Masayang ipinakita ni Kapamilya actress Iza Calzado ang kanyang baby bump sa kanyang instagram post bilang marka ng kanyang pagbubuntis at 40th birthday.
“They say life begins at 40. So I had all these big plans for my 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life. Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan.”
Buong-puso niyang tinatanggap ang “blessing” ng pagbubuntis habang kasama ang kanyang asawa na si Ben Wintle. Dagdag pa rito, naniniwala rin si Iza na may mas malaking plano para sa kanya si God.
“Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!”
Para kay Iza Calzado ang kasabihan na “Life begins at 40″ ay totoo dahil ang buhay ng kanyang baby ay nagsimula sa kanyang 40’s.
“To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light,” she addressed her baby. “Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE.”
Madaling kumalat ang balita tungkol sa pagbubuntis ni Iza Calzado dahil isa siya sa mga sikat at beteranong aktres sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang ilang mga iconic role niya sa iba’t ibang palabas gaya ng Original Encantadia Series — kung saan ginampanan niya ang papel ni Amihan, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin.
Si Iza Calzado rin ang gumanap na ina ni Jane de Leon sa upcoming TV Series na Darna na inaabangan ngayon ng maraming mga Pilipino.
Iza Calzado Buntis! Heto Ang Mga Pregnancy Tips Para Sa 40’s Mom!
Iza Calzado buntis — Maaaring nakakabigla ito para sa iba, ngunit ang pagbubuntis sa edad na 40 ay posible. Sa katunayan, ang rate sa pagiging buntis sa edad na ito ay nagsimula ng tumaas mula 1985.
Gayunpaman, marami ang nag-iisip na ang pagbubuntis mula sa edad na 35 ay pwedeng magpataas ng risks sa pagkakaroon ng maselan na pagbubuntis. Ito ang nagiging dahilan para maisip ng ilan na hindi na sila magkakaanak sa edad na ito. Pero ang totoo — maaari ka pa ring magkanaak kahit nasa 40’s ka na.
Narito ang ilang pregnancy tips para sa 40’s mom upang matulungan ang bawat isa sa pangangalaga ng baby at sarili.
- Makipag-usap sa’yong primary care provider para maunawaan ang risks at benepisyo ng iyong pagbubuntis.
- Kumain ng mga masustansyang pagkain.
- Maglakad-lakad at magsagawa ng meditation upang mas maramdaman ang kagandahan ng paligid at makaramdam ng kapayapaan.
- Pagpapanatili ng malusog na timbang sa pamamagitan ng pagkain ng anti-inflammatory food.
- Pagkakaroon ng regular check-up para ma-monitor ang paglaki ng iyong anak at makatulong sa pagbawas ng risk sa pagkakaroon ng birth defects.
- Pakikipag-usap sa’yong doktor para sa pagkakaroon ng tama at angkop na dietary supplement upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon sa pagbubuntis.
- Siguraduhing nakakakuha ng sapat at maayos na tulog.
Mahalagang Paalala
Mahalaga na magkaroon ka ng regular check-ups and consultation sa doktor, dahil ang mga babaeng nagbubuntis sa edad na 40’s ay pwedeng magkaroon ng komplikasyon at maranasan ang mga sumusunod:
- Cesarean birth
- Low birth weight
- Komplikasyon sa pagbubuntis gaya ng mataas na presyon ng dugo, gestational diabetes at preeclampsia
- Premature labor
- Preterm birth
Ang pakikipag-usap sa’yong doktor tungkol sa medical history ay makakatulong din para mas ma-minimize ang mga risk ng pagkakaroon ng komplikasyon.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.