Ang mga ulcers ay kadalasang sanhi ng bacterial infections, gayundin ang pangmatagalang paggamit ng ilang mga gamot. Gayunpaman, maaaring magkaroon din ng ulcer dahil sa paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak. Katunayan, ang peptic ulcer ay malapit na nauugnay sa dalawang habit na ito. Ngunit paano nga ba sila nagiging sanhi ng mga ulcer?
Ano ang peptic ulcers?
Ang ulcers ay mga sugat na makikita sa lining ng gastrointestinal tract. Ibig sabihin maaaring magkaroon ng ulcers sa esophagus, tiyan, o maliit na bituka.
Peptic ulcer ang pinakakaraniwang uri ng ulcers. Ang mga ito ay makikita sa sikmura at maliit na bituka. Karaniwan, ang ulcer sa tiyan ay tinatawag ng gastric ulcer. Posible magkaroon ng parehong ulcers na ito ang isang tao.
Ang bacterial infection ng isang organismo na kilala bilang H. pylori ay ang pinakakaraniwang sanhi ng peptic ulcer. Ngunit ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay maaari ding magpapataas ng panganib ng isang tao na magkaroon ng peptic ulcer.
Paano nagkakaroon ng ulcer dahil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak?
Natuklasan ng mga pag-aaral na ang mga naninigarilyo ay mas malamang na magkaroon ng peptic ulcer. Ito ay dahil ang paninigarilyo ay nagti-trigger ng pagtaas ng produksyon ng gastric acid, o ang acid na nasa sikmura.
Ang sikmura ay may isang layer ng mucus na pumipigil sa acid mula sa pagkasira ng lining ng tiyan. Maaaring mawala ang maraming gastric acid sa protective layer na ito, kaya maaaring mabuo ang mga ulcer. Gayundin, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang usok ng sigarilyo ay nagpapababa ng kakayahan ng pancreas na ma-neutralize ang sobrang acid sa tiyan. Dahil dito, ang mga naninigarilyo ay mabagal gumaling sa ulcer.
Ang isa pang epekto ng paninigarilyo ay nagti-trigger ito ng acid reflux. Sa tuwing nakakaranas ang isang tao ng acid reflux, ang mga acid sa sikmura ay bumalik sa esophagus. Sa paglipas ng panahon, maaari itong unti-unting mawala sa esophagus, na nagdudulot ng pagkakaroon ng mga ulcer.
Samantala, ang peptic ulcer at alak ay may kapansin-pansing koneksyon. Ito ay dahil ang kaunting alak ay pwedeng aktwal na makapigil sa peptic ulcers sa pamamagitan ng pagpatay sa H. pylori bacteria bago ito makahawa sa bituka. Kaya lang, ang labis na pag-inom ng alak ay maaaring magpataas ng acidity ng sikmura. Gayundin, maaaring mauwi sa pamamaga at pagkakaroon ng peptic ulcer dahil sa paninigarilyo.
Ang sobrang pag-inom ng alak ay maaari ding maging sanhi ng gastritis. Kapag hindi naagapan, maaari itong magdulot ng peptic ulcer. Ang alkohol ay nagpapahirap sa mga taong may ulcer na gumaling dahil pinipigilan nito ang dapat na kakayahan ng tiyan na gumaling.
Ano ang maaari mong gawin tungkol dito?
Ngayong alam na natin kung paano nagkakaroon ng ulcer dahil sa paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak, narito ang ilang mga paraan upang gawing mas madaling ihinto ang alinman sa mga gawi na ito:
Huwag biglang huminto
Ang pagtigil sa paninigarilyo o pag-inom ay hindi madali. Kung biglang hihinto, maaaring maging mas mahirap para sa iyo na mag-quit. Ito ay lalo na kung ikaw ay naninigarilyo o umiinom ng mahabang panahon. Huwag mawalan ng loob kung hindi mo agad ito maihinto. Sa halip, unti-unting bawasan ang dami ng sigarilyo o alak na kinukonsumo.
Humanap ng support group
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa iyong pakikibaka; marami rin ang nahihirapang huminto sa paninigarilyo o pag-inom. Ang isang paraan upang gawin ito ay ang maghanap ng support group ng mga taong katulad mo. Ito ay upang matulungan ninyo ang isa’t isa na makamit ang inyong mga layunin.
Huwag panghinaan ng loob
Huwag mawalan ng pag-asa kung babalik ka. Nangyayari ito sa lahat, at ang mahalagang tandaan ay maaari mo pa ring subukang muli. Tumutok sa iyong mga layunin, at huwag sisihin ang iyong sarili kung hindi mo maihinto kaagad ang mga ito.
Laging tandaan na ito ay para sa iyong kalusugan
Panghuli, tandaan na ginagawa mo ito para sa iyong kalusugan. Ang pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ay maaaring magkaroon ng agarang positibong epekto sa iyong katawan, at maaaring makabuluhang bawasan ang iyong mga pagkakataong magkaroon ng mga isyu sa cardiovascular, cancer, at iba pang mga problema sa kalusugan.
[embed-health-tool-bmi]