Hindi nakapagtataka na malito ang mga tao sa IBD at IBS. Kahit papaano, pareho silang nakakaapekto sa gastrointestinal o GI tract, at pareho silang may mga katulad na sintomas. Pero ano ang pinagkaiba ng IBD at IBS? Kailan ka dapat humingi ng medikal na atensyon para sa alinman sa mga kondisyong ito?
Ano ang Inflammatory Bowel Disease o IBD?
Ang Inflammatory Bowel Disease o IBD ay kondisyon na nakakaapekto sa bituka. Hindi ito partikular na sakit, pero ginagamit na collective term para sa mga sakit na nagdudulot ng pamamaga ng mga bituka. Ulcerative colitis at Crohn Disease ang pinakakaraniwang sakit sa ilalim ng IBD.
Ang sakit na Crohn ay nagdudulot ng pamamaga ng anumang bahagi ng luminal gastrointestinal tract, saan man mula sa oral cavity hanggang perianal area. Ang ulcerative colitis ay mga paulit-ulit na yugto ng pamamaga na limitado sa mucosal layer ng colon.
Hindi pa rin sigurado ang mga doktor sa eksaktong dahilan ng Inflammatory Bowel Disease o IBD. Gayunpaman, ang umiiral na teorya ay dahil sa genetics o maaaring nauugnay ito sa autoimmune response. Ang ibig sabihin nito ay sa halip na ang atakihin ng immune system ay mga nakakapinsalang sakit, inaatake nito ang healthy cells ng intestines. Nagreresulta ito sa pamamaga ng bituka, at ang host ng mga sintomas na nauugnay sa IBD.
Dahil sa pamamaga na resulta ng IBD, ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng pagtatae, constipation, cramps, o maging dugo sa dumi. Sa mas seryosong mga kaso, ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng anemia, biglang pagbaba ng timbang, o pagkawala ng gana.
Sa ngayon, walang lunas para sa IBD. Ang pinakamainam na maaaring gawin ng mga pasyente ay i-manage ang kondisyon. At iwasan ang biglang paglabas ng mga sintomas.
Pinagkaiba ng IBD at IBS: Ano ang Irritable Bowel Syndrome o IBS?
Ang irritable bowel syndrome, o IBS, ay paulit-ulit na pananakit ng tiyan. Ito ay karaniwang isang beses sa isang araw bawat linggo sa huling 3 buwan na nauugnay sa 2 o higit pa sa mga sumusunod : nauugnay sa pagdumi, pagbabago sa dalas ng dumi, at pagbabago sa hitsura ng dumi.
Hindi na bago sa mga pasyenteng may IBS ang makaranas ng abdominal pain, cramps, diarrhea, constipation, o pareho. Maaaring maramdaman din ng mga pasyente ang kabag o bloated, at makaapekto sa pang-araw-araw na buhay, kung hindi mapamahalaan.
Katulad ng inflammatory bowel disease, ang irritable bowel syndrome ay hindi pa alam ang lunas. Gayunpaman, ang mga sintomas ay maaaring pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabago sa diyeta, o sa pamamagitan ng gamot.
Ano ang pinagkaiba ng IBD at IBS?
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga katulad na sintomas, ang IBD at IBS ay may magkaibang mga kondisyon.
Ang isa sa mga pinakamalaking pinagkaiba ng IBD at IBS ay ang IBD ay isang sakit, at ang IBS ay isang syndrome. Ito ay dahil ang IBD ay nagti-trigger ng partikular ng mga epekto sa katawan at may kasamang iba’t ibang sintomas. Ang IBS naman ay mas tungkol sa koleksyon ng mga sintomas na maaaring maranasan ng mga pasyente.
Ang isa pang pinagkaiba ng IBD at IBS ay ang inflammatory bowel disease o IBD ay pwedeng magdulot ng malubhang pinsala at pamamaga sa bituka. Kung hindi ginagamot, ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng seryosong health problems. At maaaring magkaroon ng problema sa paggana ng kanilang mga bituka.
Sa kabilang banda, ang IBS ay hindi nagiging sanhi ng anumang pamamaga. Kadalasan hindi kailangan ng pagpapa-ospital. Gayunpaman, ang IBS ay maaaring magdulot madalas ng discomfort at makaapekto sa kalidad ng buhay ng isang tao.
Ang isa pang pinagkaiba ay makikita nang malinaw sa imaging tests ang mga epekto ng inflammatory bowel disease. Sa kabilang banda, ang imaging tests ay hindi nagpapakita ng anumang abnormalidad para sa mga pasyente na may irritable bowel syndrome.
Key Takeaways
Pagdating pinagkaiba ng IBD at IBS, ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay ang mga kondisyong ito ay kailangang seryosohin. Kung mayroon kang alinman sa mga kondisyong ito, huwag mag-atubiling bisitahin ang iyong doktor upang makita kung ano ang maaaring gawin tungkol sa iyong kondisyon. Sa ganitong paraan, matututunan mong i-manage ang IBD o IBS, at matiyak na maaari ka pa ring magkaroon ng magandang kalidad ng buhay.
Matuto pa tungkol sa IBS dito.
[embed-health-tool-bmi]