backup og meta

Bagong Langya Virus Nadiskubre Sa China, Dapat Ba Itong Ikabahala?

Bagong Langya Virus Nadiskubre Sa China, Dapat Ba Itong Ikabahala?

Hindi pa man natatapos ang pandemya na dulot ng COVID-19, may bago na namang virus na nadiskubre sa China. Ano nga ba ang Langya virus at dapat ba itong ikabahala ng mga tao? Alamin dito ang detalye at iba pang karagdang impormasyon sa balitang ito.

Ang Pagkadiskubre Sa Bagong Langya Virus Sa China

Kamakailan lamang ay pormal na natuklasan ang bagong virus mula sa mga hayop na maaaring maipasa sa mga tao. Noong Disyembre 2018 hanggang Mayo 2021, mayroon ng higit sa tatlong dosenang mga kaso ang naitala sa China. Karamihan sa mga ito ay mga magsasaka mula  sa silangang lalawigan ng Shandong at Henan. Gayunpaman, wala namang naitalang nasawi mula sa kanila. 

Ayon sa isang ulat mula sa New Scientist, ang Langya virus (LayV) ay bahagi ng isang genus ng viruses na tinatawag na henipaviruses. Ang mga ito ay karaniwang nakakulong sa mga fruit bat. Ito rin ay malapit na naiuugnay din sa Hendra at Nipah viruses, na maaaring magdulot ng sakit sa mga tao. Ang dalawa ay inilarawan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) bilang lubhang nakakalasong pathogens na nagdudulot ng outbreak. Bukod pa rito, nauugnay din ito sa mataas na case-fatality ratio.

Gumamit ng throat swab sample ang mga taong nagkaroon ng lagnat at kamakailang mayroong animal exposure upang matukoy ito. At ang tingin ng mga mananaliksik ay dala ito ng mga shrew, na maaaring direktang mahawaan ang mga tao o sa pamamagitan ng isang intermediate na hayop.

langya virus

Ang Langya Virus Bilang Isang Zoonotic Virus

Katulad ng COVID-19 at monkeypox virus, ang Langya virus ay maaari ring matukoy bilang zoonic disease. Ayon sa CDC, ito ay tumutukoy sa mga sakit na sanhi ng mga nakapipinsalang mga germs na kumakalat sa pagitan ng mga hayop at tao. Ang mga naturang germs, tulad ng viruses, bacteria, parasites, at fungi, ay maaaring magdulot ng iba’t ibang klaseng sakit. Maaari itong maging hindi gaanong matindi (mild) o malubhang sakit na posibleng umabot sa pagkamatay ng tao. Upang mas madaling maunawaan, maaari mong isipin ang nangyari noong unang sumiklab ang mga kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng bansa. 

Maaari itong magdulot ng ilang mga respiratory symptoms tulad ng mga sumusunod:

Sa kasalukuyan, walang ebidensya na nakapagsasabi na ang Langya virus ay maaaring kumalat sa pagitan ng mga tao. Ibinanggit din ng mga mananaliksik na hindi rin ito humantong sa local outbreak dahil sa mga konektadong mga kaso.

Dapat Bang Ikabahala Ang Langya Virus?

Bagaman malabo naman daw itong magdulot ng panibagong pandemya, kailangan pa ring patuloy na subaybayan ang naturang virus dahil sa posibleng bilis nito dumapo sa mga tao. Ito ang iminungkahi ni Dr. Wang, isang propesor sa Duke-National University of Singapore Medical School, upang mabawasan ang panganib ng isang umuusbong na virus na maging isang krisis pangkalusugan. 

Sa buong mundo, 70% ng mga umuusbong na mga nakakahawang sakit ay naisip na buhat ng human-to-animal contact. At ang China ang kinakitaanan ng malalaking outbreaks mula sa mga umuusbong na viruses, kabilang ang SARS at COVID-19. Ang dalawa ay parehas na natuklasan sa bansa na pinaniniwalaang nagmula sa mga paniki. Ang pagkitil ng mga naturang sakit, partikular na ang COVID-19, ng milyun-milyong buhay ay testimonya kung gaano kahalaga ang mabilis na pagtukoy sa mga kaso ng novel viruses at ang pagbabahagi ng mga impormasyon sa mga potensyal na panganib sa iba’t ibang sulok ng mundo. 

Ayon sa emerging virus expert at propesor mula sa University of Hong Kong School of Public Health, lubos nating minamaliit ang bilang ng zoonotic cases sa mundo at maaaring “tip of the iceberg” lang itong Langya virus. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

A Zoonotic Henipavirus in Febrile Patients in China – Xiao-Ai Zhang, Hao Li, Fa-Chun Jiang, Feng Zhu, Yun-Fa Zhang, Jin-Jin Chen, Chee-Wah Tan, Danielle E Anderson, Hang Fan, Li-Yan Dong, Chang Li, Pan-He Zhang, Yue Li, Heng Ding, Li-Qun Fang, Lin-Fa Wang, Wei Liu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/35921459/, Accessed August 12, 2022

Henipaviruses, https://wwwnc.cdc.gov/travel/yellowbook/2020/travel-related-infectious-diseases/henipaviruses, Accessed August 12, 2022

Zoonotic Diseases, https://www.cdc.gov/onehealth/basics/zoonotic-diseases.html, Accessed August 12, 2022

New Langya virus found in China could be ‘tip of the iceberg’ for undiscovered pathogens, researchers say, https://edition.cnn.com/2022/08/12/china/china-new-virus-disease-animal-spillover-intl-hnk/index.html, Accessed August 12, 2022

Newly identified Langya virus being tracked after China infection, https://www.pna.gov.ph/articles/1181161, Accessed August 12, 2022

Kasalukuyang Version

10/12/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Paraan Para Labanan Ang COVID-19?

Gamot Sa Monkeypox: Ano Ang Makatutulong Sa Paggamot Ng Virus?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement