backup og meta

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo

Tama ang nabasa mo, gumagawa rin ang iyong bituka ng sarili nitong musika na tinutukoy bilang Borborygmi. Ito ang tunog na ginagawa ng gastrointestinal (GI) tract dahil sa maraming dahilan. Ang organs na kasama sa GI tract ay ang tiyan, anus, esophagus, bibig, maliit at malaking bituka. Bakit kumukulo ang tiyan?

Kilala rin bilang ungol o dagundong, ang mga tunog na ito ay malamang na mula sa tiyan o bituka. Bagaman ang pinakakaraniwang dahilan para sa dumadagundong na tunog na ito ay gutom, maaari rin itong gumawa ng ingay dahil sa gas o pagkain na dumadaan sa digestive system.

Unawain natin ang iba’t ibang dahilan bakit kumukulo ang tiyan sa artikulong ito.

Ano ang Digestive System?

Nagsisimula ang GI tract sa iyong tiyan at nagtatapos sa anus. Ang pagkain na lumalabas sa bibig at nagtatapos ng lahat ng proseso ay kilala bilang peristalsis. Ang iyong GI tract ay gawa sa makinis na mga muscle na tumutulong upang magawa ang trabaho. Kapag ang pagkain ay pumasok sa bibig, ito ay nagsisimula sa isang pagkilos ng pagpisil at itinutulak ang pagkain at mga likido sa system ng katawan. Ang paggalaw na ito ay maaaring magresulta sa borborygmi o rumbling sound.

Maaari makarinig ng dumadagundong na tunog kung nakararanas ng pagtatae. Sa pagtatae, mayroong pagtaas sa dami ng gas at likido sa bituka o dahil sa bara ng bituka kung saan ang mga solid na pagkain at likido ay sinusubukang dumaan sa mga barado o makitid na daanan ng bituka.

Kadalasan, ang bituka ay gumagawa ng mas maraming ingay pagkatapos kumain dahil habang ang kinain ay napupunta sa mga ito. Gayundin, maaari mong marinig ang ingay sa gabi kapag wala o hindi gaanong aktibo ang proseso ng panunaw.

Maaari ding mangyari ang Borborygmi dahil sa gas. Ang gas ay normal at isa sa mga function ng bituka ng bacteria na nagpoproseso ng mga pagkain na hindi natutunaw, lalo na ang mga naglalaman ng carbohydrates. Nangyayari din ito kapag lumulunok ng sobrang hangin.

Ano ang Dapat Gawin Kung Gumagawa ng Ingay ang Sikmura

Walang partikular na paraan ng paggamot o gamot para sa ungol at dumadagundong na bituka. Ang mga ingay na ito ay maaaring samahan ng mga karaniwang abala sa bituka tulad ng irritable bowel syndrome (IBS) at dyspepsia. Kumonsulta kaagad sa doktor kung sakaling makaramdam ka ng pagtatae, malnutrisyon, o malabsorption na dahilan sa likod ng mga ingay na ito.

Kung ang diet ay naglalaman ng labis na fructose o asukal o laxative, maaari itong maging sanhi ng pagtaas ng bituka, pagtatae, at flatus.

Mahalagang malaman na ang mga tunog ng bituka na ito ay normal at ganap na maayos. Ngunit, kung sa tingin mo ay madalas ang mga dumadagundong na tunog na ito, maaaring makipag-ugnayan sa doktor.

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Home Remedies

Uminom ng tubig

Kung nagugutom at natigil sa isang lugar at ang iyong tiyan ay nagsimulang kumalam, uminom ng tubig. Ang pag-inom ng tubig ay maaaring makatulong sa dalawang bagay, ito ay makapagpapaginhawa sa gutom o maaaring masugpo ang gutom at ito ay makapagpapaganda ng panunaw.

Tiyaking umiinom ng sapat na tubig upang mapanatiling hydrated ang sarili. Huwag uminom ng labis na tubig nang sabay-sabay dahil maaaring magsimulang mag-umpisa ang umuugong na ingay sa halip o gumaling ang pagdagundong.

Huwag Magpalipas ng Pagkain

Bilang solusyon para sa chronic rumbling, regular na kumain. Ayon sa isang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga taong kumakain ng apat hanggang anim na beses sa isang araw ay napabuti ang panunaw at metabolismo, na pinipigilan ang tunog ng dagundong kaysa sa mga kumakain ng tatlong malalaking pagkain.

Limitahan ang mga pagkain na nagsasanhi ng gas

Ilang mga pagkain ay nagdudulot ng gas at paglunok at maaaring ito ang dahilan kung bakit gumagawa ang bituka ng mga ingay. Ang maaaring iwasan o limitahan ang pagkonsumo ng mga pagkaing ito upang maiwasan ang ingay ng bituka. Ang ilang mga pagkain na nagpapalitaw ng gas ay ang mga sumusunod:

  • Broccoli
  • Beans
  • Repolyo
  • Brussels sprouts

Pigilan ang labis na pagkain upang gamutin ang kumukulong tiyan

Maaaring magsanhi ng hindi pagtunaw ng mga kinain ang labis na pagkain. Ang sobrang pagkain ay nagpapahirap sa digestive system na maayos na gumana. Kaya ito ang dahilan bakit kumukulo ang tiyan. Tiyaking kumakain ng maliliit na bahagi sa buong araw at hindi kumakain nang labis. Gayundin, siguraduhin na ikaw ay kumakain nang mabagal, ngumunguya ng iyong pagkain nang maayos.

Limitahan ang mga acidic na pagkain

Gumagawa ng mga ingay ang Bituka kapag kumakain o umiinom ka ng isang bagay na nakakatulong sa pagkakaroon ng acidity sa katawan. Kung kaya, siguraduhin na ang diet ay naglalaman ng hindi gaanong acidity-trigger na pagkain upang maiwasan ang borborygmi. Tiyaking limitahan mo ang citrus, kamatis, at soda. Iwasan din ang kape. Oo, ang kape ay nag-aambag sa dumadagundong na ingay. Sa halip, maaari mong subukan ang caffeinated tea upang simulan ang iyong araw.

Alisin ang labis na matatamis sa diet

Ang sobrang asukal sa diet, lalo na ang sorbitol at fructose ay maaaring magdulot ng pagtatae at flatus, kaya maaaring ito ang dahilan kung bakit ang bituka ay gumagawa ng mga ingay. Tiyaking bawasan ang paggamit ng matamis na pagkain tulad ng mga kendi, dessert, atbp. upang maiwasan ang anumang mga problema sa tiyan.

Mahalagang Tandaan

Ngayon alam mo na kung bakit kumukulo ang tiyan. Huwag mag-alala, ito ay pangkaraniwan lamang at lahat ay nakararanas nito. Ang pinaka-karaniwang dahilan ng pagkalam ay gutom. Kung sakaling maipit ka sa isang lugar at nagugutom, maaaring uminom ng tubig upang masugpo ang gutom.

Kung sakaling ang ingay ay dahil sa hindi pagkatunaw ng pagkain kasama ng pagtatae, pananakit ng tiyan, at pagduduwal, kumunsulta sa iyong doktor. Ang irritable bowel syndrome, gastroparesis (pagtanggal ng laman ng tiyan), o iba pang malubhang problema sa tiyan ay maaaring ang dahilan sa likod nito

Kung kaya ang bituka ay gumagawa ng mga ingay at hindi mo ito magamot sa bahay, humingi kaagad ng tulong sa doktor.

Alamin ang iba pa tungkol sa kalusugan ng digestive system dito!

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Causes of Borborygmi (Stomach Noises)/https://www.verywellhealth.com/what-is-borborygmi-1942951/Accessed on 02/05/2020

Medical Definition of Borborygmi/https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=25872/Accessed on 02/05/2020

BORBORYGMI/https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780723604907500343/Accessed on 02/05/2020

How to Stop Your Stomach from Growling/https://www.healthline.com/health/how-to-stop-stomach-growling/Accessed on 02/05/2020

Abdominal sounds/https://medlineplus.gov/ency/article/003137.htm/Accessed on 02/05/2020

A Noisy Tummy: What Does it Mean?/https://www.iffgd.org/symptoms-causes/abdominal-noises.html?start=1/Accessed on 02/05/2020

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Sinuri ang mga impormasyon ni Bianchi Mendoza, R.N.

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Nakararanas Ka Ba ng Dysentery? Narito ang Dapat Mong Gawin

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome


Sinuri ang mga impormasyon ni

Bianchi Mendoza, R.N.


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement