backup og meta

Mainam Ba Ang Pagkain Ng Yogurt Kung Ikaw Ay May Diarrhea?

Mainam Ba Ang Pagkain Ng Yogurt Kung Ikaw Ay May Diarrhea?

Sa panahon ngayon, maraming mga tao ang nagsisikap na lumipat patungo sa mas natural na mga pamamaraan ng panggamot para sa iba’t ibang mga sakit. Ang isa rito na pangkaraniwan ay yogurt para sa pagtatae.

Gaano kabisa ang yogurt pagdating sa pagtatae, at ano nga ba ang nagagawa ng yogurt? Mayroon bang iba pang mga alternatibo? Magbasa para malaman ang mga sagot sa mga tanong na ito, at higit pa.

Gaano kabisa ang yogurt para sa pagtatae?

Ang pagtatae ay maaaring sanhi ng ilang mga bagay. Ito ay maaaring dahil sa isang impeksyon, irritable bowel disease, constipation, at iba pang kondisyon na nakaaapekto sa tiyan. Para sa iba, ang panggamot sa pagtatae ay pag-inom ng iba’t ibang uri ng gamot pati na rin ang pagbabago sa diyeta.

Gayunpaman, parami nang parami ang tao na sumusubok ng iba pang paraan ng pamamahala at panggamot ng pagtatae. Ang isa sa mga karaniwang paraan na nagiging popular ay ang pagkain ng yogurt para sa pagtatae.

Ang pangunahing dahilan ay naglalaman ang yogurt ng mga probiotics o mga live microorganism, pati na rin ang iba pang katulad na mga produkto. Maaaring makatulong na “balansehin” ang mga microorganism sa loob ng tiyan.

Sinasabi na ang mga probiotic na ito ay nakatutulong na patayin ang anumang nakapipinsalang bakterya o mga virus. Maaari din itong makatulong sa tamang panunaw. Nakatutulong ang yogurt na mapabuti ang bituka, at mapabuti ang pangkalahatang panunaw.

Gayunpaman, naipakita sa pag-aaral na maliit lamang ang naitutulong ng yogurt sa pagtatae. Sa kabilang banda, binigyang-diin din ng mga mananaliksik na ang resulta ay hindi tiyak pagdating sa pagiging epektibo ng probiotics sa pagtatae. Idinagdag din nila na ang karagdagang pananaliksik ay kailangan pang gawin upang talagang malaman kung makakatulong o hindi ang mga probiotics.

Ano ang probiotics?

Tulad ng nabanggit sa itaas, ang probiotics ay mga microorganisms na tumutulong na panatilihin ang balanse ng ating tiyan. Kapag ang isang tao ay natatae o sumasakit ang tiyan, ang karaniwang salarin ay masamang bacteria o isang virus na nakaaapekto sa tiyan.

Nilalabanan ng probiotics ang masamang bakterya, at napapanatili ang isang malusog na balanse ng mga microorganisms sa loob ng tiyan. Nakatutulong din ito sa panunaw, at tumutulong sa pagkasira ng pagkain.

Para sa karamihan, ang mga tao ay hindi kinakailangang kumuha ng anumang mga suplemento o kumuha ng mga probiotics upang mapanatili ang isang malusog na bituka. Ang pagkakaroon ng isang malusog na diyeta ay sapat na upang mapanatili ang malusog na lebel ng probiotics sa bituka. Gayunpaman, ang ating pamumuhay at  diyeta ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng lebel ng mabubuting bakterya. Ito ay kapag ang pagkain ng yogurt at iba pang mga probiotic na pagkain ay kasama rin.

Pagdating sa gamot, ang mga doktor ay hindi pa rin sigurado kung gaano kabisa ang probiotics. Ang mga pag-aaral ay nagpakita ng magkakaibang mga resulta, ngunit sa pangkalahatan, ang pag-inom ng probiotic ay kadalasang nakatutulong laban sa mga banayad na kaso ng pagtatae at sakit sa tiyan. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi dapat gamitin bilang kapalit para sa medikal na panggamot dahil hindi pa lubos na nauunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga probiotic at ang bituka sa isa’t isa.

Key Takeaways

Ang mga probiotic ay maaaring magkaroon ng potensyal bilang isang paraan ng pamamahala ng mga sakit sa tiyan. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay walang sapat na pananaliksik tungkol sa medikal na paggamit nito.
Para sa karamihan, ang probiotic ay karaniwang hindi nakapipinsala, at mainam na inumin ito nang madalas. Ngunit mahalagang tandaan na hindi dapat ito gawing kapalit ng gamot o medikal na panggamot.
Kung interesado ka sa mga probiotics maaaring makipag-usap muna sa iyong doktor tungkol dito. Makapagbibigay sila ng payo kung paano pinakamahusay na gamitin ito, at kailan ka dapat umiinom ng probiotics.

Matuto pa tungkol sa Diarrhea rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Ka Nakakaranas Ng Pabalik-balik Na Pagtatae? Alamin Dito!

7 Dahilan Ng Pagsusuka Ng Bata Na Dapat Malaman Ng Magulang!


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement