Ang ulcer ay karaniwan sa mga Pilipino. Ngunit ang magandang bagay ay ang mga sintomas nito ay maaaring pamahalaan sa bahay. Ano ang pinakamahusay na natural na gamot sa ulcer?
Ano Ang Peptic Ulcer?
Ang peptic ulcer ay sugat na matatagpuan sa lining ng tiyan (gastric ulcer), o sa itaas na bahagi ng small intestines (duodenal ulcers). Ang pinakakaraniwang sanhi ng kondisyong ito ay impeksyon sa Helicobacter pylori bacteria, at pangmatagalang paggamit ng NSAIDS (non-steroidal anti-inflammatory drugs) at aspirin.
Pananakit ng tiyan ang pinakakaraniwang sintomas na nararanasan ng mga taong dumaranas ng peptic ulcer.
Mga Tip Sa Paggamot Sa Bahay Para Sa Peptic Ulcer
Ang isang mahalagang bagay na dapat linawin tungkol sa peptic ulcer ay ang mga maanghang na pagkain at stress ay hindi nagdudulot nito. Gayunpaman, may posibilidad na makapagpalala ito ng mga sintomas.
Kung naghahanap ka ng pinakamahusay na natural na gamot sa ulcer, isaalang-alang ang sumusunod:
Muling Isaalang-Alang Ang Iyong Mga Gawi
Upang maiwasang lumala ang iyong mga ulcer, subukang huminto sa paninigarilyo, at iwasan ang pag-inom ng alak.
Ang dahilan nito ay ang paninigarilyo ay maaaring mas makapagpahina ng lining ng tiyan patungo sa pagbuo ng ulcer. Ito ay dahil sa kakayahang nitong makagambala sa proteksiyon na lining ng tiyan.
Bukod pa rito, ang paninigarilyo ay maaaring makapagpataas ng acid sa tiyan, na maaaring magpalala ng mga sintomas.
Sa kabilang banda, sinasabi ng mga doktor na ang pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng pamamaga at pagdurugo. Ang dahilan nito ay maaari ring masira ng alkohol ang proteksiyon na lining ng tiyan at bituka. Higit pa rito, maaari rin itong maging sanhi ng pangangati.
Subukang Iwasan Ang Pag-Inom Ng Gatas
Ang ilang mga tao na may mga peptic ulcer ay gumagaan ang pakiramdam pagkatapos uminom ng gatas. Gayunpaman, sa paglaon, ito ay maghihikayat ng labis na produksyon ng asido na magpapalala sa sakit.
Kung mahilig ka sa gatas o ito ay isang malaking bahagi ng iyong diyeta at nutrisyon, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa magagandang mga pamalit.
Bawasan Ang Stress
Tulad ng nabanggit kanina, ang stress ay hindi nagiging sanhi ng mga ulcer, ngunit maaari itong makapagpalala ng mga sintomas.dagdag pa rito, ang pagbabawas ng stress o epektibong pagharap sa stress ay ang pinakamahusay na natural na gamot sa ulcer.
Sabi ng mga eksperto, malaki ang maitutulong kung matutukoy mo ang sanhi ng iyong stress. Kung posible na alisin ang mga sanhi, subukang gawin ito. Kung hindi mo kaya, pagkatapos ay magsagawa ng ilang mga pagsasanay na nagpapababa ng stress.
Siguraduhing Sapat Ang Tulog
Kapag kulang ka sa tulog, malamang na mas madaling ma-stress ka. Bukod pa rito, ang sapat na pagtulog ay mabuti para sa iyong immune system. At samakatuwid ito ay makakatulong sa paglaban sa ulcer o mapabilis ang proseso ng paggaling.
Pag-Isipan Ang Iyong Mga Gamot
Tinalakay sa rtikulong ito na ang pangmatagalang paggamit ng NSAIDS at aspirin ay maaaring magdulot ng mga peptic ulcer. Upang malunasan ang iyong kondisyon, maaaring makipag-ugnayan sa iyong doktor tungkol sa iyong mga gamot.
Halimbawa:
- Itanong kung posibleng palitan ang NSAIDS ng iba pang mga pain-reliever.
- Magtanong kung may posibleng paraan para protektahan ang iyong tiyan at maliit na bituka kung hindi maiiwasan ang NSAIDS.
- Tingnan kung ayos lang na piliin ang pinakamababang dosis ng NSAID bilang gamot.
Natural Na Gamot Sa Ulcer
Bukod sa mga tip na nakalista sa itaas, ang pinakamahusay na natural na gamot sa ulcer ay maaaring isa sa mga sumusunod na hakbang.