backup og meta

Bakit May Namamatay sa Bangungot? Heto ang Kasagutan

Bakit May Namamatay sa Bangungot? Heto ang Kasagutan

May misteryo ang bangungot na kung saan ang isang malusog na tao ay namatay sa kanyang pagtulog nang walang malinaw na dahilan. Sinasabi na ang taong kumain bago matulog ay maaaring bangungutin. Ngunit totoo nga ba ito? Ano ang mga epekto ng pagtulog matapos kumain nang marami? Bakit may namamatay sa bangungot? Basahin upang matuto pa.

Ano ang Bangungot? 

Unang siniyasat ang bangungot sa Pilipinas noong 1900s. Ito ay inilalarawan bilang masamang panaginip na sinusundan ng pagkain nang marami na sinamahan ng pag-inom ng alak. Ang bangungot ay mula sa salitang “bangon” at “ungol”. Maraming tanong kung paano at bakit nagkakabangungot ang isang tao, at kung bakit may namamatay sa bangungot.

Epekto ng Pagkain bago Matulog 

Ipinapayo ng mga eksperto matapos kumain na maghintay muna ng tatlo hanggang apat na oras bago tuluyang matulog. Ito ay upang mabigyang oras ang pagtunaw ng pagkain at maiwasan ang anumang isyu sa pagtunaw. Ang pagkain ng mga partikular na pagkain at agad na pagtulog ay maaaring maging karagdagang dahilan sa kakulangan ng ginhawa sa pagtulog.

Ang pagkain ng maaanghang at mamantikang pagkain o pag-inom ng maraming alak ay maaaring magdulot ng impatso, at ito ay maaaring pumigil sa pagkakaroon ng maayos na tulog. Kilala rin bilang dyspepsia, ang impatso ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng:

  • Pananakit o hindi maginhawang pakiramdam sa itaas na bahagi ng tiyan
  • Pakiramdam ng pagkabusog habang kumakain
  • Hindi komportableng pakiramdam ng pagkabusog matapos kumain

Maaari ding magdulot ang indigestion ng iba pang karamdaman tulad ng ulcer sa tiyan at bituka, gastritis, GERD, pancreatitis, at iba pang mga sakit. 

Brugada Syndrome

Inilalarawan din minsan ang bangungot bilang Sudden Unexpected Nocturnal Death Syndrome o SUNDS. Ito ay ang hindi inaasahang kamatayan habang natutulog, na nangyayari sa malulusog na matatanda. Inilalarawan ng mga mananaliksik ang SUNDS bilang parehong sakit ng Brugada syndrome.

Ang Brugada syndrome ay namamanang sakit na nailalarawan bilang kaguluhan sa electrical system ng puso. Sinasabi na ito ang 20% ng hindi inaasahang kamatayan ng mga pasyenteng mayroong normal na puso.

Ang mga kaso ng hindi inaasahang kamatayan o sudden unexpected nocturnal death syndrome ay madalas nangyayari sa Southeast Asia. Sa unang bahagi ng 2000s, naitala ang SUNDS na nangyayari sa mga taong nasa 20 hanggang 39 na taong gulang.

Ventricular arrhythmia 

Bakit may namamatay sa bangungot? Ito ay maaaring maipaliwanag sa kung paano naaapektuhan ng Brugada syndrome ang puso.

Ang Brugada syndrome ay resulta ng abnormal na ritmo ng puso, na kalaunan ay nagdudulot ng hindi regular na tibok sa mga vetricle o ibabang bahagi ng puso. Ito ay tinatawag na ventricular arrhythmia, na maaaring magdulot ng iba’t ibang epekto kabilang ang:

  • Kawalang-malay
  • Kombulsyon
  • Hirap sa paghinga
  • Biglaang kamatayan

Ito ay normal na nangyayari sa mga taong nagpapahinga o natutulog. Ang abnormalidad sa puso ay nagdudulot ng kawalan ng balanse ng kemikal na nagbibigay ng mensahe sa buong katawan at mga resetang gamot ay maaaring rason kung bakit may namamatay sa bangungot.

Acute Pancreatitis 

Iminumungkahi ng ibang pananaliksik na ang biglaang kamatayan habang natutulog ay resulta ng acute pancreatitis.

Pancreatitis ay pamamaga ng pancreas o lapay, ito ay nasa likod ng sikmura at itaas na bahagi ng tiyan. Ang pancreas ay gland na gumagawa ng enzymes na tumutulong sa pagtunaw at hormones na tumutulong sa pagproseso ng asukal.

Ang acute pancreatitis ay maaaring dulot ng labis na pag-inom ng alak, mga gamot, gallstone, o mataas na lebel ng calcium o triglycerides sa dugo. Biglaang lumalabas ang acute pancreatitis at nagtatagal ng ilang araw. Sa mga malalang kaso, ang pagdurugo ay maaaring mangyari sa lapay. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hemorrhagic pancreatitis, ito ay malaking banta sa buhay.

Naipapaliwanag din ng kondisyong ito kung bakit namamatay ang tao mula sa bangungot. Ito ay babala na ang kondisyong ito ay maaaring magdulot ng biglaang kamatayan na hindi karaniwan.

Mahalagang Tandaan

Bakit may namamatay sa bangungot? Iminumungkahi ng ilan na ang pagkain nang marami bago matulog ay sanhi ng bangungot.

Mayroong mga kondisyon na maaaring sumibol kung agad na matutulog matapos maghapunan. Halimbawa, ang taong mayroong sakit ay maaaring makaranas ng hindi kaginhawaan o indigestion, at kahirapan sa pagtulog.

Ang iba pang posibleng kasagutan sa kung ‘bakit may namamatay sa bangungot na walang kaugnayan sa panunaw ay ang Brugada syndrome. Ito ay nagdudulot ng abnormal na puso, na maaaring sanhi ng acute pancreatitis at nagdudulot ng pamamaga sa pancreas.

Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.  

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

‘Bangungot’: Why young men die suddenly in their sleep

https://lifestyle.inquirer.net/259051/bangungot-young-men-die-suddenly-sleep/

Accessed 18 July 2021

 

Brugada syndrome

https://medlineplus.gov/genetics/condition/brugada-syndrome/#:~:text=Sudden%20unexplained%20nocturnal%20death%20syndrome%20%28SUNDS%29%20is%20a,SUNDS%20and%20Brugada%20syndrome%20are%20the%20same%20disorder.

Accessed 18 July 2021

 

Sudden Unexplained Nocturnal Death Syndrome: The Hundred Years’ Enigma

https://www.ahajournals.org/doi/full/10.1161/JAHA.117.007837#

Accessed 18 July 2021

 

A case control study on autopsy findings in sudden unexplained nocturnal death syndrome

https://heartasia.bmj.com/content/6/1/11

Accessed 18 July 2021

 

Definition & Facts of Indigestion

https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/indigestion-dyspepsia/definition-facts

Accessed 18 July 2021

 

Indigestion

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/indigestion

Accessed 18 July 2021

 

Does Eating Late at Night Make you Fat?

https://uamshealth.com/medical-myths/does-eating-late-at-night-make-you-fat/

Accessed 18 July 2021

 

Is it Bad to Sleep After a Meal?

https://share.upmc.com/2015/11/is-it-bad-to-sleep-after-a-meal/

Accessed 29 August 2021

 

Association between SCN5A and sudden unexplained nocturnal death syndrome in Thai decedents: a case–control study

https://ejfs.springeropen.com/articles/10.1186/s41935-019-0145-3

Accessed 29 August 2021

 

Hemorrhagic pancreatitis

https://radiopaedia.org/articles/haemorrhagic-pancreatitis

Accessed 29 August 2021

 

Pancreatitis

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pancreatitis/symptoms-causes/syc-20360227

Accessed 29 August 2021

 

What causes ‘bangungot’?

https://news.abs-cbn.com/lifestyle/07/19/13/what-causes-bangungot

Accessed 29 August 2021

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement