backup og meta

Colostomy: Ano Ito At Paano Ito Ginagawa?

Colostomy: Ano Ito At Paano Ito Ginagawa?

Ano ang colostomy procedure? Ito ay isang operasyong kinabibilangan ng pagsasagawa ng pansamantala o permanenteng opening, na tinatawag na stoma. Ang stoma ay isang daan mula sa large intestine patungo sa labas na bahagi ng tiyan. Sa pamamagitan nita, ang dumi at gas ay lumalabas mula sa katawan nang hindi dumaraan sa rectum. Ang solid na dumi ay iniipon sa isang lalagyang sinusuot ng pasyente. Gumagawa ng opening ang colostomy mula sa colon o large intestine, sa pamamagitan ng daan sa tiyan.

Narito ang ilang karaniwang uri ng colostomy:

Sigmoid Colostomy

Ang sigmoid colon ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng large intestine. Ito ay tiyak na isasagawa sa pagtanggal ng solid na dumi sa rectum. Sa ganitong uri ng colostomy, ang dumi ay kadalasang mas solid kaysa sa ibang colostomies. Ito ay isa sa mga pinakakaraniwang uri ng colostomy.

Transverse Colostomy

Sa transverse colostomy, ay binabanat sa itaas na bahagi ng tiyan. Sa ganitong kaso, ang dumi ay karaniwang malambot dahil ang tubig mula sa dumi ay na-absorb lamang ng maliit na bahagi ng colon. Ang transverse colostomy ay maaaring iuri sa tatlong kategorya:

  • Single-barrel – Ang permanenteng operasyong ito sa colon ay tiyak na isinasagawa upang tanggalin ang colon sa ibabang bahagi ng colostomy, na kinabibilangan ng opening ng puwit at rectum.
  • Loop – Sa colostomy na ito kabilang ang paggawa ng stoma upang makalabas ang dumi. Ang gas o dumi ng pasyenteng sumailalim sa ganitong operasyon ay kung minsan dumaraan sa rectum. Ito ay dahil ang colon ay nananatiling konektado sa rectum.
  • Double-barrel – Sa ganitong operasyon sa colon, ang colon ay hinahati sa dalawang magkaibang dulo upang makagawa ng stomas. Ang isang stoma ay upang makadaan ang mga dumi. Sa kabilang banda, ang isa naman ay upang makadaan ang mucus na gawa ng colon. Ito ay isa sa mga hindi karaniwang colostomy.

Ascending Colostomy

Sa ganitong uri ng operasyon, ang colon ay umaabot mula sa isang dulo ng large intestine hanggang sa kanang bahagi ng tiyan. Dahil ang colon ay bahagya lamang na gumagana, hindi ito ganap na naka-aabsorb ng tubig mula sa mga dumi. Nangangahulugan itong karamihan sa dumi ay liquid. Ang ileostomy ay madalas na mas inirerekomenda para sa bahaging ito ng colon kung kaya ang ganitong uri ng colostomy ay bihira lamang.

Descending Colostomy

Sa pamamagitan ng descending colostomy, dinadala ng colon ang mga dumi sa kaliwang bahagi ng tiyan. Sa ganitong kaso, ang mga dumi ay kadalasang solid.

Ano Ang Colostomy Procedure? Para Saan Ito?

Ang colostomy ay maaaring kailanganin sa maraming mga medikal na kondisyon tulad ng mga sumusunod:

  • Colon o rectal cancer
  • Malubhang impeksyon tulad ng pamamaga ng maliit na sacs sa colon, na tinatawag na diverticulitis
  • Colon or rectal injury
  • Problema pagkapanganak tulad ng may harang na opening ng puwit, na may terminong medikal na imperforate anus
  • Inflammatory bowel disease
  • Parsyal o ganap na harang sa intestines
  • Injuries o fistulas sa perineum. Ang fistulas ay tumutukoy sa pagiging hindi normal ng tiyak na loob na bahagi ng katawan, o sa pagitan ng panloob na organ at ng balat. Ang perineum ng mga kalalakihan ay nasa gitna ng scrotum at puwit. Habang ang sa mga kababaihan ay nasa pagitan ng vulva at puwit.

Ang pangangailangan sa operasyong ito ay tumutukoy kung ang pasyente ay magkakaroon ng permanente o panandaliang colostomy. Ang ilang injuries at bowel infections ay nangangailangan ng panandaliang pagpapahinga ng bowel bago muli itong pagkabitin. Sa ganitong mga kaso, ang panandaliang colostomy ay kadalasang inirerekomenda.

Sa kabilang banda, may tiyak na injuries at hindi nagagamot na mga kondisyong nangangailangan ng permanenteng colostomy. Halimbawa, ang kawalan ng kakayahan ng rectal muscles na kontrolin ang paglabas ng dumi at sa mga kaso ng cancer na nangangailangan ng pagtanggal ng rectum.

Ano Ang Colostomy? Mga Panganib Nito

Ang colostony ay isang malaking operasyon at ang mga sumusunod ay ang ilang mga maaaring panganib nito:

  • Pagkasira ng katabing organs
  • Impeksyon
  • Pagdurugo
  • Allergy sa anesthesia
  • Pilat sa tissue na maaaring humantong sa pagkaharang sa intestine
  • Pagkipot ng opening ng colostomy
  • Pagkakaroon ng hernia at hiwa dulot ng operasyon

Ano Ang Colostomy? Paghahanda Para Sa Operasyon

Narito ang tips na kailangang tandaan sa paghahanda para sa colostomy

  • Maaaring iutos ng doktor ang pagsailalim sa fasting sa loob ng 12 oras bago ang operasyon.
  • Magsasagawa ng pisikal na pagsusuri ang doktor sa pasyente. Kasunod nito ay aalamin ang medical history niya at ng kanyang pamilya. Batay sa mga pagsusuring ito, irerekomenda ang tiyak na blood tests, ayon sa payo ng doktor.
  • Maaaring resetahan ng enema o laxative na kailangang inumin sa gabi bago ang operasyon upang linisin ang bituka.
  • Kumonsulta sa doktor at ipagbigay-alam ang mga gamot na kasalukuyang iniinom — mga iniresetang gamot, mga OTC (over-the-counter) na gamot, supplements, mga bitamina, mga halamang gamot, at maging mga ipinagbabawal na gamot. Papayuhan ang pasyente kung kailangang panandaliang ihinto o baguhin ang pag-inom ng anomang mga gamot sa oras ng operasyon ng colostomy. Ang mga tiyak na gamot tulad ng aspirin at mga gamot sa pamamaga ay kailangang ihinto dahil maaari itong makapagpataas ng tyansa ng pagdurugo.

Ano Ang Nangyayari Habang Isinasagawa Ang Colostomy?

Ang operasyon ay kadalasang isinasagawa sa ilalim ng general anesthesia. Ang proseso ay maaaring gawin sa pamamagitan ng isang malaking hiwa o maraming maliliit na hiwa. Maaaring ito ay open surgery o laparoscopic surgery. Tulad ng nabanggit kanina, ang ganitong uri ng operasyon ay kakailanganin depende sa bahagi ng colon na kailangang operahan – sigmoid, transverse, descending, at ascending.

Bagama’t ang permanenteng colostomies ay tumutukoy sa “end colostomies,” sa panandaliang colostomies, ang gilid o dulong bahagi ng colon ay isinasama sa wall ng tiyan upang makagawa ng opening sa tiyan na tinatawag na stoma. Ang dulong bahagi ng colon ay idinidikit sa stoma sa pamamagitan ng operasyon. Dumaraan ang mga dumi mula sa stoma papunta sa sisidlang nakadikit sa tiyan.

Ano Ang Colostomy Procedure? Recovery Period

Matapos ang colostomy, ang karaniwang tagal ng pananatili ng pasyente sa ospital ay iba-iba, sa pagitan ng tatlong araw at isang linggo makalipas ang operasyon. Ang ganap na recovery mula sa operasyon ay umaabot ng dalawang buwan. Sa kaso ng panandaliang colostomy, maaaring kailangangin ng closure na operasyon matapos maghilom ang colon. Ang operasyong ito ay kadalasang isinasagawa makalipas ang tatlong buwan matapos ang operasyon.

Ano Ang Colostomy Procedure? Pag-Iingat Matapos Ang Operasyon

  • Ang pouching system ay kadalang ipinapayo sa pasyente, na kailangang isuot sa labas ng katawan. Ito ay walang amoy at mabibili ng may iba’t ibang uri ng reusable at disposal varieties. Maaari itong bilhin sa mga botika, gayundin sa online portals. Ang gastusin para sa pouching systems ay kadalasang sakop ng health insurance plans.
  • Ang tiyak na irrigation techniques ay nagbibigay ng mas mabuting pagkontrol sa oras at dalas ng pagdumi. Maaari itong gamitin sa tulong ng gabay ng doktor.

Matuto pa tungkol sa Kalusugang Disgestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Colostomy, https://www.healthline.com/health/colostomy, Accessed on 19/02/2020

Colostomy Facts, https://www.ostomy.org/colostomy/, Accessed on 19/02/2020

Colostomy, https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/colostomy, Accessed on 19/02/2020

Colostomy, https://www.cancer.net/navigating-cancer-care/how-cancer-treated/surgery/types-ostomy/colostomy, Accessed on 19/02/2020

Living With a Colostomy, https://www.webmd.com/colorectal-cancer/guide/living-colostomy, Accessed on 19/02/2020

Colostomy, https://medlineplus.gov/ency/article/002942.htm, Accessed on 19/02/2020

What Is A Colostomy, https://www.cancer.org/treatment/treatments-and-side-effects/treatment-types/surgery/ostomies/colostomy/what-is-colostomy.html, Accessed on 19/02/2020

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement