backup og meta

Nakararanas Ka Ba ng Dysentery? Narito ang Dapat Mong Gawin

Nakararanas Ka Ba ng Dysentery? Narito ang Dapat Mong Gawin

Ang dysentery ay ang inflammation ng intestinal tract, karaniwan ng colon. Ang ganitong impeksyon sa bituka ay sanhi ng mga tiyak na uri ng bacteria o amoeba. Maaaring maging mild hanggang severe ang kondisyong ito. Posibleng maging banta sa buhay ang malalang kondisyon ng ganitong sakit maliban kung may sapat na hydration sa lahat ng pagkakataon. Alamin pa kung ano ang sakit na dysentery.

Tignan natin ang mga pangunahing uri ng dysentery:

  • Bacillary dysentery o shigellosis: Sa kasong ito, lumilitaw ang mga sintomas sa loob ng 1 hanggang 3 araw ng impeksyon. Karaniwang mild ang kondisyong ito at hindi nangangailangan ng professional na gamutan.
  • Amoebic dysentery o amoebiasis: Kumakalat na ang partikular na uri ng amoeba sa daluyan ng dugo at nahahawa na ang iba pang organ papunta sa intestinal wall. Ang mga sintomas nito na tatalakayin natin mamaya ay kadalasang severe at nangangailangan ng gamutan.

Mga Sintomas

Ano ang sakit na dysentery? Maraming sintomas ang ganitong medikal na kondisyon. Hindi lahat ng taong may dysentery ay makararanas ng lahat ng sintomas. Mula mild, moderate, hanggang severe ang mga sintomas nito. Nakadepende sa kalinisan ng mga lugar ang lala ng mga sintomas.

Karaniwang mild hanggang moderate ang medical condition sa mga developed countries. Nasa mas mataas na panganib naman na ma-diagnose na may severe condition ng dysentery ang mga pasyenteng nakatira sa developing countries at tropical na bahagi ng mundo. 

Lumilitaw ang mild na mga sintomas ng dysentery sa pagitan ng 1 hanggang 3 araw matapos mahawa ng sakit. Kadalasang isang linggo ang recovery period ng pasyente mula nang simulan ang gamutan. Kabilang sa mga sintomas nito ang:

  • Pagtatae
  • Cramping
  • Medyo masakit ang tiyan
  • May mga taong nagkakaroon ng lactose intolerance, na maaaring magpatuloy ng hanggang ilang taon.

Magkakaiba ang mga sintomas depende sa uri ng dysentery.

Mga Sintomas ng Bacillary Dysentery

Tingnan natin ang mga sintomas:

  • Madalas na pagtatae
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Lagnat
  • Medyo masakit ang stomach
  • Matinding pananakit ng abdomen
  • Dugo o mucus sa dumi

Mga Sintomas ng Amoebic Dysentery

  • Lagnat at panginginig
  • Pagsakit ng abdomen
  • Pagkapagod
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Matubig na pagtatae na may mucus, nana, o dugo
  • Pabalik-balik na constipation
  • Masakit kapag inilalabas ang tae

Mga Sanhi

Ang sanhi ng medikal na kondisyong ito ay nakadepende sa uri ng bacteria na sanhi nito.

Mga Sanhi ng Bacillary Dysentery

Sanhi ito ng paglaki ng bacteria na tinatawag na shigella bacillus. Nagkakaroon ng bacillary dysentery o shigellosis dahil sa poor hygiene. Isa pa sa maaaring dahilan ay ang kontaminadong pagkain. 

Mga Sanhi ng Amoebic Dysentery

Ang amoebic dysentery o amoebiasis ay dulot ng amoeba na tinatawag na Entamoeba histolytica (E. histolytica). Nangyayari ang ganitong kondisyon dulot ng poor sanitation, na nauuwi sa kontaminasyon ng pagkain at tubig.

Nabubuhay ang ganitong amoeba sa mahabang panahon sa labas ng katawan ng tao, na nagtatagal sa ating mga kamay matapos gumamit ng palikuran. Sa oras na makapasok sa katawan, nagsasama-sama ang mga ito upang bumuo ng cyst, na inilalabas kasama ng dumi. Ang pagpapanatili ng good hygiene sa lahat ng pagkakataon ang tanging epektibong solusyon upang maiwasan ang pagkalat ng ganitong amoeba. 

Iba Pang mga Sanhi

Maaari ding magdulot ng dysentery ang chemical irritation, viral infections, at parasitic worm infections. 

Mga Panganib at Komplikasyon

Kabilang sa mga panganib nito ang:

  • Kakulangan sa kalinisan
  • Pagkain ng maruming pagkain
  • Pag-inom ng kontaminadong tubig

Narito ang ilan sa mga posibleng komplikasyon ng health condition na ito:

Dehydration

Dahil sa madalas na pagtatae at pagsusuka, nauubos ang tubig sa katawan, at nauuwi sa dehydration. Higit itong delikado para sa mga sanggol at bata. 

Hemolytic uremic syndrome

Dahil sa shigella dysenteriae, nahaharangan ng red blood cells (RBCs) ang opening ng kidney. Ito ang maaaring maging sanhi ng kidney failure, anemia, o mababang platelet count.

Liver abscess

Maaaring magkaroon ng abscess sa atay kapag kumalat dito ang amoebae.

Postinfectious arthritis

Maaaring mauwi sa pagsakit ng kasukasuan ang dysentery.

Seizures

Posible ring magkaroon ng seizures ang may dysentery

Diagnosis

Narito ang karaniwang diagnostic procedure para sa ganitong kondisyon:

Physical examination

Susuriin ka ng doktor nang mabuti batay sa mga sintomas na mayroon ka.

Enquiries

Tatanungin ka ng doktor tungkol sa kasalukuyan at dating medical history at pati ng iyong genetic medical history. Makatutulong ito sa iyong doktor upang masuri niya kung ang mga sintomas ay side effects ng mga gamot na kasalukuyan mong iniinom o ininom noon. Nakatutulong ito sa doktor upang makuha ang tunay na diagnosis ng iyong kondisyon.

Medical Tests

Malaki ang tsansang pakuhanin ka ng iyong doktor ng stool test. Maaaring sumailalim ka sa Diagnostic imaging tests tulad ng endoscopy at ultrasound sakaling malala ang mga sintomas na iyong nararanasan.

Gamutan

Ano ang sakit na dysentery? Hindi kadalasang nangangailangan ng gamutan ang mild na mga sintomas nito. Nawawala nang kusa ang mga sintomas paglipas ng ilang araw. Kapag nagkaroon ng matinding pagsusuka at dysentery, higit na inirerekomenda ang pag-inom ng healthy fluids tulad ng tubig upang maiwasan ang dehydration. Kung hindi kayang uminom ng pasyente, maaaring kailangan na ng intravenous (IV) fluid replacement. Sa mga ganitong kaso, ilalagay sa drip ang pasyente at babantayang mabuti ang kanyang kondisyon.

Kung kinakailangan, ang gamutan sa ganitong kondisyon ay nakadepende sa agent na nagdulot ng ganitong impeksyon – shigella bacteria o entamoeba histolytica bacteria.

Gamutan sa Mild Bacillary Dysentery

Kadalasang nagagamot ang mild na mga kaso ng bacillary dysentery sa pamamagitan ng mga home remedies tulad ng pag-inom ng maraming fluid. Maaaring kailangan ng antibiotics para sa mga malalang kaso. 

Gamutan para sa Amoebic Dysentery

Ang amoebicidal medications tulad ng metronidazole ay karaniwang inirerekomenda upang gamutin ang dysentery na dulot ng amoeba. Hindi lamang epektibo nitong sinisira ang amoeba, kundi iniiwan din nitong maulit pa ang impeksyon. Epektibo ang ganitong gamutan para sa amoebic, bacterial, at parasitic infections.

Mga Pagbabago sa Pamumuhay at Home Remedies

Narito ang mga pagbabago sa pamumuhay at home remedies na kailangan mo upang matiyak na magagamot ang dysentery:

  • Maghugas nang mabuti ng mga kamay bago kumain at pagkatapos magpunta o gumamit ng palikuran.
  • Tiyaking ligtas inumin ang tubig bago ito ikonsumo.
  • Tingnan ang nguso ng bote ng tubig na ginagamit mo sa bahay. Linisin ang nguso ng bote ng mineral water bago uminom dito.
  • Gumamit ng malinis na inuming tubig sa pagluluto at paggawa ng ice cubes.
  • Linisin at hugasan ang iyong bibig gamit ang malinis na tubig.
  •  Huwag bibili ng nabalatan nang prutas at gulay
  • Tiyaking nakasara o may takip ang mga basurahan sa inyong bahay. 
  • Regular na palitan at linisin ang tubig sa swimming pool.

Key Takeaways

Ano ang sakit na dysentery? Isa itong inflammation sa intestinal tract. Maaaring dulot ng bacteria o amoebas ang dysentery. Kabilang sa mga sintomas ng dysentery ang pagtatae, pamumulikat, at pagsakit ng stomach. Tiyaking malinis ang iniinom mong tubig upang maiwasan ang dysentery.

Matuto pa tungkol sa Digestive Problems dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dysentery https://www.who.int/topics/dysentery/en/ Accessed on 03/06/2020

Dysentery https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/dysentery Accessed on 03/06/2020

Guidelines for the treatment of dysentery (shigellosis): a systematic review of the evidence https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6021764/ Accessed on 03/06/2020

Dysentery http://needtoknow.nas.edu/id/watchlist/35/ Accessed on 03/06/2020

Shigellosis https://www.health.harvard.edu/a_to_z/shigellosis-a-to-z Accessed on 03/06/2020

Antibiotics for the treatment of dysentery in children https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2845863/ Accessed on 03/06/2020

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement