backup og meta

Hindi Nawawalang Sinok: Mga Sanhi, Sintomas, At Gamutan

Hindi Nawawalang Sinok: Mga Sanhi, Sintomas, At Gamutan

Ang sinok ay hindi boluntaryong muscular spasms na nagmumula sa diaphragm. Karamihan sa mga sinok ay nararanasan nang walang anumang malinaw na dahilan at kusang nawawala sa loob ng ilang minuto. Ngunit kung nagtuloy-tuloy sa loob ng higit dalawang araw ngunit wala pang isang buwan, ang kondisyong ito ay tinatawag na persistent hiccups. Gayunpaman, sa mga bihirang kaso, maaari itong magpatuloy nang higit sa isang buwan o umulit sa madalas intervals sa mas mahabang panahon. Ito ay tinatawag na chronic hiccups o hindi nawawalang sinok.

Ang ilang partikular na insidente ng persistent hiccups ay maaaring higit pa sa hindi mapanganib na kaso ng paulit-ulit na muscular spasms ng diaphragm. Maaaring ito ay sanhi ng mga tiyak na kondisyong medikal o mga gawi ng pamumuhay, na matatalakay mamaya sa artikulong ito.

Ang hindi nawawalang sinok ay hindi sinasadyang spasmodic contractions ng diaphragm, na agad na sinusundan ng mabilis na pagsasara ng vocal cords. Nagpapatuloy ang kondisyong ito sa mahabang panahon ng higit sa 2 buwan.

Ang sinok ay isang sintomas na madalas ay napagkakamalan na iba. Sa kaso ng hindi nawawalang sinok, maaari itong makaapekto sa ganang kumain at sa pagtulog ng tao, na nagiging sanhi ng maraming iba pang mga sintomas.

Ang mga posibleng sintomas na kasama ng medikal na kondisyong ito ay ang mga sumusunod:

Mga Sanhi Ng Hindi Nawawalang Sinok

Hindi pa malinaw hanggang sa ngayon ang ibang sanhi ng medikal na kondisyong ito. Pinaniniwalaang ang mga sumusunod na medikal na kondisyon at mga problema sa paraan ng pamumuhay ay maaaring magresulta sa hindi nawawalang sinok:

  • Pneumonia
  • Pleurisy at iba pang mga karamdamang may kaugnayan sa pangangati ng diaphragm
  • Mga sakit sa bato
  • Gastrointestinal disorder na may kaugnayan sa small o large intestine, tiyan, at esophagus
  • Sakit sa atay
  • Mga kondisyon ng utak tulad ng mga impeksyon, injury, tumor, stroke, atbp.
  • Karamdaman sa central nervous system (CNS)
  • Mga metabolic disorder
  • Uremia
  • Mga sakit na may kaugnayan sa pagdumi
  • Mga sikolohikal na abnormalidad tulad ng mga personality disorder, hysteria, takot, pagkabigla, atbp.
  • Pagkalulong sa alak
  • Mga tiyak na operasyon

Ang diagnostic procedure para sa medikal  na kondisyong ito ay karaniwang sumusunod sa kombinasyon ng pisikal na pagsusuri, mga tanong tungkol sa medical history, na sinusundan ng mga medikal na pagsusuri.

Narito ang mga proseso:

Pisikal Na Pagsusuri

Magsasagawa ang doktor ng masusing pagsusuri ng diaphragm at ng kalapit na organs. Maaari siyang gumamit ng stethoscope upang suriin ang pagkakaroon ng mga abnormalidad sa paghinga, esophagus, at katabing organs.

Pagsisiyasat Sa Medical History

Maaring alamin ng doktor ang personal na medical history upang malaman ang sanhi ng hindi nawawalang sinok.

Maaari ding tingnang mabuti ng doktor ang mga gamot na iniinom. Siguraduhing dalhin ang lahat ng  medikal na dokumentong nagtatala ng history ng  mga personal na medikal na kondisyon.

Sabihin sa doktor ang lahat ng mga gamot na iniinom, tulad ng walang reseta o OTC (over-the-counter) na mga gamot, mga halamang gamot, mga bitamina, at supplements. Ito ay mahalaga para suriin ng doktor kung ang mga sintomas ay maaaring dulot ng interkasyon ng gamot na iniinom.

Gamutan Para Sa Hindi Nawawalang Sinok

Ang paggamot sa medikal na kondisyong ito ay kadalasang natutukoy sa pamamagitan ng ibang sanhi ng kondisyon, kalubhaan nito, mga uri ng iba pang mga sintomas atbp. Ang mga magagamit na opsyon ng gamutan ay ang mga sumusunod:

Mga Gamot

Ang tranquilizers tulad ng chlorpromazine, metoclopramide, at haloperidol ay isa sa mga pinaka-iniresetang drug therapies para sa hindi nawawalang sinok. Isa pang paraan ng paggamot ang paggamit ng muscle relaxants o pain relievers.

Ang anticonvulsant agents ay kinabibilang ng phenytoin, valproic acid, at carbamazepine. Sa ibang mga pagkakataon, ang sedatives at stimulants ay posible ring mga opsyon sa paggamot.

Mga Alternatibong Gamutan

Ang acupuncture at hypnosis ay mga alternatibong therapy na maaaring imungkahi.

Operasyon

Ito ay pinananatiling huling opsyon sa paggamot dahil ang mga gamot ay kadalasang gumagana nang epektibo sa paggamot sa hindi nawawalang sinok.

Ang operasyon ay kinabibilangan ng permanente o pansamantalang pagharang sa phrenic nerve sa pamamagitan injection. Kinokontrol ng nerve na ito ang diaphragm. May isa pang surgical procedure na kinabibilangan ng pagputol ng nerve mula sa leeg.

Matuto pa tungkol sa Kalusugang Digestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hiccups, Chronic, https://rarediseases.org/rare-diseases/hiccups-chronic/, Accessed on 11/08/2020

Chronic hiccups, https://rarediseases.info.nih.gov/diseases/6657/chronic-hiccups, Accessed on 11/08/2020

Singultus (Hiccups), https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK538225/, Accessed on 11/08/2020

Chronic Hiccups: An Underestimated Problem, https://journals.lww.com/anesthesia-analgesia/fulltext/2017/10000/chronic_hiccups__an_underestimated_problem.17.aspx, Accessed on 11/08/2020

Kasalukuyang Version

02/21/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement