backup og meta

Jake Ejercito at Ellie, Gumaling Na Mula sa Mild Symptoms ng COVID

Jake Ejercito at Ellie, Gumaling Na Mula sa Mild Symptoms ng COVID

Ibinahagi rin ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito na sila ng kanyang anak na si Ellie ay nakaranas ng virus mismo. Sa kabutihang palad, sila ay tinamaan lamang ng kaunting mild symptoms ng COVID.

Ang Pagkakaroon ng Mild Symptoms ng COVID ni Jake Ejercito

Noong nakaraang Martes, February 8, nagkaroon ang Star Magic Inside News ng eksklusibong panayam kasama si Jake Ejercito. Doon niya nabanggit na kagagaling lamang din nila ni Ellie mula sa kanilang COVID-19 experience. 

Sa panayam, sinabi niya, “No one is safe and we were just here isolated for 10 days. Fortunately enough, mild symptoms lang naman.” 

Habang sila ay naka-isolate, nakaranas sila ng kaunting mild symptoms ng COVID. Naalala ni Jake ang kanyang karanasan ng pananakit ng lalamunan at sipon, habang ang kanyang anak naman ay nilagnat ng ilang araw.

Sa kabila ng sakit, nagpapasalamat pa rin siya na okay na silang dalawa ngayon.

Sa isang Instagram post, ibinahagi rin ni Jake ang isang maikling video clip ni Ellie na gumagawa ng iba’t ibang bagay habang magkasama silang naka-isolate.

Ano ang mga Karaniwang Sintomas ng COVID?

Ang COVID-19 ay nauugnay sa hanay ng mga sintomas, sa gayon, mula sa banayad hanggang sa malubhang mga kaso. Maaaring lumabas ang mga senyales at sintomas na ito sa 2-14 araw matapos mahawaan ang virus.

Sa kasalukuyan, marami ang nakararanas ng mild symptoms ng COVID buhat ng paglitaw ng Omicron variant.

Ang mga sumusunod na sintomas ay maaaring magpahiwatig ng COVID-19 infection:

  • Lagnat o panginginig (chills)
  • Ubo
  • Pagkapos ng hininga o pagkahingal (kahirapan sa paghinga)
  • Pagkapagod
  • Sakit ng kalamnan o katawan
  • Sakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa o pang-amoy
  • Sakit sa lalamunan
  • Congestion o runny nose
  • Pagduduwal at/o pagsusuka
  • Pagtatae (diarrhea)

Kaya, siguraduhing magpa-test para sa COVID kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga nabanggit na sintomas. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung ano ang susunod na gagawin.

Ang mga taong nakararanas ng mild symptoms ng COVID ay maaaring hindi na kailangan ng pangangalaga sa ospital; Higit na sapat na ang isolation sa sari-sariling bahay. Ngunit, kung nagpapakita ka ng iba pang nakaalarmang sintomas ng malubhang COVID-19, pinakamahusay na mabigyan ito ng medikal na atensyon. Ang ilang mga sintomas ay kinabibilangan ng:

  • Hirap sa paghinga
  • Patuloy na pananakit o presyon sa dibdib
  • Bagong kalituhan
  • Hindi magising o manatiling gising
  • labi o mukha na nagiging kulay asul

Ano ang Pinagkaiba ng COVID-19 at Trangkaso?

Ang Influenza (Flu) at COVID-19 ay parehong respiratory infections na maaaring kumalat sa mga airways, bagama’t ang mga ito ay na-trigger ng mga natatanging virus. Ang impeksyon ng isang novel coronavirus (kilala bilang SARS-CoV-2) ay nagdudulot ng COVID-19, habang ang mga influenza virus ay nagdudulot ng trangkaso.

Maaaring magdulot ng lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, hirap sa paghinga, at pagtatae sa mga sanggol at bata, gaya ng nagagawa nito sa mga matatanda, ang COVID-19.

Lumalabas na ito ay mas madaling maipasa kaysa sa trangkaso at sa ilang mga kaso ay nagdudulot ng mas malubhang sakit. Maaaring tumagal din bago magpakita ng mga senyales ng sakit ang mga tao. Bilang karagdagan, ang mga tao ay maaaring maging mas nakahahawa sa mas mahabang panahon.

Paano Gamutin ang Mild Symptoms ng COVID sa Bahay?

Maaari mong gamutin ang ilang mga sintomas sa bahay sa pamamagitan ng pagtuon sa mga sumusunod:

  • Pagsubaybay sa oxygen levels gamit ang oximeter
  • Pagkaroon ng maraming pahinga
  • Pananatiling hydrated
  • Pag-inom ng mga over-the-counter drugs, kapag kinakailangan

Para sa mga may ubo at maiksing paghinga, malaking tulong kung magsanay ka ng ilang mabagal na breathing exercises. Maaari mo ring dagdagan ito ng ilang mga relaxation o meditation techniques. 

Iwasan na ang ibang miyembro ng pamilya ay mahawaan ng naturang virus sa pamamagitan ng pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa kanila. Kung maaari, dapat kang manatili sa isang hiwalay na silid na may nakalaang banyo upang maisagawa ang social distancing. Kung kailangan makihati sa paggamit ng banyo, dapat itong ma-disinfect pagkatapos ng bawat paggamit upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ang iba pang mga paraan na maaari mong isaalang-alang upang mabawasan ang pagkalat ng virus ay kinabibilangan ng:

Malaki rin ang maitutulong kung hindi ka makikihati ng ilang mga personal na gamit, tulad ng mga pinggan, tuwalya, at kumot. Siguraduhing maayos na malabhan ang iyong beddings at mga damit pagkatapos gamitin.

Alamin ang iba pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito

Imahe mula sa Instagram

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Jake Ejercito, daughter Ellie recover from COVID-19 with mild symptoms, https://entertainment.inquirer.net/437285/jake-ejercito-daughter-ellie-recover-from-covid-19-with-mild-symptoms Accessed February 11, 2022

Jake Ejercito’s Instagram post, https://www.instagram.com/p/CZDfbFdAVIt/ Accessed February 11, 2022

COVID Symptoms — Frequently Asked Questions, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/coronavirus/coronavirus-symptoms-frequently-asked-questions Accessed February 11, 2022

How to Treat Mild COVID-19 Symptoms at Home, https://www.houstonmethodist.org/blog/articles/2020/aug/how-to-treat-mild-covid-19-symptoms-at-home/ Accessed February 11, 2022

Symptoms of COVID-19, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/symptoms-testing/symptoms.html Accessed February 11, 2022

Treating Coronavirus at Home, https://www.umms.org/coronavirus/what-to-know/treat-covid-at-home Accessed February 11, 2022

Kasalukuyang Version

03/13/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement