backup og meta

Nakahahawa Ba Ang Gastroenteritis? Alamin!

Nakahahawa Ba Ang Gastroenteritis? Alamin!

Nakahahawa ba ang gastroenteritis? Ang gastroenteritis ay isang sakit na nakaaapekto sa digestive system. Sa artikulong ito, alamin ang mga sanhi, sintomas, mapapanganib na salik, paraan ng pag-iingat, at iba pang salik tungkol sa sakit na ito.

Kahulugan At Mga Sintomas

Ang gastroenteritis ay isang sakit na sanhi ng impeksyon at ng pamamaga sa loob ng digestive system. Maaaring naranasan mo na ito noon subalit hindi mo lamang napagtanto. Kung nagkaroon ka na ng stomach flu na sanhi ng pagtatae at pagsusuka, maaaring iyon ay gastroenteritis.

Kung nakararanas ng ganitong kondisyon, ang tiyan ay magiging irritable at namamaga. Ito ay kadalasang sanhi ng impeksyon dulot ng bakterya o kung minsan ay ng virus. Nakahahawa ba ang gastroenteritis? Oo, nakahahawa ito.

Mga Sintomas Ng Gastroenteritis

Maraming sintomas ng gastroenteritis na dapat tandaan:

Sa mga sintomas na ito, ang matubig na pagtatae at pagsusuka ang mga pinakakaraniwan. Dahil sa pagtatae at pagsusuka, maaari ding mabilis na makaranas ng dehydration. Dapat ding maging alerto sa mga senyales ng dehydration. Kabilang dito ang panunuyo ng balat, panunuyo ng bibig, pagkahilo, at matinding pagkauhaw.

Maaring makaranas sa kabuoang ng masamang pakiramdam at panghihina. Sa mga malulubhang kaso, maaari ding makakita ng nana sa dumi. Ang isa pang senyales ng gastroenteritis ay ang pagkahilo, na sinabayan ng lahat ng mga sintomas na nabanggit.

Mga Sanhi At Diagnosis

Mga Sanhi

Ano-ano ang mga sanhi ng gastroenteritis?

Ngayon, ang kondisyong ito ay maaaring sanhi ng parehong viruses at bakterya. Ang mga pagkakaiba ay maaaring magmula kung paano nakarating sa digestive system ang bakterya o virus.

Sa katunayan, maraming paraan upang marating ng bakterya o virus na nagiging sanhi ng gastroenteritis ang digestive system ng isang tao. Narito ang mga pinakakaraniwang sanhi:

  • Tulad ng iba pang mga kondisyong sanhi ng viruses, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng gastroenteritis sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontak sa isang taong infected nito.
  • Isa sa mga pinakakaraniwang paraan ng pagkakaroon ng gastroenteritis ay sa pamamagitan ng mga pagkain at inuming infected ng virus o bakterya na maaaring maging sanhi ng kondisyong ito.
  • Ang hindi paghuhugas ng mga kamay matapos pumunta sa palikuran o matapos magpalit ng diapers ay isa ring karaniwang sanhi ng kondisyong ito.
  • Posible ring ang gastroenteritis ay hindi sanhi ng impeksyon. Halimbawa, may mga tiyak na kemikal na maaaring maging sanhi ng mga katulad na epekto. Ang lead poisoning halimbawa ay maaaring maging sanhi ng mga katulad na sintomas.
  • Ang ilang uri ng gamot ay maaari ding humantong sa mga sintomas na nabanggit.

Nakahahawa ba ang gastroenteritis? Oo, dahil madaling mahawa nito mula sa iba.

Mga Virus At Bakterya

May dalawang uri ng viruses na maaaring maging sanhi ng gastroenteritis. Ito ay ang rotavirus at norovirus. Ang rotavirus ay ang pinakakaraniwang sanhi ng pagtatae sa mga bata. Sa kabilang banda, ang rotavirus ay ang pinakakaraniwang sanhi ng outbreak ng foodborne disease sa Estados Unidos.

Ang stomach flu na sanhi ng bakterya ay hindi gaanong karaniwan subalit maaari pa rin itong mangyari. Ang E. coli at salmonella ay ang karaniwang triggers. Sa karamihan ng mga bahagi, ang mga ito ay may mga magkatulad na sintomas. Kadalasan itong mula sa hindi lubos na lutong pagkain. Ang salmonella bacteria ay maaari ding kumalat sa mga buhay na manok.

May isa pang uri ng bakterya na tinatawag na shigella na maaaring maging sanhi ng gastroenteritis. Kumakalat ito mula sa isang tao papunta sa iba. Ang karaniwang pinagmumulan nito ay kontaminadong pagkain o tubig. Dahil sa katangian ng ganitong uri ng bakterya, ito ay kadalasang kumakalat sa daycare centers.

Ang parasites ay maaari ding maging sanhi ng gastroenteritis. Gayunpaman, hindi ito kasing karaniwan ng ibang mga sanhing nabanggit. Maaaring makuha mula sa pool ang organisms tulad ng giardia at cryptosporidium. Ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa digestive system.

Ang ibang heavy metals tulad ng cadmium at arsenic ay maaari ding maging sanhi ng gastroenteritis kung matagpuan ang mga ito sa inuming tubig.

Diagnosis

Paano nada-diagnose ng mga doktor ang kondisyong ito? Tulad ng ibang mga sakit, ang mga doktor ay hindi lamang umaasa sa isang paraan upang ma-diagnose ang gastroenteritis. Ginagamit nila ang:

  • Medical history ng pasyente
  • Pisikal na pagsusuri
  • Pagsusuri sa dugo
  • Pagsusuri sa dumi

Lahat ng mga ito ay kapaki-pakinabang sa pagtukoy kung ang isang tao ay may gastroenteritis o wala. Hindi lamang iisang paraan ang maaaring asahan. Ginagamit ng mga doktor ang pagsusuri sa dugo at dumi upang makumpirma ang pagkakaroon ng gastroenteritis.

Gamutan At Pag-Iwas

Dahil maraming sanhi ang gastroenteritis, marami ding mga gamutan ang maaaring gawin para dito.

Paggamot Sa Gastroenteritis

Ang unang dapat gawin ay solusyunan ang dehydration na sanhi ng pagsusuka at pagtatae. Upang masolusyunan ito, uminom ng maraming fluids kabilang na ang oral rehydration solutions. Sa mga malulubhang kaso, maaaring manatili sa ospital ang pasyente para sa gamutan.

Para sa gastroenteritis na sanhi ng bakterya, irerekomenda ng doktor ang pag-inom ng antibiotics para sa gamutan. May mga gamot din para sa gastroenteritis na sanhi ng virus.

Pag-Iwas Sa Pagkakaroon Ng Gastroenteritis

Nakahahawa ba ang gastroenteritis? Oo, nakahahawa ito. Subalit ang pag-iwas sa pagkakaroon nito ay madali lamang. Ang kailangan lamang gawin ay hugasan ang mga kamay at tiyakin ang mga pagkain at tubig na kakainin at iinumin ay malinis at mula sa mapagkakatiwalang mapagkukunan.

Iwasan ang paggamit ng parehong kubyertos kung mga hilaw at lutong pagkain gamit ang maghanda ng pagkain upang maiwasan ang kontaminasyon. Siguraduhing ang lahat ng lugar na paghahandaan ng pagkain ay malinis.

Ang mga ito ay ang mga paraan upang matiyak na maiiwasan ang pagiging infected.

Key Takeaways

Ang gastroenteritis ay isang seryosong kondisyon, lalo na kung malubha na maaaring humantong sa dehydration. Kung hindi magagamot agad, maaari itong humantong sa mga mas malulubhang kondisyon. Kung sa iyong palagay ay nakararanas ka ng isa o higit pang mga sintomas na nabanggit sa artikulong ito, huwag nang hintayin pang lumubha ang iyong kondisyon. Agad na humingi ng medikal na tulong.

Matuto pa tungkol sa Kalusugang Digestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Viral gastroenteritis (stomach flu), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/viral-gastroenteritis/symptoms-causes/syc-20378847, Accessed December 12, 2020

Viruses: Structure, Function, and Uses, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK21523/, Accessed December 12, 2020

About Norovirus, https://www.cdc.gov/norovirus/about/index.html#:~:text=Norovirus%20is%20a%20very%20contagious,can%20make%20other%20people%20sick, Accessed December 12, 2020

Causes and Symptoms of Salmonellosis, https://www.health.state.mn.us/diseases/salmonellosis/basics.html, Accessed December 12, 2020

Dehydration, https://www.nhs.uk/conditions/dehydration/, Accessed December 12, 2020

Kasalukuyang Version

02/08/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement