backup og meta

Mabisang Gamot Sa Sakit Sa Lapay o Pancreas, Alamin Dito

Mabisang Gamot Sa Sakit Sa Lapay o Pancreas, Alamin Dito

Napakahalagang organ ng ating katawan ang lapay o pancreas, dahil tumutulong ito sa pagtunaw ng pagkain at pamamahala ng paggamit ng asukal para sa ating enerhiya. Kaugnay nito, hindi mo dapat isantabi ang pagkakaroon ng mga sintomas ng pancreatic digestion o sakit sa lapay, gaya ng pananakit ng tiyan, lagnat, panghihina, at pagkahilo, dahil maaari itong mauwi sa malubhang medikal na komplikasyon. Ipinapayo na magpatingin agad sa doktor para mabigyan ng payo tungkol sa mga mabisang gamot sa sakit sa lapay o pancreas upang makatulong sa pagpapagaling. Pero ang tanong ano nga ba ang mga gamot na ito na pwedeng magamit?

Bago sagutin ang tanong na ito, alamin muna natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pancreas at mga sakit na pwedeng maranasan kaugnay nito.

mabisang gamot sa sakit sa lapay

Ano Ang Pancreas?

Ang lapay ay isang organ at glands na mayroong kakayahan na mag-produce at mag-release ng substances sa katawan. Malaki ang ginagampanang papel ng ating pancreas sa pag-convert ng pagkain na ating kinokonsumo para gawing fuel sa cells ng ating katawan. Kilala rin ang lapay bilang bahagi ng ating digestive system na matatagpuan sa likod ng abdomen (belly).

Dagdag pa rito, ayon sa mga doktor mayroong 2 pangunahing paggana ang pancreas. Narito ang mga sumusunod na dapat mong malaman:

  • Exocrine function — nagpro-produce ito ng substances na tinatawag na enzymes na tumutulong sa digestion o panunaw ng tao.
  • Endocrine function — nagpapadala ito ng hormones na tumutulong sa pag-regulate ng blood sugar sa daluyan ng dugo o bloodstream.

Ano Ang Mga Sakit Sa Lapay Na Pwedeng Makuha?

Mayroong 3 karaniwang problema na nakakaapekto sa pancreas at narito ang mga sumusunod na dapat mong malaman:

Diabetes

Pwede kang magkaroon ng diabetes kapag ang iyong pancreatic beta cells ay hindi gumagawa ng sapat na insulin, o hindi magamit ng ating katawan ang insulin na ginawa ng lapay – at ayon sa mga doktor ang diabetes ay pwedeng makaapekto sa ating digestion o panunaw. 

Pancreatitis

Nagaganap ang kondisyong ito kapag namamaga at inaatake ng digestive enzymes ang pancreas ng isang tao. Ang ganitong pangyayari ang nagiging dahilan ng malubhang pananakit ng tiyan. Maaaring maging acute o chronic ang pancreatitis at narito ang mga sumusunod na impormasyon tungkol dito:

  • Acute Pancreatitis — ang pangunahing dahilan ng kondisyong ito ay ang mga gallstone na humaharang sa karaniwang bile duct. 
  • Chronic Pancreatitis — nagsisimula ito bilang acute pancreatitis at maaaring lumalala sa paglipas ng panahon. Ang pagkakaroon ng kondisyong ito ang dahilan ng malubhang pagkasira ng iyong lapay at kawalan ng kakayahan na gumawa ng enzymes at hormones na kailangan ng ating katawan. 

Sa madalas na mga kaso ang chronic pancreatitis ang dahilan ng diabetes ng isang indibidwal. Nagiging posible ito dahil sa kawalan ng kakayahan ng pancreas na gumawa ng insulin na kumokontrol sa blood sugar.

Pancreatic Cancer

Ang pancreatic cancer ay nagsisimula sa mga selula na gumagawa ng enzymes para sa panunaw. Ang kawalan ng sapat na pancreatic enzymes para sa normal digestion ay komon para sa pancreatic cancer. Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ang pagbaba ng timbang, pagkawala ng appetite, hindi pagkatunaw ng pagkain, at pagkakaroon ng matatabang dumi o “fatty stools.”

Anu-Ano Ang Mga Mabisang Gamot Sa Sakit Sa Lapay?

Sa oras na makaranas ng mga sintomas kaugnay sa mga sakit na pwedeng makuha sa pancreas, huwag kang mag-atubili na magpakonsulta sa doktor para sa mga medikal na payo at diagnosis. Asahan mong magbibigay sila ng mga test at magtatanong tungkol sa’yong medical history.

Kapag lumabas sa’yong resulta na may mga problema, maaaring magrekomenda sila ng iba’t ibang gamot at narito ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng pain medicine
  • Pag-take ng pancreatic enzyme supplements sa bawat pagkain
  • Pagkuha ng insulin kung nakapagdebelop ka na ng diabetes
  • Pag-inom ng vitamin supplements

Pwedeng mag-iba sa bawat tao ang reseta at rekomendasyon ng doktor dahil sa kasalukuyang lagay ng lapay at medikal na kondisyon. 

Key Takeaways

Ang mga sakit sa lapay ay pwedeng madebelop dahil sa pagkakaroon natin ng unhealthy lifestyle. Kaugnay nito, maganda kung sisikapin natin na magkaroon tayo ng malusog na eating habits at diet para sa pagpapanatili ng kalusugan ng ating pancreas. 
Sa panahon natin mas marami na ang gamot na pwedeng ibigay ng doktor para sa paggamot ng sakit sa lapay. Pero dapat mong tandaan na hindi ka basta-basta mag-self diagnose para sa mga gamot na dapat mong inumin. Siguraduhin na ang lahat ng gamot na iyong iinumin ay aprubado ng iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Digestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acute and Chronic Pancreatitis https://www.emedicinehealth.com/pancreatitis/article_em.htm Accessed July 4, 2022

Chronic Pancreatitis Treatment https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/chronic-pancreatitis/chronic-pancreatitis-treatment Accessed July 4, 2022

Pancreatitis Treatments and Medications https://www.singlecare.com/conditions/pancreatitis-treatment-and-medications Accessed July 4, 2022

Treatment – Chronic pancreatitis https://www.nhs.uk/conditions/chronic-pancreatitis/treatment/ Accessed July 4, 2022

Pancreatitis https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pancreatitis/diagnosis-treatment/drc-20360233 Accessed July 4, 2022

Treatment for Pancreatitis: How do healthcare professionals treat pancreatitis? https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/pancreatitis/treatment Accessed July 4, 2022

The Digestive Process: What Is the Role of Your Pancreas in Digestion? https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/the-digestive-process-what-is-the-role-of-your-pancreas-in-digestion#:~:text=Your%20pancreas%20is%20important%20for,loss%2C%20call%20your%20healthcare%20provider. Accessed July 4, 2022

Pancreas https://my.clevelandclinic.org/health/body/21743-pancreas Accessed July 4, 2022

The Pancreas and Its Functions https://columbiasurgery.org/pancreas/pancreas-and-its-functions Accessed July 4, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mabisang Gamot Sa Diabetes: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Sintomas Ng Pancreatitis: Alamin Dito Kung Anu-Ano Ang Mga Ito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement