backup og meta

Posibleng mga Epekto Kapag Nalipasan ng Gutom

Epekto ng nalipasan ng gutom ay dapat mong alamin kung palagi kang hindi kumakain sa oras. Humigit-kumulang 10% ng populasyon ng mundo o hanggang 811 milyong tao ang regular na natutulog nang gutom. Isa ka ba dito? 

Ang paglaktaw sa pagkain ay maaaring hindi maiiwasan paminsan-minsan. Ngunit ang patuloy na paggawa nito ay maaaring negatibong makaapekto sa iyong kalusugan at humantong sa mga kakulangan sa nutrisyon. Hindi mo rin kayang gawin ang iyong pinakamahusay dahil ang napagpagtutuunan mo ng pansin ay pagkain. Kung ikaw man ay abala, natutulog, o naipit sa trapiko, hindi pa rin sapat na dahilan ang mga ito upang kumain sa tamang oras.

Ano ang pagkagutom at epekto ng nalipasan ng gutom

Pinakapamilyar na epekto ng gutom na pinakamadalas nating maranasan ay ang mga sumusunod na sintomas: 

  • Pagkalam ng tiyan
  • Banayad na pagkahilo
  • Pabago-bagong emosyon o disposisyon
  • Pagduduwal
  • Pagnanais na kumain ng marami

Ghrelin at leptin

Ang pagkagutom ay binubuo ng isang komplikadong sistema ng pisikal at hormonal na mga senyales. Kabilang dito ang maraming bahagi ng katawan tulad ng utak, pancreas, tiyan, at iba pang bahagi ng bituka. Mayroong dalawang pangunahing hormone na sangkot sa mga senyales ng gutom at ito ang ghrelin at leptin.

Isa sa mga epekto ng nalipasan ng gutom ay ang pagtaas ng antas ng ghrelin na ginagawa ng iyong tiyan. Ang hormone na ito ay nagpapataas ng gana, gastric motility, at gastric acid secretion. Pinakamataas ang antas ng ghrelin bago kumain, kapag ang blood sugar ay mababa at ang iyong tiyan ay walang laman. Sa kabilang banda, ang mga fat cells ay naglalabas ng leptin kapag ikaw ay kumain na. Nakikipag-ugnayan sa utak ang leptin upang ipaalam na mayroon kang sapat na mga calorie na nakaimbak. Samakatuwid ay oras na upang pigilan ang mga senyales ng gutom. 

Epekto ng nalipasan ng gutom

Mabagal na metabolismo

Ang pagkalipas ng gutom ay nagiging sanhi ng pagbaba ng metabolismo ng katawan. Dahil dito, konting enerhiya na lang ang susunugin ng katawan. Maaaring humantong ito sa pagdagdag ng timbang kapag kumain ka ng karaniwang dami ng pagkain na nakagawian mo. At dahil konti na lang ang enerhiya ng katawan, magiging matamlay ka at pagod.

Sinusunog ng kalamnan ang mga calorie, kaya ang mas kaunting kalamnan ay nangangahulugan ng mas mabagal na metabolismo. Ang mga antas ng thyroid hormone at catecholamine, na gumaganap ng mahalagang papel sa metabolismo, ay bumababa kapag hindi ka kumain. 

Makagambala sa regulasyon ng gutom

Hindi maganda ang epekto ng nalipasan ng gutom sa balanse ng mga hormones na may kontrol sa pagkagutom. Habang pinasisigla ng ghrelin ang iyong ganang kumain, pinipigilan naman ito ng leptin. Gayunpaman, ang sobrang pagkain pagkatapos mong malipasan ng gutom ay maaaring makagambala sa balanseng ito.

Ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa taba, asin, o asukal ay naglalabas ng mga “feel-good” hormones tulad ng dopamine. Sa paglipas ng panahon, maaaring iugnay ng iyong katawan ang mga kasiyahang ito sa ilang partikular na pagkain. Ang prosesong ito ay maaaring tuluyang sumira sa regulasyon ng gutom. Maaari itong humikayat sa iyong kumain para sa kasiyahan sa halip na dahil sa gutom.

Nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan

Ang patuloy na pag-aalala tungkol sa kung saan magmumula ang susunod na pagkain ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan ng isip tulad:

  • Depresyon
  • Pagkabalisa
  • Posttraumatic stress disorder (PTSD)

Ang paglaktaw sa almusal ay nakakadagdag ng panganib ng stress at depressive mood. Laganap ang stress, depressive mood, at suicidal ideation habang dumadalas ang paglaktaw sa pagkain.

Halimbawa, ang madalas na paglaktaw sa pagkain ay maaaring mag-ambag sa mood swings. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng mga pagbabago sa mga antas ng blood sugar na epekto ng nalipasan ng gutom.

Key Takeaways

Maraming tao sa buong bansa ang lumalaktaw hindi lamang sa almusal kung hindi pati na rin sa ibang pagkain. At kapag mas maraming pagkain ang kanilang napapalampas, mas matinding gutom ang nakakaapekto sa kanilang isip at katawan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

3 devastating effects of hunger on the body

May 2021

https://www.feedingamerica.org/hunger-blog/3-ways-hunger-affects-your-body

What Happens To The Body And Mind When Starvation Sets In?

January 2016

https://www.npr.org/sections/goatsandsoda/2016/01/20/463710330/what-happens-to-the-body-and-mind-when-starvation-sets-in

Hunger and Appetite

https://badgut.org/information-centre/a-z-digestive-topics/hunger-and-appetite/

Reconnect with your hunger cues

July 2012

https://www.canr.msu.edu/news/reconnect_with_your_hunger_cues

How do you stop hunger pains?

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321725

 

Kasalukuyang Version

10/27/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Ka Nakakaranas Ng Pabalik-balik Na Pagtatae? Alamin Dito!

7 Dahilan Ng Pagsusuka Ng Bata Na Dapat Malaman Ng Magulang!


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement