health, https://e360.yale.edu/features/ecopsychology-how-immersion-in-nature-benefits-your-health Accessed August 18, 2022

Healthy Environment, Healthy People, https://www.unep.org/news-and-stories/story/healthy-environment-healthy-people#:~:text=Clean%20air%20and%20water%2C%20sanitation,are%20crucial%20to%20mental%20health.Accessed August 18, 2022

What Is Global Environmental Health Important?, https://www.takingcharge.csh.umn.edu/why-global-environmental-health-important Accessed August 18, 2022

Environmental health, https://www.who.int/health-topics/environmental-health#tab=tab_1 Accessed August 18, 2022

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Unti-Unting Nanghihina Ang Isang Indibidwal? Alamin Dito!

Panganib ng Microplastic sa Kalusugan, Alamin!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement