backup og meta

Ina Matagumpay na Nanganak Matapos ang Uterine Transplant

Ina Matagumpay na Nanganak Matapos ang Uterine Transplant

Pamilyar ang mga tao sa matagumpay na kwento tungkol sa transplant sa atay, bato, o sa puso. Ngunit narinig mo na ba ang tungkol sa uterine transplant? Ano ang uterine transplant? Sinasabi ng mga medikal na eksperto na ang operasyong ito ay nagbibigay sa mga baog na babae ng tsansa na magkaroon ng anak. Gaano katagumpay ang uterine transplant at may pakinabang ba ang pagsugal sa ganito? Alamin dito.

Si Deborah at ang Kanyang Kwento ng Tagumpay

Sa labas ng Paris, ang babaeng nagngangalang “Deborah,” ay nanganak kamakailan sa isang malusog na babaeng sanggol na tumitimbang na 1.85 kilograms. Ang nanay at anak ay nakagawa ng kasaysayan, dahil ang kanilang kaso ay ang kauna-unahang matagumpay na panganganak sa uterine transplant sa France.

Sinasabi ng mga pag-uulat na ang 36 na taong gulang na si Deborah ay ipinanganak na may Mayer-Rokitansky-Küster–Hauser Syndrome (Rokitansky Syndrome). Ito ay isang bihirang congenital malformation na nagreresulta sa pagkawala ng matris.

Noong Marso 2019, Nakatanggap si Deborah ng matris ng isang 57 na taong nanay. At matapos ang 2 taon, siya ay nanganak sa tulong ng parehong grupo ng mediko na nagsagawa ng transplant.

Panganganak Matapos ang Uterine Transplant, Bihira Ngunit Hindi Imposible

Ang kaso ni Deborah ay maaaring kauna-unahan sa France, ngunit kauna-unahan sa buong mundo na matagumpay na panganganak matapos ang uterine transplant na nangyari sa Sweden noong 2014.

Matapos ito, maraming mga experimental na pag-aaral na sumunod. Ang babae na may Rokitansky Syndrome (o ibang salik ng pagkabaog sa uterine) ay nakatanggap ng matris mula sa buhay na donor. Ito ay karaniwan sa mga taong nakapanganak na sa ilang mga sanggol.

Ang mga ibang mga kaso ay tulad sa Brazil at North America kabilang ang mga babae na nakatanggap ng matris mula sa kamakailan na namatay na donors. Ang parehong babae ay matagumpay na nakapanganak.

Ano ang Uterine Transplant? Isang Cutting-Edge, Ngunit Komplikadong Procedure

Ang matagumpay na mga kwento ng panganganak sa malusog na sanggol matapos ang transplant ay pinagmumukhang simple ang operasyon. Ngunit sinasabi ng mga eksperto na ang mga hakbang ay komplikado.

Ayon sa University of Pennsylvania Health System, ang panganganak matapos ang uterine transplant ay kabilang ang tatlong hakbang:

Bago mag Transplant

Ang magkasintahan ay nag-enrol at dumaan sa screening. Kung naka-set na ang lahat, sumasailalim sila sa in vitro fertilization, kung saan kumukuha ang doktor ng egg cells at fine-fertilize sa laboratory. Ang mga embryos ay magiging cryopreserved dahil ini-implant ang mga ito matapos ang transplantation.

Habang Transplant

Matapos ito, magpapalista ang babae para sa transplant. Ang matris ay maaaring mula sa buhay o kamakailan lamang na namatay na donor.

ano ang uterine transplant

Matapos ang Transplant

Matapos ang  transplant, ang babae ay makakatanggap ng immunosuppressant na gamot. Ito ay nakakapagpababa ng resistensya. Ang hakbang na ito ay mahalaga dahil makatutulong ito na maiwasan ang pagtanggi sa organ.

Matapos ang paggaling, ang grupo ng mga mediko ay magtatanim ng isang embryo sa nailipat na matris. Kadalasan, ang hakbang na ito ay nangyayari matapos ang 6 hanggang 12 mga buwan, depende sa kabuuang kondisyon ng babae at ang nailipat na kondisyon ng matris.

Kung nabuntis ang babae, ang grupo ng mediko ay maiginga babantayan ang kalagayan ng ina at sanggol hanggang siya ay makapanganak sa pamamagitan ng Caesarean-section (kadalasan nasa ika-37 hanggang ika-39 na linggo).

Mga Dapat Tandaan sa Uterine Transplant

Ang mga polisiya ay iba-iba depende kung saan kukunin ng babae ang operasyon. Halimbawa, sa University of Pennsylvania, ang mga kalahok ay maaaring magsilang ng 2 anak.

Matapos ito, tatanggalin nila ang matris (hysterectomy) at ihihinto ang immunosuppressive na gamot.

Worth The Risk ba Ito?

Ang ilang mga doktor ay hindi inirerekomenda ang uterine transplantation dahil sa potensyal na banta sa pisikal at emosyonal na kalusugan.

Sa pisikal, ang organ transplantation ay maaaring humantong sa kawalan ng dugo, infection at organ rejection. Maging ang pagkakaroon ng adverse reaction mula sa immunosuppressants.

Pangalawa, ang mga doktor ay karaniwang laging pinapayo ang hysterectomy matapos ang 1 hanggang 2 pagbubuntis. Ito ay sa kadahilanan na hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang pangmatagalang pagkonsumo ng anti-rejection na gamot para sa hindi ikamamatay na kondisyon.

Karagdagan, ang matagumpay na uterine transplantation ay walang garantiya na maaaring makapanganak. Ito ay maaaring magsanhi ng tiyak na emosyonal na alalahanin para sa babae at kanyang pamilya.

Pinaaalalahan din ng mga doktor ang mga interesado na ang transplant ay mahal. At kailangan din nilang maghanda ng dagdag na gastusin para sa in vitro fertilization.

Muli, hindi namin masasabi ang tagumpay ng kwento na tulad ng kay Deborah na hiniling na maging isang nanay dahil sa cutting-edge na pamamaraan.

Matuto pa tungkol sa napapanahong balita sa kalusugan, dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1. First baby born after uterus transplant in France
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/776366/first-baby-born-after-uterus-transplant-in-france/story/?utm_source=GMANews&utm_medium=Facebook&fbclid=IwAR0Eqo-OzCjzXinEIC9fQkYagrN9DqvOgbk7Bv0_NEc7BgARD6z-D0b8kZY
Accessed February 18, 2021

First live birth after uterus transplantation in the Middle East
https://mefj.springeropen.com/articles/10.1186/s43043-020-00041-4#:~:text=The%20first%20live%20birth%20after,for%20absolute%20uterine%20factor%20infertility.
Accessed February 18, 2021

Livebirth after uterus transplantation from a deceased donor in a recipient with uterine infertility
https://www.thelancet.com/journals/lancet/article/PIIS0140-6736(18)31766-5/fulltext
Accessed February 18, 2021

For the First Time in North America, a Woman Gives Birth After Uterus Transplant From a Deceased Donor
https://health.clevelandclinic.org/for-the-first-time-in-north-america-woman-gives-birth-after-uterus-transplant-from-deceased-donor/
Accessed February 18, 2021

Penn Uterus Transplant Program
https://www.pennmedicine.org/for-patients-and-visitors/find-a-program-or-service/penn-fertility-care/uterus-transplant
Accessed February 18, 2021

Uterine transplant: This prospect for pregnancy is not worth the risks
https://utswmed.org/medblog/uterine-transplant-motherhood/
Accessed February 18, 2021

Kasalukuyang Version

08/05/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement