backup og meta

Salt Water Flush: Ano ang Benepisyo Nito sa Kalusugan?

Salt Water Flush: Ano ang Benepisyo Nito sa Kalusugan?

Ang salt water flush, tinatawag minsan bilang “master cleanses” o “saltwater cleanses,” ay makakatulong sa paglilinis ng colon at digestive system sa pamamagitan ng pag-ihi at pagdumi. Bilang resulta ng pag-inom ng tubig na hinaluan ng asin ay ang katawan ay sasailalim ng paglilinis at pag trigger na maalis ang mga dumi nito, na nakapagpapagaan sa pakiramdam. Ito rin ay nakababawas sa pagiging bloated at katamaran. Kabilang sa mga benepisyo ng salt water flush ay ang pag-alis ng hindi maginhawang pakiramdam sa panunaw. Narito ang paraan sa pagsasagawa nito.

Mga Benepisyo ng Salt Water Flush

Nakatutulong upang malinis ang digestive system ang pagsasagawa ng saltwater cleansing. Mayroong benepisyo sa katawan ang salt water flush dahil inaalis nito ang mga dumi sa bituka.

Pansamantalang hinihinto ng pinaghalong asin at tubig ang panunaw habang tinitrigger na alisin ng asin sa katawan. Kung mayroong saltwater ang katawan, ang mekanismo nito ay agad itong inaalis.

Karagdagang benepisyo ng salt water flush ay pinaluluwag nito ang constipation, binabawasan ang bloating at nililinis ang colon.

Mga Gamit

Nakaugnay ang ilang mga chronic na medikal na kondisyon sa mga lason sa colon, kung kaya minumungkahi ang paglilinis ng colon upang mapalakas ang immune function at enerhiya. Pinaniniwalaan na ang salt water flush ay tumutulong sa pag-aalis ng mga lason mula sa katawan at nilalabas ang mga lumang dumi sa colon. Bilang pangkalahatan, ang paraan ng paggagamot na ito ay ligtas. Gayunpaman, palaging ikonsulta muna sa doktor bago isagawa ito.

Maraming naitalang benepisyo ang salt water flush. Ilan sa mga iba pang kondisyon kung saan maaaring makatulong ang saltwater cleanses ay sa high blood pressure, at mga problema sa panunaw ng pagkain. Sinasabi rin na ilan pa sa mga benepisyo nito ay gamot sa sipon, lagnat, at mga degenerative na mga sakit. Katulad ng nabanggit, huwag idiagnose ang sarili o gamutin ang sarili sa pamamagitan ng paraan na ito; palaging kominsulta sa doktor.

Mga Panganib

Maaaring maraming benepisyo ang salt water flush, ngunit mayroon ding panganib sa pagsasagawa nito. Maaaring magsanhi ng pagkahilo ang saltwater. Kabilang pa sa mga panganib nito ang dehydration, pulikat, at posible rin ang bloating.

Dahil sa mabilis na pagkawala ng sodium at fluid na ginagamit sa paglilinis ng colon, maaari ding maapektuhan ang electrolyte balance na hahantong sa:

  • Pulikat sa muscle
  • Hindi regular na tibok ng puso
  • Panghihina ng katawan
  • Seizures, problema sa presyon ng dugo

Maraming benepisyo ang salt water rush at ito ay ligtas ngunit, mainam na huwag magsagawa ng salt water flush kung may:

  • Sakit sa cardiovascular 
  • Diabetes
  • Pamamaga sa anumang bahagi ng katawan
  • Sakit sa bato
  • Problema na may kaugnayan sa digestive system, tulad ng ulcer ay inflammatory bowel disease

Paano ito Ihanda

Narito ang paraan kung paano ihanda ang solusyon para regimen na ito.

  • Sa quart (apat na baso ng tubig), tunawin ang dalawang kutsarita ng natural na asin (iwasan ang paggamit ng iodized salt. Maaaring gumamit ng pink himalayan salt o tubig dagat.)
  • Kung nais ng mas mainam na lasa, magdagdag ng kaunting katas ng lemon.
  • Mainam na uminom ng salwater sa walang laman na tiyan.
  • Maglaan ng oras sa pag-inom nito. Mainam na inumin ito nang mas mabilis ngunit mangangailangan ng oras upang masanay sa lasa nito.

Matapos uminom ng pinaghalong asin at tubig, dapat maramdaman na kailangan dumumi.

Sa paglilinis, panatilihin ang magaan na diet at iwasan ang mabigat na pagkain.

Paano ito Isinasagawa

Karaniwang isinasagawa ang salt water flush sa umaga. Ngunit maaari din itong gawin matapos kumain sa gabi.

Ang flushing ay maaaring mangyari anumang oras sa loob ng isang araw, kung ito ay isinasagawa nang walang laman ang tiyan.

Hindi minumungkahi ang pag-ehersisyo o pag-alis ng bahay matapos uminom ng saltwater. Ang pagdumi ay maaaring paulit-ulit. Mainam kung mananatili sa bahay kung isasagawa ito.

Kakailanganin ang pagpunta sa banyo nang ilang beses tuwing umaga. Karamihan sa mga taong nagsasagawa nito ay natatapos ang paglilinis ng kanilang dumi sa loob ng dalawang oras. Ngunit, maaaring kailangan maghintay nang mas matagal sa mga unang araw ng pagsasagawa nito.

Isa sa mga benepisyo ng salt water flush ay ang pagkakaroon ng labis na enerhiya at pagiging magana sa pagkain, ngunit aabutin ng ilang araw bago tuluyang mapansin ang mga resultang ito.

Siguruhin na dahan-dahan lamang sa mga unang pagkakataon, lalo na kung hindi pa sumasailalim sa mga ganitong uri ng detoxification dati.

Mahalagang Tandaan

Ang salt water flush ay ginagamit bilang detoxifying na pamamaraan upang linisin ang colon. Sa pag-inom ng tubig na hinaluan ng asin, ang katawan ay mati-trigger sa pag-alis ng asin. Kasabay ng pag-alis ng asin ang mga dumi ay naaalis din mula sa katawan. Ang saltwater flush ay hindi sa walang panganib at maaaring hindi angkop para sa mga taong may sakit sa puso, o problema sa gastrointestinal. Bilang pangkalahatan, ang regimen na ito ay ligtas at maaaring isagawa lamang sa bahay. Ngunit bago ito subukan, siguraduhin na komunsulta muna sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Ibang Digestive Health Issues dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is it bad to do the salt water flush everyday?, https://www.mvorganizing.org/is-it-bad-to-do-the-salt-water-flush-everyday/ Accessed June 17, 2021

The Salt Water Flush (SWF), https://themastercleanse.org/salt-water-flush/ Accessed June 17, 2021

Salt Water Cleanse, https://www.lifeevents.org/blog/2018/8/21/saltwater-cleanse Accessed June 17, 2021

Salt and the Kidneys, http://www.actiononsalt.org.uk/salthealth/salt-and-the-kidneys/ Accessed June 17, 2021

Blech! Brain Science Explains Why You’re Not Thirsty For Salt Water, https://www.npr.org/sections/thesalt/2019/03/27/707289059/blech-brain-science-explains-why-youre-not-thirsty-for-salt-water Accessed June 17, 2021

 

Kasalukuyang Version

01/21/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo



Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement