backup og meta

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Irritable Bowel Syndrome

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Irritable Bowel Syndrome

Ang irritable bowel syndrome (IBS) ay nakaaapekto sa halos 10-15% ng populasyon ng mundo. Ito ay hindi isang tiyak na sakit, sa halip, ito ay grupo ng mga sintomas na nakaaapekto sa digestive system ng isang tao. Subalit ano ang IBS? Alamin sa artikulong ito.

Ano Ang IBS?

Ang irritable bowel syndrome ay nagdudulot ng pananakit sa tiyan, pagbabago sa pagdumi, at kabuoang hindi komportableng pakiramdam sa digestive tract. Ito ay lubhang nakaaapekto sa large intestine. Gayunpaman, posible ring maapektuhan ng IBS ang small intestine.

Sa kabuoan, ang IBS ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng malubhang panganib sa kalusugan ng isang tao. Gayunpaman, ang kondisyong ito ay nagiging sanhi ng hindi komportableng pakiramdam, pananakit, at maaaring humantong sa mga kondisyon tulad ng almoranas.

Ito ang dahilan kung bakit kapag ang kondisyon ay maaaring makaapekto sa araw-araw na pamumuhay, komunsulta sa doktor.

Ano Ang IBS? Mga Sintomas Nito

Ang mga sintomas ng irritable bowel syndrome ay maaaring iba-iba sa bawat tao. Narito ang ilan sa mga posibleng sintomas na maaaring maranasan ng isang taong may IBS:

  • Pagtitibi
  • Pagtatae
  • Pananakit ng tiyan
  • Bloating
  • Pakiramdam na hindi nailabas ang lahat ng dumi

Ang mga may ganitong kondisyon ay maaaring makaranas ng anumang kombinasyon ng mga nasabing sintomas. Minsan, ang mga sintomas ay maaari ding magbago. Gayunpaman, ang isang taong may IBS ay karaniwang nakararanas ng mga sintomas na ito loob ng mahabang panahon. Ang hindi karaniwang sintomas nito ay maputing mucus sa dumi.

Ano Ang IBS? Mga Sanhi At Mapapanganib Na Salik

Ang mga sanhi ng irritable bowel syndrome ay maaaring iba-iba sa bawat tao. Ang IBS ay hindi isang tiyak na sakit, sa halip, isa itong grupo ng mga sintomas na maaaring maging sanhi ng maraming mga bagay.

Dagdag pa, ang tiyak na sanhi ng IBS ay nananatili pa ring isang misteryo sa mga siyentista. Gayunpaman, may ilang mga bagay na pinaniniwalaan ng mga siyentista na nakapagpapataas ng tyansa ng pagkakaroon ng IBS:

  • Stress
  • Mga problema sa kalusugang pangkaisipan tulad ng pagkabalisa o depresyon
  • Mga impeksyon sa gastrointestinal tract
  • Intolerance sa pagkain tulad ng lactose intolerance
  • Iba pang mga kondisyon tulad ng Crohn’s disease
  • Biglang pagbabago sa balanse ng bakterya sa bituka

Mga Mapapanganib Na Salik

Ang mga mapapanganib na salik ng irritable bowel syndrome ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Pagiging edad 50 o mas bata pa
  • Ang mga kababaihan ay mas may tyansang magkaroon ng IBS kaysa sa mga kalalakihan
  • Maaaring mamana ang irritable bowel syndrome
  • Pagiging balisa, pagkakaroon ng depresyon, at iba pang mga kondisyon ng kalusugang pangkaisipan

Ang isang taong walang risk ng pagkakaroon ng IBS ay maaari ding makaranas nito. Ito ay isang bahagyang karaniwang kondisyon, at hindi imposible para sa isang tao na hindi maranasan ito sa isang bahagi ng kanyang buhay.

Pagkontrol At Gamutan

Sa usapin ng paggamot sa IBS, ang mainam na paraan ay ang pagkontrol sa mga sintomas na nararanasan ng isang tao.

Ibig sabihin, maaaring uminom ng mga gamot na walang reseta kung nakararanas ng pagtatae o pagtitibi. Sa ilang mga kaso, maaaring ireseta ng doktor ang fiber supplements upang makatulong sa pagkontrol ng dumi.

Posible ring magreseta ang doktor ng gamot para sa pananakit kung nakararanas ng pananakit sa tiyan sanhi ng IBS.

Para sa mga nakararanas ng depresyon at pagkabalisa, ang antidepressants ay maaaring makatulong upang maibsan ang mga epekto ng IBS.

Ano Ang IBS? Paano Ito Maiiwasan?

Narito ang ilang tips upang maiwasan ang IBS:

1. Magkaroon ng malusog na diet

Subukang magdagdag ng maraming prutas at gulay sa diet na makatutulong upang maiwasan ang IBS. Ang mga prutas at gulay ay mayaman sa fiber, at maaaring makatulong sa pagkontrol ng dumi.

Subukan din ang pagbawas sa pagkain ng mga matatabang pagkain, karne, at processed na pagkain hangga’t maaari. Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa probiotics tulad ng yogurt at iba pang mga inimbak na pagkain ay maaari ding makapagpalakas ng mabubuting bakterya sa tiyan. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang irritable bowel syndrome.

Magandang ideya rin ang pag-iwas sa mga pagkaing nakakautot, tulad ng sibuyas, beans, kintsa, at karots.

2. Araw-araw na pag-eehersisyo

Ang pag-eehersisyo ay hindi lamang nakatutulong sa pagiging fit at malusog, subalit nakatutulong din ito sa pagkontrol ng dumi. Subukang mag-ehersisyo ng kahit 30 minuto kada araw upang manatiling fit at malusog.

3. Humingi ng tulong para sa anumang mga alalahanin sa mental na kalusugan

Kung nakararanas ng pagkabalisa, depresyon, o maging stress, huwag maglinlangan humingi ng propesyunal na tulong. Ang pagsailalim sa therapy ay minsan nakatutulong upang mabawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng IBS. Dagdag pa, nakatutulong din ito sa pagkontrol ng triggers ng kondisyon bago pa man ito mangyari.

Matuto pa tungkol sa Irritable Bowel Syndrome dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Symptoms & Causes of Irritable Bowel Syndrome | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/irritable-bowel-syndrome/symptoms-causes, Accessed December 16, 2020

Irritable Bowel Syndrome (IBS) | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/irritable-bowel-syndrome, Accessed December 16, 2020

Irritable Bowel Syndrome | IBS | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/irritablebowelsyndrome.html, Accessed December 16, 2020

Irritable bowel syndrome | womenshealth.gov, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/irritable-bowel-syndrome, Accessed December 16, 2020

Irritable bowel syndrome (IBS) | NHS inform, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/stomach-liver-and-gastrointestinal-tract/irritable-bowel-syndrome-ibs#symptoms-of-ibs, Accessed December 16, 2020

Irritable bowel syndrome – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/irritable-bowel-syndrome/symptoms-causes/syc-20360016#:~:text=Irritable%20bowel%20syndrome%20(IBS)%20is,need%20to%20manage%20long%20term., Accessed December 16, 2020

Facts About IBS, https://www.aboutibs.org/facts-about-ibs.html#:~:text=IBS%20affects%20people%20of%20all,under%20the%20age%20of%2050., Accessed December 16, 2020

Kasalukuyang Version

05/03/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Kaugnay na Post

IBD at IBS: Ano ang Pinagkaiba ng mga Kondisyong Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement